One|Hot Guys (?)

490 18 10
                                    

HOT GUYS,Next Door! [Hot Guys Series #1]

(c) iheartRylle24

x—x—x—x—x

One x-- HOT Guys (?)

(Yenna)

“Grabe ang bigat naman ‘nang luggage na ‘to.” Pag-angal ko. Pawis na pawis na ako.Pero oonti pa lang ‘yung nadadala namin sa nilipatan ‘naming apartment! Wala ‘pang elevator, under construction daw. Duuuh, nasa fourth floor kami. Room 405

“Hoy! Yenna bilisan mo naman diyan.” Kung nagbubuhat din kaya kayo dito ano?

“Oh! Kanino ‘bang luggage ‘to? Bakit parang mga weights o barbell ang laman nito.” Inilapag ko na sa harap ‘nang pintuan ‘nang nilipatan naming apartment. Apartment na napaka-ganda, bulok naman. -___-

“Kanina ko pa hinahanap ‘yan. Nandyan ‘yung mga barbell ni Kuya!” Kaya naman pala ang bigat. “Bakit pati barbell nang Kuya mo dala-dala mo, Delanna?”

“Nagkapalit kasi kami ‘nang luggage :3” Bumukod din kasi ‘yung Kuya niya sa parents nila Delanna. Kasi daw, gusto nila – namin maging independent! Pero hindi naman namin alam na dito ang bagsak namin sa apartment na ‘to.

Look, tatlo kami. Tatlong puro babae. Tapos dito ang bagsak namin? The reason kung bakit naglilipat kami sa bwiset na apartment na ito ay dahil. Gusto namin maging – independent. Syempre joke lang ‘yun, lahat ‘nang gastos namin nakasalalay padin sa mga magulang namin. Pero ang rules, dapat matipid namin iyong allowance namin dahil every one month lang sila magdedeposit sa accounts namin. Kaya dito sa apartment na ‘to kami bumagsak.

“Oh! Nabayaran ko na ‘yung two months deposit.” Inilapag ni Julie ‘yung mga bags na dala-dala niya paakyat.

“Okay, idivide mo na lang kung magkano ang babayaran namin ni Delanna.” Hati hati kami sa renta ‘nitong apartment pati na din sa mga gastusin. Pumasok na ko sa loob ‘nang apartment.

Malaki naman siya, sobrang laki. Sakto na ‘to para saaming tatlo bute na lang at hindi pa occupied ang pinaka-malaking kwarto sa apartment na ito. Nilagay ko na ‘yung apat na luggage at ibang gamit na nadala namin sa loob at tsaka sumunod dun sa dalawa, para magbuhat ulit.

“Julie!!Delanna!” nakasalubong ko naman sila na papa-akyat habang ako ay pababa. >___<

“What?!” they asked in chorus. Mga patay malisya.

“Ang kapal niyo din ano? Bakit ‘yan lang dala dala niyo? Lahat ‘nang mabibigat ako magdadala?” Ang payat payat ko na nga eh. T___T

“Patulong ka na lang sa mga lalaki diyan. Balita namin, madaming hot gentlemen ang nagkalat sa apartment na ‘to.” Now, I know kung bakit ito ang kinuhang apartment ni Julie kesa dun sa apartment na for GIRLS only.

“Basta bumaba kayo ang dami dami pa sa baba eh.” Binelatan lang nila akong dalawa at tsaka umakyat. Wala namang magagawa ang kagandahan ko kundi ang mag-ala kargador sa sobrang bigat ‘nang mga binubuhat ko. Asan na ‘ba ‘yung mga lalaki,papatulong ako? Ay naghanap!

Ahck! Ang bigat bwiset, bakit ito kasi ang dinala ko. Obvious naman na ‘kay Julie ang mga ito. Sabi ko konti lang dalin niya damit at mga sapatos eh. Para tuloy akong gumagapang habang umaakyat ‘nang hagdan. Nasa medyo dulo pa naman ‘yung apartment namin. 405 right! Wala ‘manlang staffs na tumutulong SAKIN. Yeah, yung dalawa kasi hindi na bumaba. =____=

HOT Guys,Next Door!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon