"Dustlyn, ano bang gagawin natin dito? Gabi na, hahanapin na ako ni mommy," nahihintakutang saad ni Anne. Inayos pa nito ang salamin sa mata bago mahigpit na kumapit sa braso ni Dustlyn.
Napagtripan ng magkakaibigang Dustlyn, Tonet, Danica, Nicole at Anne na mag-ghost haunting sa isang lumang ospital.
Mabaho, madilim at sobrang nakakatakot ang katahimikang bumungad sa kanila nang ganap na silang nakapasok sa loob. Syempre, nakakaramdam din naman sila nang takot, lalo na si Anne na itinituring na pinakaduwag sa grupo. Bilog ang buwan at kahit paano, tumatagos ang liwanag nito sa mga sirang bintana ng lumang ospital. Kaya, hindi gaanong madilim sa paligid.
"Sa'n tayo unang pupunta? Hmmm..." pagbasag ni Tonet nang katahimikan. Itinutok nito ang tangang videocam sa tatlong daraanan sa kanilang harapan; sa kaliwa, kanan at gitna. Napagkasunduan nila na wala ni isa man ang magdadala ng cellphone, para walang sagabal.
"I think, we should find first the creepiest place in here, wait let me see..." aniya ni Nicole. Inilabas pa nito ang pina-print kanina na naglalaman nang ni-research n'ya tungkol sa lugar na iyon.
"Aha! Sabi dito, sa Room 412 daw? Marami raw kasing namatay sa lugar na iyon. Iba't ibang uri na ng tao." Inayos pa ni Nicole ang nakasukbit na gitara, na lagi nitong bitbit saan man magpunta.
"Patawa ka ba? Paano natin malalaman kung alin dito iyon eh, isang pitik na lang dito guguho na?" nang-aasar na saad ni Tonet.
"S'yempre pa, kahit duwag 'yang si Anne, matalino naman at mapamaraan. Nakakuha s'ya ng sketch nitong lugar. Sabi dito sa sketch, nasa dulo raw nitong gitnang daanan." Itinapat pa ni Nicole ang papel ng sketch sa mukha ni Tonet na tinabig lang naman nito. Tinalunton na lang nila ang gitnang bahagi na nasa kanilang harapan.
"Hindi ba delikado? Umuwi na lang kaya tayo?" Nanatili pa ring mahigpit na nakakapit na saad ni Anne kay Dustlyn. Tumigil naman ang dalawang nauuna sa narinig. Lumingon ang nakasimangot na si Tonet.
"Bakit kasi sinama mo pa 'yan Dustlyn? Alam naman nating duwag 'yan." At nauna nang naglakad ang naiinis na si Tonet. Umagapay naman sa kanya si Nicole sa paglalakad at hindi na nagkomento pa.
Tinging humihingi ng paumanhin ang ibinigay ni Dustlyn sa hindi na nagsalita pang si Anne. Sumunod na lang sila sa mga naunang kaibigan. Nahuhuli naman si Danica, lubhang mabagal itong maglakad dahil sa katabaan nito. Dala nito lagi ang paboritong tsokolate.
Isang palapag lang ang lumang ospital na iyon, pero malawak ang nasasakupan nito. At dahil nga luma na ang lugar, karamihan ay bulok na at wala ng mga pinto, mabaho at puro pa alikabok, ipis at daga.
Nang makarating sila sa dulong kuwarto, saglit silang tumigil. Pinasadahan ni Tonet nang dala n'yang videocam ang pinto. Luma na ito at wala na ring doorknob. Bukod tanging ito lang ata ang may pinto sa mga kwartong kanilang nadaanan. Agad s'yang lumingon sa mga kasama.
BINABASA MO ANG
Room 412 - one-shot
Horrorlahat ba nang nakikita ng mata ay totoo? alamin... *entry to LIB horror writing contest*** © jhavril All rights reserved 2015 November 09, 2015