UD 1= Acielle Fernandez

82 1 1
                                    

@Tuesday [April 23, 2013] -6:00pm-

ACE’s POV

Nandito ako sa kwarto ko ngayon, kakauwi ko palang galing sa school, oo naman, kahit gangster ako’t lahat-lahat, kailangan ko pa din ng school

*KNOCK* *KNOCK*

“Pasok” tipid kong sabi

Pumasok si manang sa kwarto ko

“hijo, dadalhan ba kita ng pagkain dito?” tanong ni manang

“hindi na po manang, aalis rin po kasi ako” sabi ko habang in-ooff ang mga ilaw sa kwarto at dahan-dahang naglalakad papunta sa labas ng kwarto

Nang nasa labas na ako, sinara na ni manang ang kwarto ko at sumunod sa’kin pababa ng hagdan

“nga pala manang, wag nyo na ho akong hintayin, baka bukas na po ako uuwi o baka dederetso na ko bukas sa school” sabi ko habang papalabas na ng main door

“Wag niyo hong kakalimutang painumin ng gamot si Darius, baka po mamaya unti ay umuwi na si kuya, isugod niyo nalang ho sa ospital kung ano man”

“nako hijo, kung mag-alala ka, dinaig mo pa si Sir Lex sa pagiging ama ng bata, hayaan mo mamaya rin ay uuwi na si Ma’am Mae dahil natext ko na at sabi nya patapos na rin daw yung duty niya” sabi ni manang, si kuya Lex at si Mae ang magulang ni Darius, pamangkin ko

“Mabuti naman ho, sige ho una na ho ako” sabi ko at lumakad na papuntang motor ko, pero narinig ko pa si manang na bumuntong-hiniga

“napakabait mong bata hijo, bakit di mo subukang ipakita yang muli sa pamilyang ito?”

“hindi ko po kaya manang, simula nung araw na ‘yon, nawala na ang lahat ng respetong kaya kong ibigay sa kanila, ang least na magagawa ko ngayon ay tawagin silang kapatid at mga magulang ko. Sige manang, pasok na ho kayo, ako na ho ang maglolock ng gate” sabi ko at pumasok na rin sa loob

Sumakay na ako sa motor ko (a/n: wala na munang brand, di ko alam anong maganda e xD)

Dumeretso ako sa EwanKoLang bar*, birthday kasi ng katropa ko, si Sean, at dun niya maisip magcelebrate, di naman ako napunta ng mga bar pero dahil katropa ko, sige nalang

Hindi naman traffic kaya nakarating ako agad, pumasok na ako at agad ko silang nakita, sa totoo lang, illegal ang pagpunta namin dito, minors palang kaya kame, 16 years old palang kasi kame

“yo Ace! Buti nakapunta ka??” sabi ni Kurt, bestfriend ko

“tss napilitan lang ako, alangan namang dumeretso ako sa bahay mo at makitulog nang wala ka dun?” inis kong sabi, dun kasi ako lagi nakikitulog kapag alam kong uuwi sa bahay si kuya, ayoko siyang makita, dahil may inagaw siya saking importante! Hasit! Tama na nga nakakabakla naman tong pag-eemo ko!

Umupo na ako sa gitna ni Kurt at ng isang babaeng mukhang mag-isa lang at marami nang nainom

Si kurt na ang umorder para sa akin, sanay na kasi ito sa mga gimikan

Ininum ko lang yung order niya na ewan ko kung anong pangalan, maya-maya pa ay nakaramdam ako ng titig mula sa tabi ko, mula dun sa babae

Di ko na tinignan, alam ko namang nagpapacute lang to. Psh! Women! I really don’t get the point in flirting with a guy they don’t even know!

Ayoko sa mga babae, naiirita ako sa kanila, kung makapagmake-up kasi para namang gumaganda, hindi naman! Kung makalandi rin sa lalake akala mo kung sinong sexy at ma-appeal, hindi naman.

Maya-maya pa ay lumapit siya at bumulong “hi, handsome” sabi niya in a seductive tone

Hmmm... it won’t work lady!

Clash of the GANGSTERS [onhold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon