Chapter 1

28 1 0
                                    

Ito ang pinaka simula kung papaano sila nag ka kilala.

Si keana at si Joan ay mag bestfriend simula noong grade 1 sila. Palagi sila nagsasabihan ng mga sikreto at nagkukulitan. Hanggang sa 1st year highschool nila sila ay nagkahiwalay dahil si joan ay nag aral sa japan ng 2 taon. Kaya 2 taon silang hindi nagkasama at nagkita. Ngunit bumalik na si joan sa pilipinas nung 3rd year highschool sila at naging magkaklase uli sila at mag bestfriend pren sila. Marami silang pinagkwentuhan at nag sabihan ng sikreto.

Hanggang sa 4th year highschool nila ay lumipat sila sa school na Vinneor Highschool.
Nakilala sila sa pagiging maganda at mabait at matalino. Sikat na sikat si keana sa school na yun. Hanggang ang tawag sakanya ay Campus Princess.

Keana's pov

Nandito kami ngayun ni joan sa canteen at kumakain bored na bored kami kasi 3 hours daw ang lunch break kasi daw may emergency teachers meeting kaya ayun dito lang kami nakatambay sa canteen na napakaingay dahil sa mga lalaking nakikipagusap skin at pinaguusapan ng mga babaeng haters ko. Hindi naman sa pagmamayabang pero ganito na talaga ang buhay namin ni joan noong lumipat kami dito. May tinatawag ding silang Campus king, di ko pa siya na mi meet dahil lagi daw nag aabsent at kung papasok naman ay laging sa canteen lang at nagka cutting. Ang naririnig ko lang ay ang papa niya ay ang may ari nitong school. Madami ring nagsasabi na gwapo siya at badboy.

Nung pagkarinig ko ng badboy hindi na ako intresadong ma meet siya dahil galit ako sa mga lalaking ginagawang laruan ang mga babae dahil nga may past ako sa ganong tao. Naranasan ko ng maloko kaya ayoko nang magboyfriend uli kaya inisip kong mag aral nalang akong mabuti. Lagi akong nasa top 5 naglalaro lang ako sa 1 at 2 at si joan naman ay lahging 3 di siya umaalis dun simula grade 1 kami lagi siyang pang top 3, ewan ko ba siguro sumpa na sakanya yung number 3 haha.

Kinabukasan sabi nila pumasok na daw si Nico Myles Donovan. Parang nainis ako nung narinig ko yun. Nasa corridor na kami ni joan para pumunta sa classroom pero nagkasalubong ako at bigla niya akong hinawakan, sino pa ba? Edi si nico. Nakatingin siya sken ng cool na cool, habang yung dalawa niyang kasama nakangiti. Bigla siyang nagsalita "Ikaw ba si Keana Marie Bueles?" Sabay smirk.
Di ko siya kinausap inirapan ko lang siya sabay sabi niya "Aba masungit ka pala, andaming nagsasabi na mabait ka pero inirapan mo lang ang gwapong to!" Ang kapal ng mukha! Sarap sabunutan! "Hindi kaso ako nakikipag usap sa mga lalaking nanloloko ng mga babae!" Sabi ko naman. "At sinong nagsasabi na nanloloko ako ng babae?? Oh FYI sila ang nagpapaloko sken pinipilit nila ako kahit may ka landian nako" sabi niya sabay smirk. "ANG KAPAL DIN TALAGA NG MUKHA MONG SISIHIN ANG MGA BABAE E NO?! E bakit ka pala pumapayag?!" Sabi ko sabay hila ko sa kamay kong hawak niya at nag lakad kami ni joan ng mabilis. Tinawag niyako ngunit di ako lumingon, pero may sinabi pa siya "Ang ganda ng bracelet mo arbor nalang to ah!" Sabay tingin ko sa kamay ko, Wala nga yung bracelet ko na binigay sken ng lola ko! Lumingon ako pero wala na sila.
Takbk kami ng takbo ni joan, first time nmin mag cutting, hinahanap namin sila nico buong campus inikot namin pero hindi namin sila nakita. Napaka importante sken nung bracelet na yun, naluluha nako. Hindi talaga namin sila makita, nagsalita si joan "Wala na tayong pag asa mahanap yung mga ulol na yun. Inikot na natin ang buong campus ng tatlong beses pero wala talga sila. Siguro nag cutting nanaman sila" Lumuha na ako kasi sa sobrang importante sken ng bracelet na yun at isa pa nag cutting ako ng dahil dun sa ulol na yun! I hate him so much sana di ko nalang siya kinausap kanina. "Okay ka lang best?" Sabi ni joan. Tumango lang ako at pinunasan ang mga luha ko.

Pumunta kami sa office at sinabi ang nangyari kung bakit kami hindi nakapasok. Naintindihan naman nila pero binigyan kami ng sunction. Mag linis daw kami sa likod ng school kaya ito nag wawalis kami dito ni joan, buong araw daw dapat kami dito.
Nalinis na namin yung isang part pero 4 na part yung dito sa likod. Pagod na kami wala pa kming kain kain. At nagsalita ako para pang basag tahimik lang " Pag nakita ko yung ulol na yun uli lagot yun saakin!" Sabi naman ni joan "Oo nga ang hirap mag lin--" bigla siyang tumahimik at lumaki ang mga mata niya at naka tingin sa likod namin. Nag taka ako kaya lumingon ako nagulat ako ng makita ko si nico pati ang dalawang kasma niya at nag salita siya "Sino ang sinasabi mong ulol?". Padabog akong lumapit saknya at sumigaw " Siyempre ikaw!! Ano bang problema mo saken at ang sama sama mo! Panalo ka na napaiyak mo na ako at naparusahan mo na kami! Bwisit ka ayaw na kitang uli makita!" Sabay sampal ko saknya ng malakas. Nagulat siya at napahawak siya sa kanang pisngi niya. Sabay sabi "Gusto ko lang ibalik to sayo kasi nakita kong umiyak ka kahapon." Nagulat ako dahil ang lumanay niya magsalita ngayon. Sabay bigay saakin ng bracelet at lumakad na sila palayo. Hinabol ko siya at sabi kong "Sorry, pero dapat mag sorry ka rin skin kasi grabe tong ginawa mo saamin ng bestfriend ko." Tapos ngumiti siya ng nakakaloko tapos tumingin sa mga kasama niya at tumawa sila ng napakalakas. Aba bakit sila tumatawa?? "May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Sabi ko tapos lumapit siya saakin at sinabing "Mabait ka pala, pero sayang hindi ako marunong mag sorry e. Naiinis ako sayo kasi mas marami nang may gusto sayo kesa skin kaya bumabawi ako ngayon! Hindi na ako a absent" sabi niya sabay smirk at nag lakad papalayo. Nabwisit ako at binato ko yung dustpan na hawak ko at tinamaan siya sa likod at sabay takbo ko.

Anong susunod? Basahin ang chapter 2!

Campus King meets Campus PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon