The Moment...

139 11 3
                                    

Hindi ko pinapansin si Khim along the way. Kahit hanggang makarating na kami sa private resort na pag-aari pala ng pinsan ni Jerome.

At tama po!

Kasama si Jerome. Ang kasinungalingan ni Khim ay umiral. Ang nangyari pa nyan, sa kotse ni Jerome ako sumakay. Sa passenger seat habang sya sa driveR seat. Sina Khim at Arviejay sa likod.

Pamatay ang ka-sweetnessan ng dalawa sa likod. Habang ako. Sa tatlong oras na byahe, halos di ako kumilos o nagsalita man lang. At ang tumataginting na AWKWARDNESS ay nakabilot sa aking buong aura.

Kaya pagdating sa resort. Nagkulong agad ako.

"Lhen, peace na tayo. Di ko naman talaga alam na kasama si Jerome a. Tsaka, kasalanan ko ba kung itinakwil tayo sa van na dapat sasakyan natin?"

Wala padin akong kibo.

"Uy bez, bati na tayo. Nu ba naman yan. Hapi hapi dapat dito e."

Tinapunan ko sya ng tingin.

"Di ako galit nu. Iritable lang. Kung bakit ay wag mo ng usisain."

"Ainaku. Tara sa labas. Hinahanap ka nila."

"Ayoko."

"Naman Lhen, Grow up! Bahay mo ba to para magmukmok ka? Nakakahiya kaya. Tsaka, ikaw ang nagsabi na 5years na ang nakalipas. E bakit ganyan ka padin mag-inarte? Mahal mo pa?"

Marahas ang naging paglingon ko sakanya at tinitigan ko sya ng masama.

Pero di padin ako nagsalita.

"Kung ganyan ka ka-apektado sa presensya nya. Tara na, umuwi na tayo! Ayokong magmuka kang tanga dito!" Matigas na sabi ni Khim.

Napabuntong hininga ako.

"Okay, magpapalit lang ako. Huwag kang aalis sa tabi ko ha."

"Para que pa at naging bff tayo? Go." Nakangiti na si Khim.

Nagpalit ako ng two piece.

Nagsuot ng kulay fire pink short shorts at nagpatong ng tranparent blue short dress.

"Bongga." Tanging nasabi ni Khim.

At lumabas na kami ng cottage.

"Girl, you rock!" Nakangiting sabi ni Khim.

Panu kasi, yung mga nadaanan naming boys. Including Jerome. Nakatingin lang sakin ng. . . .matagal.

"Tara na nga. Ganyan naman talaga ang mga lalaki. Lumuluwa ang mata pag nakakakita ng hita."

"Ay oo nga. Fortunately, hita mo yung pinapapak ng kanilang mga mata."

"Lukaret! Asan si Arviejay?"

"Andyan lang yun sa tabi tabi. Tara foodz muna tayo."

At nagpakasawa nga kami sa buffet bago magpakasawa magtampisaw sa dagat.

Mainit yung pakiramdam ko kahit malakas ang hangin ngayong gabi.

Mamamatay na nakatitig sakin.

Umikot na ko pagkatapos makakuha ng pagkain.

At nahuli ng mata ko ang mga matang balak tumunaw sakin. Its Jerome.

Umiwas ako ng tingin on my coolest way. Gusto kong ang maging dating ko sakanya ay yung tipong simpleng kakilala na lang talaga sya sakin.

I walk smoothly patungo sa mesa.

"Lhen, may boyfriend ka ngayon?" It Roel, Jerome's team mate sa basketball nung highschool.

SO PERFECT BOYFRIEND < ONE SHOT >Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon