(UD August 14,2015)
Tumunog ang Iphone sa bulsa ko at kinapa ko iyon upang tingnan ang minsahe.
Divy: Girl sa room dali!
Sa room? Anong meron doon bukod sa chalkboard at armchairs?
Kahit nagtataka sa natanggap na text ay binaybay ko parin ang papuntang classroom. Sa bawat madaanan ko ay maraming mata ang nakatingin sa'kin, may mga bibig bubuyog, at mga binubolateng classmates. What's going on? Pakiramdam ko naman may ginawa akong hindi ko matukoy kung ano. Malaswa ba o nakakatawa, alin ba sa dalawa?
Malamang ay may nakakaalam ng nararamdaman ko at ikinalat na iyon kaya ganoon ang mga nadaanan ko. Mapanghusga! People like them will never change. Bigla ay bumalik ang alaala ng kahapon sa basketball court malapit sa subdivision.
---
Ang campus star, ang bestfriend ko, si Eya. Ngiting-ngiti ito sa panghaharana ng taong alam niyang pinakagusto ko at minamahal ko ng patago.
Pinipiga ang puso ko sa bawat masuyong pagkanta ni Sun at pagngiti sa kanya. Ang sikip-sikip ng dibdib ko at halos di ako makahinga sa subrang selos. Tuloy ay gusto ko siyang itulak at palitan sa pwesto niya. Sana ako nalang Sun. Sana ako na lang ang titigan mo, kantahan at bigyan ng rosas. For all the girls in school bakit si Eya pa na bestfriend ko? At bakit sa lahat ng taong pweding magtraydor sa akin ay kaibigan ko pa? For all songs bakit I'll be pa na paburito ko?
I felt betrayed kahit wala ako sa lugar para makaramdam ng ganito. Oo wala. Kasi kung si Eya ang gusto ni Sun dapat ay magpaubaya na ako at di ko siya dapat pagselosan. Hindi naman niya kasalanan kung mahal siya ng taong mahal ko.
Nanginginig ang sistema ko sa tindi ng selos.
Simula pa lang alam na ni Eya na si Sun lang ang hinangad ko to lean on for cry moments. At ngayon na ang moment na iyon lalo na't nakikita kong masaya sila. But I have no right to demand for his attention because I'm not in the right place. I'm not his girlfriend, it's Eya! Looking in their eyes I can see love. Yung love na hinangad ko mula noong una ko siyang nakita sa cafeteria. That was five months ago.
Tuloyan ng nangilid ang luha sa mga mata ko lalo na ng maalala ang pagtatapat na ginawa ko noong lunes. God, dalawang araw pa lang pala ang nakalipas. I'm so stupid! Parang tinutusok ang puso ko dahil sa katangahang ginawa. Kung alam ko lang na mangyayari 'to sana ay hindi na lang ako naglakas loob na aminin sa kanya ang feelings ko. Para hindi ako nagmumukhang tanga ngayon.
Noong nagtapat ako, wala siyang naging reaksyon bukod sa matiim na titig. Wala siyang sinabi hanggang sa pakiramdam ko ay mukha na akong kapipitas na gulay at nabilad sa araw, lantang-lanta ako sa katangahan!
Half of me says, tama lang ang ginawa ko. At least nalaman ni Sun ang nararamdaman ko para rito. Ngunit di ko mahanap kung saan sa nagaganap ngayon ang inakala kong tama noong lunes. Ang sakit lang. Katatapat ko lang diba? Sana pinalipas na lang niya muna. Sana ay next week na lang niyang hinarana si Eya at kung maaari lang, sana ay yung hindi dito na malapit pa sa subdivision. Dahil hindi lang naman si Eya ang nakatira dito.. Ako rin. Mas nagmukha lang akong tanga sa pagtatapat ko.
BINABASA MO ANG
Star and Sun (One Shot)
Dla nastolatków"Mula noong third year tayo, una pa lang kitang nakita na-love at first sight na ako sayo. Pero ang sabi nila ang love ay nararamdaman hindi yung nakita mo lang mahal mo na kaagad." Ano nga ba ang Love? Well we have our own answers and perception to...