Chapter 2 |Section 4S Secret|

8 1 0
                                    


Candra's POV

"Maniniwala ka ba kapag sinabi kong may magic ka?"

Lumaki mga mata ko ng marinig ko yung sinabi ni Clover. Ako? May magic?? Seryoso ba siya? Pero imposible talagang mangyari yun eh! Tumawa ako ng malakas dahil nakakatawa yung joke niya. Ang lakas ng trip niya, promise! Muntik na nga akong maniwala dahil masyado siyang seryoso.

"Hindi ka naniniwala noh?" nkapout niyang sabi habang nakacross arms.

"Sorry pero hindi gagana sa akin yang trip mo. Siguro kung sa mga kinder mo yan sinabi, naniwala pa sila"

"I know hindi ka agad maniniwala pero"

"Matagal pa ba yan? Let's go" lumapit yung Prince Charming sa amin na kanina pa hindi nagsasalita. OmO! Si Kenneth pala! Isa sa mga Prince Charmings ng Star A!

Napatigil siya sa paglakad at parang gulat na nakatingin sa akin. Bakit kaya?? Bigla naman akong nakaramdam ng kakaiba. I somehow felt nostalgic kahit hindi kami magkakilala.

"Lucine" bulong niya. Bumilis bigla yung tibok ng puso ko ng marinig ko yun. Waah~! Ano ba talagang nangyayari sa akin?

"Candra kailangan na naming umalis eh! Bukas ko na lang ipapaliwanag ang lahat"

"Ngayon na lang please! 5 PM pa lang naman ah! Bakit hindi pwede?"

"Bukas mo na rin malalaman kung bakit, sorry talaga! Byee~!"

**

Pagkauwi ko ng bahay, dumiretso agad ako ng kwarto ko at nahiga sa kama. Grabe, totoo nga yung kasabihang 'Curiosity kills'!

Kanina pa ako pagulong gulong sa kama ko kakaisip kung ano ba talaga ang magic na sinasabi niya? Baka mga wizards kami na gumagamit ng spell? O isa kaming witch na may black magic? Ano ba talaga? Pero mas maganda kung wizard nga ako para bagay kami ni Harry Potter~! Joke! Kay Clyde lang ako babagay.

The next morning, late na akong pumasok dahil hindi ako maagang nagising. Tumakbo agad ako papuntang classroom para maunahan ko si Sir, but to no avail mas nauna siya. Anong gagawin ko?? Its my first time to be late at nagdidiscuss na siya sa harap. Huminga ako ng malalim bago ako pumasok.

"Good morning Sir, sorry I'm late" nakayuko kong sabi. Nagulat na lang ako ng biglang nagpalakpakan yung mga classmates ko at nagpasabog ng confetti. May banner pa silang hawak na may nakasulat na 'Congratulations Candra^^'

Ganito pala ang mangyayari kapag late ako, may parang party silang ihahanda.

"Grabe naman kayo! Nalate lang ako ng isang beses, ganito agad? Paano pa kaya kapag naghalf day ako?"

"Ms.Vellana hindi ka ba nainform? You are no longer in in this section, nailipat ka na sa Section 4S"

Napanganga ako sa sinabi ni Sir at napatingin lang ako sa kanya. Kaya pala ganito na lang makareact mga classmates ko.

"Sir?? Bakit naman po?"

"I'm not the principal kaya hindi ko alam. Better approach Ms.Chelsea, she is now your new adviser"

"Pero--"

"I'm sorry Ms.Vellana, but that's final"

"Candra congrats! Swerte mo talaga!"

"Kaya nga eh! Hindi ka lang Campus Princess, sa Section 4S ka pa!" I just gave my classmates a weak smile.

I know I should be happy dahil malilipat ako sa Section 4S. The ever famous section here in school at kapag nakapasok ka, instant celebrity ka na agad. Smartest of the smartest at magagaling lang sa sports ang nakakapasok sa section na yun. Its not like I need it, I'm already famous! At bakit ako malilipat? As far as I know, hindi ako umaabot sa overall kahit na nasa Section 4A ako.

May biglang umakbay sa akin kaya napatingin ako sa left side ko. Seeing his face really makes me smile.

"Cheer up! Alam kong nakakalungkot talaga kapag hindi ka na makakakita ng gwapo" pagmamayabang ni Clyde sabay ngiti sa akin.

"Ang kapal talaga ng mukha mo kahit kailan. Sige, alis na ko!"

"Kita na lang tayo mamayang lunch ah?"

Pumunta ako ng faculty room at pagpasok ko si Ma'am Chelsea na lang ang nasa loob. Hindi mo aakalain na teacher siya dahil parang same age lang kami. Pero ang totoo 21 years old na siya, hindi nga lang halata.

"Ikaw ba si Candra Vellana?" nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa akin.

"Opo!"

"Hm, looks like you're a Special. Halika na, baka mamaya wala na akong maabutan na estudyante"

Special?? Ano naman kaya yun?

Hinila ako ni Ma'am palabas ng faculty at ang hyper niya para maging isang teacher. Pagdating namin sa tapat ng Section 4S, naunang pumasok si Ma'am saka ako pumasok. I don't know why, pero kinakabhan ako.

Nilibot ko yung mata ko pagkapasok ko sa classroom and I think nasa 25 students kami sa loob. Mas lalo tuloy akong kinabhan kasi tumahimik silang lahat pagpasok ko.

"Morning students! May bago kayong kaklase so be nice to her. She's Candra Aysel Vellana of Section 4A" nginitian ko lang sila dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Kung kanina, tahimik yung mga lalaki. Ngayon naghihiyawan na sila at sumisipol na parang nakakita ng sexy.

"Class settle down or else.." hindi pa natutuloy ni Ma'am yung sasabihin niya, tumahimik na agad sila. A terror in disguise ang adviser! Napatingin ako kay Ma'am at nginitian niya lang ako.

~~Author's Note~~

Vote. Comment. Follow.
Sa ayaw at sa ayaw mo :3

Yippee! Natapos ko ang Chapter 2 (\^0^/) Sankyuu frenders~!

Happy Reading :)

~

Next Chapter |Welcome Special Academy|

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Fallen WizardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon