Sewing three

1.4K 53 21
                                    

Before you read this,i just want to make some clarifications to avoid confusions,,,

This chapter is a MOVIE they watched,

But it is the true life story of Ailana.

If you will going to ask,Who is Ailana?

Well, Just read it...

The curse was on them already,,,,

Enjoy....Wait,,,,

Whose that girl behind you??

_____________________________________________________________________________________

Grabe Ang lamig sa loob ng sinehan.Nanginginig na silang tatlo kahit hindi pa nagsisimula ang movie.Paanong hindi sila lamigin,eh tie silang tatlo na naka sleeveless.Gusto kasing ipangalandakan ang mga makinis na balikat at mapuputing kilikili kaya ayan,,,Para mabawasan ang lamig nag sardinas mode silang tatlo.

Isang horror story ang pinanood nila.True story ayon sa caption sa ibaba ng tarpaulin.Be scared daw sabi pa dun,tinawanan nga lang ni Marian eh,,bruha talaga yun kahit kailan.

Tungkol ang pelikula sa isang babaeng pinagmalupitan ng tiyahin niya.Nangyari ito sa Germany noong World war I.Namatay Ang ama ng babae sa giyera na isang heneral at ang kanyang ina naman ay isang mananahi  ay namatay sa isang misteryosong sakit na sa kalaunan ay natuklasang babae na nilason pala ng sariling tiyahin ang kanyang ina kaya kinulong siya ng kanyang napakalupit na tiyahin sa basement ng kanilang mansyon.

Doon nito nakita ang lumang sewing machine na pagmamay ari ng kanyang ina.Pinag aralan niya kung paano ito gamitin at nang marunong na siya ay nagsimula siyang magtahi ng kung anu-ano,maliliit na damit para sa kaniyang manika,damit niya dahil hindi naman siya  binibilhan ng damit tyahin niya at kung anu-ano pa.Ginamit niya ang mga tirang tela na naiwan ng kanyang ina na nakatambak lang sa basement.Ganoon ang naging buhay niya sa loob ng mahabang panahon.Maswerte siya kung pakakainin siya.

Ngunit hindi pa pala  iyon ang  pinakamalala na pwedeng gawin sa kanya ng tyahin niya.dahil isang araw ay gali na galit ito  na sumugod sa basement na kinaroroonan niya,,agad siya nitong sinabunutan at pinagsasampal.

"Wala kang kwenta!anak ka ng walang kwenta! mga walang pakinabang!"gali na galit na sabi nito habang kinakalmot ang mukha niya.

"Tiya,wag po!! maawa po kayo sa akin'"pagmamakaawa ng babae habang pilit na sinasalag ang kalmot ng tyahin.

"Anong tama na?!!! kahit kailan talaga pahirap kayo sa buhay ko!!mga malas kayo!!! Alam mo ba kung anu ang ginawa ng magaling mong ama? ha?" bulayaw nito sa kanya at tsaka kinaladkad malapit sa sewing machine.

Sewing Machine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon