Figurine

707 20 0
                                    

Figurine

“Nananariwa ang kulubot na balat nito hanggang sa tuluyan itong bumata!”

INIABOT kay Gardo ng matandang babae ang kabuuang bayad nito nang maibaba na nila ng tatlong tauhan niya ang mga gamit nito sa malaking bahay na nilipatan nito. Lipat-bahay ang negosyo niya.

Hindi siya mapagpunang tao ngunit napansin niyang kakaiba ang mga gamit ng matandang babae. Halos marami pa ang malalaking figurines na bata na may pasan na banga at may hawak na matutulis na itak na dala nito kaysa sa karaniwang gamit sa bahay. Marahil ay koleksiyon nito ang mga iyon.



ilang oras pa ay nakauwi na sila. Iniinspeksiyon ng tauhan niyang si Tado ang truck na ginamit nila nang malingunan niyang may karga itong figurine na kagaya ng koleksiyon ng matandang babae. Nahinuha niyang natabunan iyon ng Iona na ginamit nila na pantaklob sa mga koleksiyon nito.

“Ano ‘yan, naiwan ba?” tanong niya.

“Oo, Bossing,” tugon nito, saka iniabot sa kanya ang may-kabigatang figurine. Patalong bumaba ito ng truck.

“Ang layo pa naman ng nilipatan n’ong matanda. Ipasok mo na lang muna iyon sa bahay. May se-service-an pa tayo bukas. Out of the way yan, ”aniya”. Nga pala, ‘pag tumawag ‘yong matandang babae, sabihin mo ibabalik natin ‘yan, maghintay lang siya.”

Pagod na pagod na siya at kailangan na rin niyang magpahinga. Mula nang mamatay ang asawa niya isang taon na ang nakararaan ay sila na lang ng anak niyang dalaga ang nakatira sa bahay. Mabuti na lang at malakas ang negosyo niya at natutustusan niya ang luho at pangangailangan ng kanyang anak.

Pagpasok niya sa bahay ay nakita niyang naka display na ang figurine sa sala. May barracks ang tatlong tauhan niya sa tabi ng bahay niya ngunit si Tado lang ang stay in sa kanya.

Natuon ang paningin niya sa figurine. Bronze ang kulay niyon. Kagaya ng iba pang figurines na koleksiyon ng matandang babae, may pasang banga iyon at may tangan ding matulis na itak.

Weird, naisaloob niya.

ISANG linggo ang lumipas. Kasabay ni Gardo na nag-aalmusal ang anak na si Charlotte nang magtanong ito.

“Papa, kailan n’yo ba isasauli ‘yong figurine sa sala?” tanong nito.

“Bakit?” aniya, saka ngumuya.

“Para kasing kakaiba ‘yon, eh. One time kasi, may kausap ako sa telepono, bigla kong naramdaman na may humawi sa buhok ko. Paglingon ko, nasa likuran ko na ‘yong figurine. Eksaktong ‘yong itak pa niya ‘yong nakatapat sa buhok ko. Eh, hindi naman gano’n ‘yong posisyon n’on bago ako gumamit ng telepono. Kinilabutan tuloy ako,” pagkukuwento nito.

Sewing Machine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon