Papel

42 4 1
                                    

"Ohh! Claire? Nasaan si Jacob?" Tanong saken ni Shan, kaibigan ko.

"Nasa bahay nila, may sakit daw eh."

Si Jacob bestfried ko, sya yung laging nandayan, partners in crime nga kame sabi nila.

Kinabukasan tumawag kame kila Jacob para sana yayain syang mamasyal.

*Calling Jacob*

"Hello Jacob?"

"Uhm.. Hello? Mama ni Jacob to, nandito kase sya sa hospital ngayon eh."

"Po?! Saang hospital po ba iyan tita? Pwede po ba kaming pumunta?" Mabilis kong tanong sa Mama ni Jacob.

"Oo naman hija. Dito kame sa St.Lukes Hospital."

Habang nasa byahe kami ni Shan papuntang hospital ay naisip ko yung nangyare kanina. Nag taka kase ako nung ang sumagot ng tawag ay ang mama ni Jacob. Pero nung sinabi ni tita na nasa hospital pala si Jacob ay nakaramdam agad ako ng kaba, at hindi ko alam kung bakit.

Nang marating namin ni Shan ang hospital ay agad kaming nag tanung sa receptionist ng hopital kung saan ang kwarto ni Jacob at ng malaman namin kung saan ito ay agad na kaming nag punta do'n ni Shan at nung malapit na kame ay naabutan namin yung mama ni Jacob na nakaupo sa labas malapit sa Kwarto ni Jacob. Bahagya itong nakayuko at maluha-luha pa nung makita namin kaya naman kinabahan agad ako, kaya agad akong lumapit at agad nag tanong.

"Tita, bakit po kayo nandito sa labas?" Napabaling ang ulo ni tita sakin at nag tama ang aming mga paningin, mga ilang segundo pa bago sya nakapag salita.

"Ahh.. Hinihintay ko kase kayong dumating." Ngumiti sya ng bahagya bago ulit mag salita. "Siguro kailangan nyo nang malaman ito."

May iniabot na maliit na papel samin si tita. At pag katapos no'n ay nag punta agad kami sa kwarto kung saan naabutan namin si Jacob na nakahiga at natingin lang sa bintana, tila may tinatanaw.

Binantayan lang namin si Jacob ng kaunting oras dahil makakalabas na din naman pala sya ng hapon.

Nag paalam na kami kay tita at kay Jacob na uuwi na kami pero may pupuntahan pa daw si Shan kaya ako na lang mag isa ang umuwi.

Habang nasa daan pauwi sa bahay namin ay hindi ako mapakali dahil may gusto akonggawin para kay Jacob. Pero hindi ko alam kong ano ang gagawin ko, kaya naman na pag desisyonan ko na lang na kailanagan kong makitang ngumi-ngiti at nakatawa ulit sya katulad ng dati.

Kailangan kong mapasaya si Jacob.

Kinabukasan ay tinext ko agad si Jacob, inaya ko sya para mag mall kaming dalawa. Ang buong akala ko ay mahihirapan akong kumbinsihin syang sumama, pero laking gulat ko nung pumayag naman agad sya.

Nung nasa mall na kame ay as usual, nanuod kame ng movie at kumain kung saan man namin magustohan.

At dahil sa medyo ngawit na ako sa pag tayo at walang humpay na pag lalakad kanina pa ay inaya ko na si Jacob na mag hanap muna kame ng mauupuan. 

Nang makahanap na kame ng bakanting pang dalawahang upuan na may table ay agad na kaming umupo do'n. Mga ilang sandaling katahimikan pa ang lumipas ay bigla na lang syang nag salita.

"Siguro may alam kana no?" 

Nung una ay hindi ko pa sya maintindiahn, pero nung nakita ko ang seryoso nyang mukha ay tsaka ko lang na pag tanto kung anu ang ibig nyang sabihin.

"Anu yon?" Painusente kong tanong. kahit na alam ko na kung anu yung tinutukoy nya.

"Yung tungkol sakin."

Pag kasabi nya no'n ay nag ilag agad ako ng tingin sa kanya, bigla na lang akong may naramdamang hindi ko maipaliwanag kung inis ba, o galit. At dahil alam kong wla na akong kawala ay muli na akong humarap sa kanya at nag salita na.

"Paano kung alam ko na nga?"

Nung  nakita  ko ang reaksyon nya nung matapos kong sabihin ang mga yun ay alam ko na agad kung anung tumatakbo sa isip nya.

PROMISE ME (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon