INTRO TO KARMA

33 0 0
                                        

"Flowers for my girl." Salubong ni Kyle sa akin. Aww, how sweet. (・ω・) hindi ko ineexpect to kasi pumunta lang naman ako dito sa supermarket saglit para mamili ng stock sa apartment namin. Iniwan ko pa nga syang nagbabasa ng libro kanina sa salas e, tapos biglang sasalubungin nya ako dito sa labas ng mall na may dalang flowers? Ang swerte ko naman.

"Ihh, para saan to?" Sabay sakbit ng buhok sa likuran ng tenga ko. Hihi. :"> ang hirap magtago ng kilig.

"Para sa pagdating mo sa buhay ko." Nginitian nya ako, hinalikan sa noo, at niyakap. "I love you, Zella." Asgdhfklgfhdjkflghahakd WHAT WAS THAT?! Andaming nakatingin sa amin oh.

May dumaan sa likod ko at sinabing "ang sarap naman umibig." Lol. Oo kaya, sobrang sarap umibig. Lalo na kung ganito ka-bait, ka-thoughtful, at ka-yummy ang boyfriend mo. Hehe.

"WALANG FOREVER P*NYETA NILOLOKO KA LANG NYAN." Dinig ko ring sigaw nung lalaking medyo malayo sa amin. Napatawa na lang ako at humiwalay sa pagkakayakap nya sa akin.

"Baby oh, niloloko mo lang daw ako." Kunwaring sumimangot ako at kunwaring umirap sa kanya.

"Asan na ba yung g*gong nagsabi non at nang maturuan ng leksyon!!" Itinaas nya yung magkabilaang manggas ng T-Shirt nya at astang susuntok na nang tumawa ako at hinawakan sya sa kamay.

"Pabayaan mo na yun, bitter lang sya. Wala sigurong nagmamahal sa kanya. And besides, alam ko namang hindi mo magagawang lokohin ako. Ang bait bait kaya ng baby cutie patootie ko." Pagkasabi ko nun sa kanya ay pinisil ko yung kaliwang pisngi nya at hinalikan sya sa labi. Antamis ng mga labi nya as usual, at ang lambot. Niyakap nya ako at niyakap ko rin sya. "I loveyou baby."

-

7pm na at naglalakad-lakad lang kami dito sa loob ng mall. Nagtitingin-tingin kung may gustong bilhin. Nakahawak ang kaliwang kamay ko sa kanang kamay nya habang yung kaliwang kamay nya may hawak na cake. Mahilig kasi kami sa cake eh. AT YUNG SHOULDER BAG KO PALA NA PINK NA MAY NAKASABIT NA HELLO KITTY NA MALAKING KEYCHAIN NA FLUFFY AY NAKASABIT SA KANAN NA BALIKAT NYA. He looks like a sassy boyfie tuloy.

Teka, kwentuhan ko muna kayo tungkol sa amin ni Kyle. Tutal, pareho naman tayong walang ginagawa sa mga oras na to eh. Wag ka nang umangal, nandito ka na sa part na to eh. Hmm, well, ganito yan...

*・゜゚・*:....:*'(*゚▽゚*)'*:.. ..:*・゜゚・*

Mas matanda si Kyle ng 4years kaysa sa akin. Bale 24 na sya ngayon. Hulaan nyo kung ilang taon na ako? Hahahaha malamang 20. 4years nga e. Ang nakakatuwa pa nyan, parehong April 1 ang birthday namin. April fools day. Bagay na bagay nga sa amin eh. Pareho kaming fool. Haha. Anyway, nagkakilala kami sa isang carnival.

FLASHBACK...

I hate this feeling! Mag-isa ko na namang naglalakad at nagliliwaliw. Yung evil stepmother ko kasi e, inaway na naman ako. -________- pinagpipilitan pa kasing ako raw yung kumain ng blueberry cheesecake sa ref. Ugh! Why would I? May pera ako para bumili ng sarili kong red velvet. I have more than enough money than her, 'no. And duhh, those were cheap ones, I could say.

Naglakad-lakad ako, hinahayaang dalhin ako ng mga paa ko kung saan nila gusto. Hanggang sa huminto ako sa isang carnival. Peryahan. Malaking peryahan sa isang lote di kalayuan sa bahay namin. Maraming rides, booths na kung saan pwede kang maglaro, tumaya, bumili ng kung ano-ano. Na-enganyo ako at nag-ikot ikot. Nang...

"Aahhh!!" I looked at my dress. My favorite dress! Huhu. Puro putik. Pati sa mga braso ko. Pati sa mukha ko, pero talsik lang. Nakatingin yung mga tao sa akin. Nadapa kasi ako sa putikan. Leche. Ang tanga lang.

My Name is KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon