Dear Daniel 1

31 0 0
                                    

ANG SIMULA

Dear Daniel,

Paano nga ba nagsimula ang pagkahumaling ko, nila at naming lahat sayo? Kung ako ang tatanungin, nagsimula eto yung nakita namin ang teaser ng isang teen oriented show ang "Growing Up". Yung una talaga nacucurios kame kung sino ang bagong teen ang gaganap bilang Patrick Rivero, nung nakita  kita bigla kong tinext ang kaibigan ko "OMG, anong name nya? Ang gwapo!!" And the next thing I know? Isa na akong DAKILANG FANGIRL mo.

Sabi nila noon, "Ano ba ang nagustuhan mo dyan? Ang payat payat naman." Sa tingin ko ikaw ang payat na gwapo at malakas ang dating, siguro nga dahil yun sa pagiging PADILLA mo. Pero may something sayo na nakaka-attract samin, kahit na sabihin nila mas gwapo ang iba sayo, eto lang ang sagot ko "Aanhin mo ang gwapo kung wala namang sex appeal, eh si DJ gwapo na malakas pa ang sex appreal."

Kaya hindi na ko nagtaka pa ng dumami ng dumami ang mga tagahanga mo. Ibang iba ka kasi, ikaw yung tipo ng taong daretso kung sumagot at wala nang paligoy ligoy pa. Ikaw nga NASAYO NA ANG LAHAT.

✔️ Good looks
✔️ Gentleman
✔️ Sex Appeal
✔️ Badboy looks.
✔️ Mapagmahal sa pamilya.

Good Looking guys, marami naman dyan sa tabi tabi nyan. Maraming artistang gwapo pero iba yung GWAPOng mukhang BADBOY pero MAGINOO naman. Bihira na lang ang ganun ngayon. Kahit na sa iba hindi sila nagwagwapuhan e aminado naman silang malakas ang kanyang sex appeal. Sya yung tipo ng lalaking gagawin ang lahat lahat para sa pamilya. My boss says to me what her son said about DJP "Mommy, ang bait na anak ni Daniel. Lagi nyang inuuna ang pamilya nya". Maraming hindi nakakaalam nyon lalo na ang hindi sya lubusang kilala.

In the world of showbiz, whether DJP or other artists do good or bad ay laging may masasabi pa din ang ibang tao sa kanila. Lagi nilang hinahanapan ng mali ang isang artista, kapag isang teen hearthrob or hunk laging sinasabing "BADING" naman yan eh. Who are you people to say that? Are you his friend? Close kayo teh? Di ka nga nya kilala di ba?. Marami ding mga BASHERS ang patuloy na maninira, pero ang pinakaBEST WAY of REVENGE is... PROVE them that they are wrong and wag mo silang patulan. Sila yung mga taong kulang sa papansin, hindi ata nabigay ng lubusang pansin sa bahay nila. 😖✌🏻️

Aminado akong marami akong naging crush na artista before DANIEL PADILLA. Naging idol ko si RICHARD GUTIERREZ, MARK HERRAS, RAINIER CASTILLO, and JAMES REID. But bukod tanging kay DANIEL PADILLA lamang ako nahumaling ng lubusan. Yung tipong di ka na kakain para makaipon, pupunta ng napakaaga para sa isang mallshow, bibili ng album, posters, magazine, at kung anong aanik anik na may mukha nya. Puro DJP stuffs ang laman ng bahay nyo. Ikaw din ba ganun? ☺️☺️ Taas kamay!! 🙋🏼🙋🏼

Kanya kanya man kame ng dahilan, di man kame sabay sabay ng simula ng pagsupporta sayo DJP, Pangako namin sayo na hanggang huli ay WALANG BITAWAN. 😏😏

Nagmamahal,
Your ultimate FAN. 💋










PLEASE VOTE and COMMENT.
Thank you, Fangirls!!! 🙏🏼😘

Dear DanielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon