Yun! Sa lahat po ng mga nag basa, maraming thank you po sa inyo! lalu na sa mga nag comment and nag votes jan! Thank you po talaga ng maramiiii! ^3^ at sa mga hindi pa nakakapag basa neto ay please lang, parang awa nyona. basahin nyo nato!xDD! Haha! ANYWAYS This is the Last Part! *^_^* Enjoy guys. ;)))! <3
Scrap Book:
Dumaan ang ilang araw at buwan.
Ang dami na naming na puntahan ni Jacob. Nakapag EK, Baguio at Boracay na din kame. At syempre masaya dahil sa lahat ng iyon ay kaming dalawa ang mag kasama.
Eksaktong 8 months na ng relationship namin. Alam kong masaya sya at masaya rin ako hindi dahil napapasaya ko sya, kundi dahil mahal ko na sya.
Nandito lang ako sa bahay ng mga pinsan ko dahil wala naman kaming mga pasok. Nag kayayaan na lang kaming mag pipinsan na mag mall na lang, Pag katapos no'n ay nag siuwian na.
Sana laging ganito, laging masaya..
"Natatakot ako sa pwedeng mangyare Gine."
"Basta nandito lang kame kahit anong mangyari."
Pinsan ko, si Regine. Alam nila lahat ng tungkol sa relasyon namin ni Jacob, naikwento ko kase sa kanila ang lahat dahil nahihirapan na din kase ako.
Nakakainis lang na ngayon ko lang naramdaman lahat to kung kailan malapit na syang mawala sa amin, at lalu na sa akin.
Yung ibinigay na papel ni tita do'n sa Hospital noong dinalaw namin ni Shan si Jacob, nakalagay do'n na hindi na daw mag tatagal pa ang buhay ni Jacob. Oo, may taning na ang buhay ni Jacob. Ang lalaking pinaka mamahal ko.
*Tita Calling*
"Hello Claire?!, hija! Pumunta ka dito sa Hospital, si Jacob."
"Po?! Sige po pupunta na po." Walang pag aalinlangang umalis agad ako para punta tahan si Jacob.
Pag dating ko nakita ko si tita na umiiyak sa tabi ni Jacob. Tumayo si tita at ako naman ang pinaupo nya.
Nang makaupo na ako sa tabi ni Jacob ay bigla akong nakaramdam ng panlalamig ng katawan at kahit na nanginginig na ako sa kaba at takot na nadarama ko ngayon ay pinilit kong maging maayos kahit na papaano.
"Claire, e-eto na a-ata yun." Nahihirapan na syang mag salita, at ng makita kong nahihirapan na din syang himinga ay pakiramdam ko ay parang dinudurog ang aking puso, dahil ayokong nakikita sya sa ganoong kalagayan. Kaya naman agad kong hinawakan ang kanyang kamay ng kaliwang kamay ko at ang kabilang kamay naman ay sa kanyang mukha.
"Jacob naman eh. Wag ka namang mag salita ng ganyan."
Kahit anong pigil ko na wag tumulo ang mga luha ko ay hindi ko na talaga napigilan pa ang pag patak nito. Sobrang sakit na makita mo ang taong pinaka mamahal mo sa ganoong kalagayan.
"M-Mahal na m-mahal kita, Claire." Halos pabulong nya na lang itong na sabi sa aken, and it hurts so much. Sobrang sakit sa pakiramdam, tumatagos sa buong pag katao ko ang bawat salita na binibitawan nya.
"Wag ka namang ganyan Jacob. Mahal na mahal din kita!" Humihikbi na ako, hindi ko na talaga mapigilan.
"Mahal na mahal kita Jacob, sobra. Please, kaya mo pa yan! wag mo akong iiwan Jacob. please parang awa muna." Doon na ako napaiyak ng sobra. Dahil kahit na alam ko na ang kakahinatnan nito ay hindi ko pa din matanggap sa sarili ko ang katotohanang, iiwan na nya kame. iiwan na nya ako.
Bakit ba ang hirap tanggapin? Bakit ba may mga bagay na sobrang hirap matanggap kahit na alam muna naman ito sa umpisa palamang. Ewan ko ba, hindi talaga matanggap ng kalooban ko. Kaya sobra sobra akong nasasaktan at nahihirapan ng ganito. Dahil alam ko na sa umpisa palang, na hindi na dapat pa akong umasa na gagaling pa talaga sya at magiging masaya din kame at magiging okay ang lahat. Pero hindi ko naman pinag sisisihang minahal ko sya ng sobra kahit na alam ko noong sa una pa lang na ganito na nga ang mangyayari, dahil naging masaya naman din ako sa sandaling panahon na mag kasama kami, at alam kong gano'n din sya.
Pero nginitian lang ako ni Jacob. Hanggang sa unti-unti ay, wala na... Nilisan nya ang mundo ng may ngiti sa mga labi. Iniwanan na nya kame, iniwanan na nya ako..
Kasama ang pangako nya sa akin.At alam kong nandoon rin ang paghihirap nya, at ayokong nakikita na nag hihirap sa sakit si Jacob, kaya mas mabuti na din sigurong natapos na rin ang pag hihirap nya.
Kahit na ang sakit-sakit sa kaloobang tanggapin, pero kailangan.
Tinabihan ako ni tita at niyakap ako ng sobrang higpit at pareho na din kaming umiiyak.
May iniabot syang kung anu sa akin at ng mahawakan ko na ay nalaman kong isa pala itong Scrap Book.
Ginawa raw iyon ni Jacob para sa akin.
Nang binuksan ko at nakita ko kung anong laman bibiglauna lang naramdamang lumandas na pala anangking mgmgauha na parang falls dahil sa walang ayumpay nitong ppagagos.
Dahil puro pictures namin yung mga nakalagay sa Scarp Book. Yung mga masasayang moments namen sa EK,Baguio,Boracay at marami pa.
at. .
May napansin akong kung anung nakatiklop na papel na may down arrow sign sa may bandang ibaba at hindi ako nag dalawang isip na hilahin ito paibaba.
Nang nahila ko na ay isa pala itong secret letter..
"Baby, sa mga oras na 'to. . . Alam kong wala na ako. . Binabasa mo na eh.. Salamat ahh? Salamat sa lahat, sobrang saya ko simula ng maging tayo. Sana naging masaya ka rin.. Baby, sorry ah? Alam ko nag promise ako na hindi kita iiwan at lagi kitang babantayan. Pero gagawin ko pa rin naman 'yon. Basta i PROMISE mo lang sa akin na, magiging masaya ka kahit na wala na ako sa tabi mo. I LOVE YOU Claire, mahal na mahal kita."
Will always be yours
Baby.
Jacob C. Villanueva.
BINABASA MO ANG
PROMISE ME (Short Story)
Teen FictionAng sarap sa feeling nung may tao kang matatakbuhan kapag may problema kang dinadala. Yung may tatawagan kang kaibigan kapag wala ka ng matakbuhan.. Paano kung malaman mong may sikreto pala syang itinatago sayo? at pag na laman mo, matatanggap mo k...