KAMI NA!

28 2 1
                                    

Nung nakita ko ang reaksyon nya nung matapos kong sabihin ang mga yun ay alam ko na agad kung anung tumatakbo sa isip nya.

"Tss.. Alam ko kung bakit mo to ginagawa Claire. So please lang Claire, itigil muna to dahil----" Pinutol kuna ang mga sasabihin nya pa sana dahil alam kuna kung anu ang mga ito.

"Dahil ayaw mo ng kinakaawaan ka?!"

"Oo Claire! Ayoko ng kinakaawaan nyo ako, lalu na kung ikaw Claire." Biglang humina yung boses nya sa huling sinabi nya.

"Bakit?! sa tingin mo na, maiiwasan kong hindi mag-alala at hindi maawa sayo Jacob huh?!" Medyo mataas na ang boses ko nung nasabi ko iyon.

"Jacob, mag kaibigan tayo diba?!! My god! Simula grade school pa lang mag kaibigan na tayo Jacob. Tapos sasabihin mo sakin yan ngayon?" Maluha-luha nako nang matapos akong mag salita.

"Hay.. Okay sige sorry, naiintindhan na kita. Pero Claire, sana naman maintindihan mo ang kalagayan ko ngayon."

"Pero Jacob, gusto lang naman kitang mapasaya." Pag susumamo ko sa kanya.

"A-Anu?! G-Gusto mo k-kong m-mapasaya?" Nauutal nya pang tanong.

"Oo. Anu ba ang makakapag pasaya sayo?"

Pag katapos kong sabihin yun ay bigla na lang sumeryoso ang ekspresyon nya. At mga ilang sandali pa ay nag salita na sya.

"O sige Claire. Paano kung sabihin kong ikaw?! Paano kung ikaw lang ang tanging makakapag

pasaya sa akin?"

Nagulat ako sa mga sinabi nya, hindi ko ineexpect na yun ang sasabihin nya sa aken. Nung napansin nya na nabigla ako sa mga sinabi nya ay bigla na lang syang nag salita.

"Sorry! Selfish." Pag kasabi nya no'n ay nag iwas sya ng tingin.

Parehas kaming natahimik ng ilang sandali.

Nabasag lang ang katahimikan sa pagitan namin ng bigla na lang bumuka ang bibig ko para mag salita.

"Sige, kung ako lang ang makakapag pasaya sayo. Edi sige." Hindi ko alam kung saan ko na pulot ang mga sinabi ko, pero bigla na lang lumabas sa bibig ko.

"Huh?!" 

Kitang-kita ko ang mag kahalong emosyon ng pag ka gulat at pag kakairita sa mukha nya.

"Gusto kitang makitang masaya ulet Jacob."

"Hindi Claire, baka nabibigla ka lang. kalimutan muna lang yung mga sina---"

Hindi kuna sya pinatapos sa pag sasalita. Humilig ako palapit sa kanya at hinawakan ko ang kanyang mga kamay.

"Hindi Jacob, please. . Hindi ako na bibigla lang o kung anu man. Just let me do this Jacob, gusto kitang mapasaya kahit sa maikling panahon lang."

Marami pa kaming na pag-usapan nang mga oras na iyon. Pero pag katapos ng pag-uusap naming yon ay hinatid na nya ako pauwi samen.

Nang makarating na kame sa tapat ng bahay namin ay agad syang bumaba sa kotse at pinag buksan nya ko ng pinto. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla na lang uminit ang pisngi ko sa ginawa nyang 'yon. Kahit na hindi naman ito ang unang pag kakataon na ginawa nya 'yon saken.

"Thank you." Sabay ngiti ko sa kanya.

Gumanti din naman sya ng isang ngiting ngayon ko lang nakita. Madalas naman syang Ngumi-ngiti, pero hindi yung ganitong kakaibang ngiting hindi ko maipaliwanag.

"Sige Jacob, una nako." Sabay talikod ko sa kanya.

Pero nung nakaka tatlong hakbang pa lang ako ay bigla syang nag salita.

"Claire, salamat." 

Nang nilingon ko sya ay nginitian nya ako.

"Salamat? Para saan naman yan?" Mangiti-ngiti kong tanong.

"Para dito. Salamat kase. . ." 

Nag hintay pa ako ng ilang segundo pero hindi nya pa din naitutuloy, kaya naman nag salita na ako.

"Anu ka ba?! Wala yun. Sige ah, pasok na 'ko. Good night!"

"Sige. Good night! Claire." 

Nung nakapasok na ako sa loob ng kwarto ko ay tsaka pa lang ako nakahinga ng maayos.

What the!? Kanina papala ako nag pipigil ng hininga ko?

Huminga ako ng malalim at napatulala ng ilang sandali. Pinoproseso ang mga nangyare kanina samin ni Jacob.

At ng nag sink in na saking utak ang lahat ng mga nangyare, napasigaw bigla.

"Wahhhh! KAMI NA!"

PROMISE ME (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon