(Kate's P.O.V.)
"So, sino yung sinasabi mong crush? Hahahah! Sabi ni Harry. Si Harry nga pala ung pinakasweet kong pinsan. Kami ang mag-pinsan na super close dahil only child siya kaya kami lang lagi ang magkausap.
"Ahh.... siya si uhm... Luke Salas." Yumuko ako para hindi mahalata na namumula ako.
"Aww. Lumalaki na ang baby girl cousin ko." Tapos bigla niya akong niyakap. Minsan talaga nakakainis na siya. Pero I never get bored kapag kasama ko siya.
Siyempre, bukod pa don ang mga best friends ko na sina Aliah Santos, at Brooke dela Cruz.
(Luke's P.O.V.)
Mukha na siguro akong babae. Hindi ako makapaniwala na meron na palang boyfriend si Kate. Ganito pala ang feeling na maheart-broken. Pumunta nalang akong CR para hindi nila mahalata na umiyak ako.
*Sa canteen.... Ulit*
Nakita ko na nandoon na sa table namin sina Paul at James. Kasama na nila sina Aliah, Brooke, at Kate. Nagtatawanan sila. Masaya nadin ako na masaya siya sa lovelife niya. Ang sakit naman kasing mabroken-hearted.
Noong lumapit ako sa tablensa table nila, binungad ako ng isang cute na babaeng may sobrang cute na dimples.
"Hi Luke, dito ka nalang sa tabi ko."
"Wag ka ngang mauto Luke!" Sabi ko sa sarili ko. Pero diko mapigilang tumabi sa kanya. Ginamit nanaman niya yung puppy eyes niya eh! Kaya tumabi na ako sa kanya.
"Sina Aliah at Paul na nga pala yung bumili ng lunch natin kasi manlilibre daw sila."
Sabk ni James."Aba himala! Si Paul! NANLIBRE! Anong meron?" Sabi ko.
"Sila Aliah at Paul lang kasi yung highest sa section namin. Kaya nanlibre na sila." Sabi ni Brooke.
"Ah ok" After ng sinabi ko. Nagkaroon ng akward silence samin ni Kate. Alam niya kaya na nakita ko siya ag BF niya?
"Aba Himala! Tahimik ata si LukeyBoy!" Sabi ni Paul.
"Kumain na nga lang tayo! Alam niyo bang napakatagal niyong bumili. Eh wala ngang kapilapila eh!" Sabi ko.
Tumawa kaming lahat. Habang kumakain kami, biglang tumingin sakin si Kate. Ngumiti siya sakin kaya ngumiti din ako. Napansin niya namula siya kaya yumuko nalng siya.
GRABE! Ang cute niya talaga!
"Wag mo kong tignan." Sabi niya, tumawa nalang ako sa kacutan niya.
"Uhm... Kate. Sino yung kayakap mo kanina?" Nanlaki ang mga mata niya.
"Bakit? Selos ka? Ha!" Namula ko.
"De, joke lang" sabi niya.
(Kate's P.O.V.)
Nagseselos ba talaga siya? Grabe Kate! Wag kang mag-assume na crush ka din niya. School heartrob, magkakacrush sa akin? Imposible! Pero bakit siya namula? Oh well!
Noong tapos na kaming kumain,nilagay na namin ang plate sa basket. Saktong-sakto dahil biglang nag bell yung bell.
"Sige guys, see you nalang next week ah!" Sabi ni Paul.
"Babay!" Sabay-sabay naming sinabi.
"Kate, sabay na tayong pumuntang classroom?" Sabi ni Luke.
"Sige." Napansin niya atang mabagal na akong maglakad kaya bigla niya akong hinila.
"OW!" Sani kong pasigaw.
"Sorry po. Mabagal po kasing maglakad si Kate! Eh, male-late na kami!" Palambing na sinabi ni Luke. Napakaswerte ko siguro dahil nahawakan ang kamay ko ng school heartrob! Hay! Natutunaw na ko dito! Hehe! Joke!
(Luke's P.O.V.)
Ay! Wait! Hinahawakan ko pala ang kamay ni Kate. Ok na yun!
"Uhm, sorry nga pala kanina dahil niloko kita na nagse-selos ka." Sabi ni Kate. Mahpa-hard to get kaya ako? Oo!
"Hu ewan ko sayo" sabi ko.
"Sige na, sorry na!" Sabi niya. Dumila nalang ako.
"Please?!?!?" Nagpuppy eyes nanaman siya.
"Oh sige na nga. Pero.... hindi muna kita papansinin. Tingnan ko lang kung matitiis mong dika pansinin ng crush mo!"
"Ehem, kaya ko po kaya! At sisimulan ko na ngayon!"
Bigla niya nalang akong iniwan at tumakbo papunta sa classroom. PATAY! Pano kung kaya niya talagang hindi ako pansinin. Pano kung mawala ang crush niya sa akin. Sana maging MU kami someday. Mutual Understanding o Maling Ugnayan? AY! Late na ako!
Tumakbo ako nang pinakamabilis. Dahil ayokong mapagalitan ni Ms. Catacutan. Hey! That rhymed! Oh gosh! I sound like a kid... again!
(Kate's P.O.V.)
Ang totoo niyan ay hindi ko kaya na hindi ko kaya na hindi niya ako pansinin. Ah! Alam ko na! Magpapa-hard tomget nalang ako ng parang ginawa niya kanina. Tama! Humanda ka Luke Solis!