( ROMILYN )
Busy ako sa katutunga sa laptop ko when the door opens.
"Hey." Sabi ng pumasok.
"Hey." Sagot ko na di man lang ito nililingon.
Its Khim. My bestfriend.
Labas masok na sya saming bahay. Saking kwarto.
"Anong ginagawa mo?" Tanong nya at pumuwesto sa likuran ko.
"Wala." Kimi kong sagot.
"Katamad na sa fb world nu. Uy patingin nga kung Online si Arviejay." At ayun, mukha naman nya ang nasa laptop.
Scroll.
Scroll.
Scroll.
"Hoy sino tong Jerome Alvarez?"
Scroll.
Scroll.
"Timang lang e. Ilang scroll na, bulag lang? Di online si Arviejay. Tabi dyan."
"Teka, Etong Jerome yung classmate natin nung highschool diba?"
"Yup." Tipid kong sagot.
"Ay, wait, tanungin ko kung sasama sya sa swimming natin next week."
"Wait. Wait." Mabilis pa sa alas kwatro na ni-log-out ko ang fb ko.
"Problema mo?" Nakakunot ang noo nya na hinarap nya ko.
"Wala! Ayan magpakasawa ka. Log-in mo account mo. I-chat mo lahat ng gusto mo i-chat." At dumiretso ako sa cabinet ko. Kumuha ako ng tuwalya.
Makaligo na lang.
"Ampalaya ka te?" Marahas ang naging paglingon ko kay Khim na nakataas ang kilay.
"Mahiya ka uy. Limang taon, bitter? Your face." At dumiretso na ko sa cr. Narinig ko pa syang nagsalita.
"Ansungit mo ngayon. My bisita ka ba?" Di ko nalang sya pinansin.
Pumasok ako sa shower room pagkatapos kong isabit ang tuwalya.
Sumalampak ako sa lapag.
Magkatabi ang mga tuhod ko at ipinatong ko ang mga siko ko dun. At itinakip ko ang mga kamay ko sa mga mukha ko.
Matagal ako sa ganung posisyon.
Ano nga bang nangyayari sakin??
Bigla bigla nalang nakaramdam ako ng ganto katinding emptiness.
Is it because of that damn dream??
Tumingala ako at mariing ipinikit ang mata ko.
*************
Nagkita kami ni Jerome sa mall.
Actually, kanina ko pa sya natatanaw. Di ako umiwas pero di din ako lumapit.
Nagulat pa nga ko ng lumapit sya.
Nalibang kasi ako sa arcade at nawala sa isip ko na nasa paligid lang sya.
"Lhen?" Bungad nya.
"Uy. Musta." Simple kong sagot.
Nagulat ako ng bigla nya kong niyakap. Nanlaki pa nga yung mata ko sa kabiglaan.
"God, i miss you so much! Its been five years babe. But the pain is still there. Kaw lang ang makakapag-alis nun. Please come back babe. Lets start again." Tumutulo na luha nya. At ako din na di ko na namalayan.
"Babe?" Mababakas ang pagsusumamo sa boses nya.
This time ako ang sumugod ng yakap sakanya at sa balikat nya humagulgol.
BINABASA MO ANG
SO PERFECT BOYFRIEND < ONE SHOT >
RomantizmYour ex once denies you.. Makikipagbalikan ka pa ba?????