Dear Daniel,
Malayo na talaga ang narating mo, yung dating nagdodota lang sa may mandaluyong at naglalaro sa lansangan dati ay isa nang iniidolo ng karamihan ngayon. May mga kaibigang simula noon hanggang ngayon ay nandyan pa din para sayo. Mga taong simula noon na hindi ka pa sikat at wala pa kayong kahit ano ay nandyan pa din ngayon. Nakakatuwang isipin na nandyan pa din sila ngayon mula noon at hanggang ngayon. Siguro dahil na rin yun sa pagtrato mo at ni Tita Karla sa kanila, kaya tuloy tuloy ang blessings na dumadating sayo dahil ni minsan hindi mo nakalimutan yung mga taong nandyan para sayo simula noon hanggang ngayon. Hindi mo pinagkakait ang mga blessings na natatanggap mo sa pamilya, kaibigan at sa Team DJP. Ang pagtulong mo sa mga batang kapos palad at sa pagiging humble mo sa kabila ng lahat. Ngayon nasasabi ko sa sarili kong "HINDI AKO MAGKAMALI SA DESISYON KONG PAG-IDOLO KO SAYO."
Ang hirap mo na ngang abutin Daniel, mapaMallshaw man or taping. Parang ang taas taas mo na, ang hirap hirap mo nang lapitan. Masyadong mahigpit ang mga marshalls na nagbabantay sayo, although naiintindihan naman namin na kaya sila ganun ay para lang sa kapakanan mo. Pero minsan sila ang pinakamalaking barricade saming mga fangirls. Isipin mo na hirap mo na ngang maabot, tapos may malaki pang mga barricade na nakaharang. Nakakalungkot mang isipin pero ganun nga siguro, mahirap abutin ang pangarap mo. Kailangan mo ng tsaga at dedikasyon. Kailangan naming maghintay ng mahigit na sa 6 na oras para lang makita ka. Kahit pagod sa siksikan, sa pila at puyat pero worth it naman para makita ka. Kahit na ang meet and greet ay laging nauuwi sa isang group picture lang ay masaya na kami, buti na lang nauso ang crop photos. Para paraan pa lang magkaroon ng solo picture sayo.
Sobra kameng naiinggit sa mga taong lagi mong nakakasaluha, ang make up artirts mo, driver, PA, maids sa mansyon mo, hanggang sa mga kapitbahay mo sa village nyo. Parang napakadali sa kanilang makita ka pero kame eto naghihintay ng chance na makita ka at makilala ka, kahit isang yakap at picture lang masaya na kame. Pero paano pa kaya kung makausap ka namin, parang nasa HEAVEN na kame. Saraap!
Minsan, hinihiling ko sana meron ding Ellen Degeneris ang Pilipinas para magkaroon din naman ng chance na magkaroon ng mga fans na makita ka, at hindi lang basta bastang makita kung di yung makabonding ka. Yung tipong magsusurprise ka ng mga iba't ibang fans mo. Siguro kung isa ako sa mga yun magiging masaya ako ng super. Nakakaiyak kapag nanunuod ako sa youtube na nakakahalik, yakap at nakakausap nila ang mga idols nila like JB and 1D. Nasasabi ko na lang sa isip ko "Kelan ko kaya mararanasan to sayo". Pero dahil nga isa lang ako sa milyon mong mga taga hanga, idadrawing ko na lang muna ang lahat at hanggang panaginip na lang muna lahat. Naniniwala naman akong in God's perfect time, magkakaroon din tayo ng moment.
Ngayong darating na pasko, gusto ko lang sanang magreet ka in behalf of the SOLID DJPs fan. Merry Merry Christmas!!! I love you, We love you and I still love you always. Maybe someday you'll know me, or everyone of us DJ. We've always got your back always.
.................
MERRY CHRISTMAS GUYS!!!
Lola Herminia is one lucky fangirl. I envy her. 😩😩 GodBless to each and everyone of you. 💋💋❣❣
BINABASA MO ANG
Dear Daniel
FanfictionThis is all about the FACT, REALITY, EXPERIENCES, FEELINGS, HAPPINESS, SACRIFICE and FRIENDSHIP that all started idolizing and fangirling DANIEL PADILLA. As a FANGIRL of him, I think you can relate with my own experience and knowledge about him. H...