Candra's POV"Have a good day Milady"
Yumuko si Mr.Park pagkabukas niya ng kotse kaya bumaba ako. He's my personal butler at isa sa pinakaloyal na servant ng family namin kaya super close talaga kami.
"Yes Sir!" sagot ko sabay salute sa kanya. Napatawa na lang siya sa ginawa ko at sinabing maaga niya akong susunduin mamaya bago siya umalis.
I then faced Starry Sky High, one of the prestigious and known school here in Philippines. I'm studying here as a senior student meaning one year na lang graduate na ako.
"Good morning Candra"
As always, binabati ako ng lahat ng nakasalubong ako. Halos lahat kasi kilala ako, kahit dati o bago ka sa school. Because here in school, I am what you call Miss Campus Princess.
Ang cute nga eh! Cause I feel like a real princess because of it. Parang si Snow White lang ang peg ng school at nakatira ako sa isang palasyo. Kyaah~! So magical!
Pagpasok ko ng classroom, I saw my best friend reading a book near the window. Hmp, I bet he didn't notice me came in.
I slowly approached him to surprise him and before I could even say a word, kinausap na niya ako pero sa libro siya nakatingin. Ang KJ niya, promise!
"At sa tingin mo magugulat mo ko? Try a little harder next time" kalmado niyang sabi kaya nagpout ako.
He's Clyde Zalde, my best friend since birth. Best of friends kasi ang mga parents namin kaya nung namatay yung parents niya dahil sa isang landslide sa amin na siya tumira. Pero ngayong highschool kami, kumuha na siya ng sarili niyang condo.
"KJ ka talaga! Hindi ba pwedeng makiride ka na lang?"
"Candra nagulat ako sa ginawa mo! Happy?" humarap siya sa akin na poker face ang mukha. Minsan talaga ang sarap niyang hampasin ng kahoy!
"Malay ko sa'yo!" aalis na sana ako pero bigla niya akong pinigilan at ginulo ang buhok ko.
"Joke lang! Ang cute mo kasi kapag galit, gusto tuloy kitang inaasar" nakangiti niyang sabi. Naramdaman ko na lang na uminit ang mukha ko kaya napayuko ako.
OmO! Ngayon sigurado na ako.. May gusto nga ako sa best friend ko. Paano ba naman kasi gwapo siya, matalino at higit sa lahat ang bait niya. Hwaah! This can't be!
"Ayiie~!" hiyawan ng mga classmates namin. Sa totoo lang, kilala kaming Perfect Couple sa campus pero hindi na lang namin sila pinapansin.
"ClyDra couple!" asaran nila.
Dumating na si Sir kaya tumigil na ang mga hiyawan nila at nagdiscuss na siya ng lesson. Buong magdamag lang akong nakatingin kay Clyde. Buti nga hindi niya ako napapansin eh!
Aist, ang hirap pala talaga kapag nagkagusto ka sa best friend mo. Its either kasi magiging kayo kapag umamin ka o masisira lang ang friendship niyo.
~~
"Tingnan mo ang payat mo na. Bakit kasi ayaw mong kumain?"
"Ayaw ko nga eh! Baka kasi.." hindi ko na tinuloy yung sinasabi ko at tumingin lang sa mga bulaklak. Its already lunch time pero sa garden ako dumiretso dahil hindi ko feel na kumain. Nakaupo kami sa ilalim ng puno at kinukulit ako ni Clyde.
Baka kasi.. tumaba ako. Hindi mo pa ako magustuhan.
BINABASA MO ANG
The Fallen Wizard
FantasyDo you believe that magic exist? If no, then you're mistaken.