01

222 12 1
                                    

Kim's POV

"Huy Ara, huy," pag-gising ko kay Ara habang sinusundot ang pisngi niyang medyo chubby.

Puyat na naman kasi!

"Mmm..." Ungol niya habang nakapikit pa rin ang mga mata. Jusko! Kung 'di lang talaga masama sumira ng gamit ng may gamit siguro ay matagal ko ng binasag 'yung phone niya! 'Yung talagang durog na durog. Wala ng tira. Hay! Eh pa'no ba naman kasi, wala atang araw na hindi napuyat 'tong babaeng 'to dahil sa 'di namin malamang dahilan. Ang sarap lang niyang ibuhol sa cellphone niya at ibato sila pareho sa Mars!

"Victonara, may training tayo ngayon, ano ba? Magagalit si Coach pag na-late tayo. Sige ka, ikaw ang ituturo kong nahuling gumising kaya tayo na-late para ikaw ang sumalo lahat ng sasabihing punishment ni Coach." Mahinahong kong sabi pero wa epek! Aba, "'yung tipong patatakbuhin ka niya sa buong campus ng sampung beses, pagpupush-up-in ka niya tapos titigil ka lang kapag napuno mo na ng pawis yung isang baso. 'Yung mga ganu'n lang naman, Victonara." Mahinahon kong sabi pero siya? Napa-balikwas na at mulat na mulat na ang mga matang naninigkit dahil sa puyat. "Diba gusto mo namang pumayat? Kaya sige, okay lang matulog ka pa. Mauuna na lang kami." Sabi ko at tumayo na para makababa.

"Kim, antayin niyo 'ko mabilis lang 'to. Two minutes nasa baba na ako, I promise." Sabi niya saka dumiretso sa banyo habang may hawak-hawak ng tuwalya. Bumababa na lamang akong umiiling-iling at parang baliw na natatawa. Lakas talaga ng powers ko!

"Ano? Nasa'n na?" Tanong agad ni Yeye.

"In two minutes, nandito na 'yun!" Naka-ngiti kong sabi. Nag thumbs up naman siya at ganu'n narin ang ginawa nila Carol at Cienne na katabi niya sa pang-tatluhang sofa.

"Lezzgooo!" Rinig naming sabi pababa. Wew, andito na si Ara. Sa wakas! "O? Asa'n na sila?" Tanong niya ng makitang aapat lang kami nila Carol, Mika at Cienne dito sa sala.

"'Yung iba nagsimula ng maglakad papuntang gym. Si Ate Abi umalis na rin kasi may dadaanan pa raw. At si Camille nasa kusina, naghahanda ng sandwich niya." Sagot naman ni Carol habang si Cienne ay tutok na tutok sa pinapanuod niyang 'SOFIA THE FIRST' at si Yeye naman ay eto, todo ngiti habang titig na titig sa cellphone.

"Ano? Tara na?" Sabi naman nang isang boses na nagmunula sa pinto ng kusina kaya lahat kami ay napa-baling do'n, ay hindi pala kasama si Mikang dahil todo titig parin sa cellphone. Ayyy! Juskooo! Ano ba'ng meron sa mga cellphone nila at kinababaliwan ata ng mag-bestfriend na team pakwan?

"Tara na nga!" Sigaw ni Carol kaya lahat kaming naka-upo ay napatayo ng wala sa oras. Isa-isa na naming binuhat ang gym bags namin at saka lumabas.

"Sino 'yan?" Tano'ng ko kay Mika na hindi talaga matinag sa katetext sa kung sino man. Mahulog sana sa manhole ng matauhan at maibalik sa totoong mundo!

"Wala." Sabi niya habang todo ngisi. Eh kung pektusan ko kaya siya? Wala raw!

"Wala raw, eh ba't kanina ka pa nakatitig diyan? May abs ba diyan? Ha, pagkain? Ano ba'ng meron diyan ha?" Dirediretsong tanong ni Carol. Napairap naman si Mika bago sumagot.

"Wala nga kasi." Sagot uliit niya at mahahalata mong pinipigilin niya ang mapangiti. Tsss.

"Katext kasi niyan si Kydhgfds..." Sabi ni Cienne pero hindi niya natuloy yung huli e, or should I say hindi malinaw yung huli dahil tinakpan ni Mika yung bibig niya. "Pwe! Ano ba'ng mga hinawak-hawakan mo Mika! At ang pangit ng lasa ng kamay mo? At saka hindi ka ba naghugas at amoy tuyo pa rin 'yang kamay mo?" Lukot mukhang tanong ni Cienne sa kaniya.

"Pustahan tayo, 'wala nga.' Isasagot niyan." Pangangantiyaw ni Ara sa kaniya habang naka-akbay kay Camille na naglalaro sa phone at mukhang wala ring pake sa mundo.

Game Over (UAAP-FanFiction)Where stories live. Discover now