Identity Crisis [BaRa]

57 0 0
                                    


Ramdam na ramdam ng katawan ko ang init ng panahon kahit nasa kalagitnaan na ng disyembre. Ito malamang ang epekto ng climate change, isang sirkumstanstya na nagsasanhi ng pagkalito sa isip naming mga asar sa mood swings ng panahon. As you see, parang ung jowa ko DAW lang?

Kung gaano sya kagulo? Ganito; unang beses ko syang nakita sa party na in-organized ng bbf kong si Mika. Sa pagkakaalala ko ay para yun sa advance birthday celebration ng bff nyang si Jessey, kakilala ko ring volleyball player ng UST. At dahil sa isa ako sa mga tumulong sa preparasyon, at kakilala ko naman nga rin ang magbi-birthday ay buong kakapalan na ng mukha ang ginawa kong pag-iimbita sa sarili ko. Of course, they wouldn't mind. Nah! First year ako nun kaya nag-iipon pa ako ng friends, isa pa ay bago lang ako sa kamaynilaan dahil dakilang scholar lang naman ako. Okay, going back to my JOWA. Sa pagkaka-alala ko nun ay nakita ko syang nakangiti sa akin, at dahil pinalaki akong polite and nice ng mga magulang ko-- na medyo natural naman, hahaha-- ay buong puso ko syang nginitian ng pabalik. Sa sobrang ganda yata ng ngiti ko, kaya sya naglakas loob na lumapit sa akin. Hindi ko alam kung mukhang nagsa-suffer sa constipation ang itsura ko, dahil nataranta ako ng konti ng masigurado kong lalapit nga sya sa akin. Siguro dahil nga sa baguhan lang ako sa siyudad ay nanibago rin ako sa mga akto nya ng panahon na yun, kahit alam ko namang gawain pa ng normal na tao ang ginawa nya. Kung ano yun?

Ganito; paglapit nya sa akin ay nagpakilala sya agad. "Shiela, but please call me Bang." Saad nyang may magandang ngiti sa akin sabay lahad ng kamay bilang pagpapakilala. "Victonara, Ara nalang." Sagot ko namang may alanganing ngiti saka inabot ang kamay nya. Nabigla nalang ako ng bahagya nyang hinila ang kamay ko dahilan para mapalapit pang lalo ako sa kanya, saka mabilis na dumampi sa pisngi ko ang pisngi nya. Aamba pa sana akong punasan ang pisngi kong iyon dahil nag-alala akong baka oily na pala ako dahil sa init ng panahon din noon, pero para kasing binabantayan pa nya ang bawat kilos na gagawin ko, kaya sa isip ko nalang ginawa ang paghihilamos ng mukha. Nang sinilip ko ang pisngi nyang nadapuan ng balat ko ay nakita ko namang okay pa iyon, kaya in-imagine ko nalang na malinis nga ang mukha ko. Hindi naman nya siguro gagawin iyon kung nakita nyang hindi, di ba? "Ang cute mo. Can I call you Vic instead?" Putol nya sa pag-aalala ko, at tanging pagtango nalang ang naisagot ko.

Umupo sya sa maliit na espasyo sa kanan ko kaya biglang napausog ako ng malaki sa kaliwa, dahilan para magkaroon ng espasyo sa pagitan namin. She was all smiles, at mabait naman syang kausap, pero mas madaldal nga lang sya. Parang ung friend ko lang doon sa pampanga. At mula noon, ay nagmistulang sya na ang opisyal kong kasama doon dahil hindi na kami naghiwalay pa, liban noong paalis na kami ni Mika. Na-paranoid pa nga akong baka ihatid pa nya kami sa taft, tapos ihahatid din namin sya pabalik ng espanya, tapos ihatid nya ulit kami, and so on and so forth. Pero syempre, sadyang paranoid nga lang.

Akala ko talaga noon ay sa arena na ang sunod naming pagkikita ulit dahil vollybelle din pala sya, pero nasundan pa iyon ng nasundan dahil sa tuwing nakikipagdate si Mika sa bff nya ay ako ang lagi nyang tangay-tangay, at sya naman ay bitbit lagi ni Jessey. O di ba, may mga chaperone?

Nagulat nalang ako one night na may nag-text sa akin ng 'Hi! Vic, bang 'to. Save my digits. ;)', hindi ko maalala na naibigay ko ang number ko sa kanya. Pagka-save ko ng number nya sa list ko ay nagpasya na akong matulog. Pagod na rin naman kasi ako noon sa training at dami ng paperworks. Pero wala pa yatang limang minuto akong nahihiga ay may dumating ulit na text sa phone ko. 'Hey! Still up?', kaya ni-reply-an ko na rin sya para sana sabihin na matutulog na ako dahil kailangan ko pang gumasing ng maaga kinabukasan noon. Pero hindi ko alam kung paanong napahaba ng may dalawang oras din ang palitan namin ng text messages. Basta ang alam ko lang, ang dami nyang tanong, tapos sagot lang ako ng sagot.

Ung mga nauna na paglabas-labas naming apat nila Mika ay napalitan ng dalawa nalang kami. Nagsimula iyon ng magpasama syang mamili sa MOA, at sa akin daw sya nagpasama dahil nasa taft daw sya ng mga panahon na iyon. Nahihiya daw syang makiusap kay Mika kaya ako ang naisip nyang tanungin. Sinamahan ko na sya noon tutal ay wala naman na akong klase, at bandang hapon pa ang huling training namin sa volleyball. Tutal ay sinabi nama nyang sandali lang daw iyon. Pero napatagal yata masyado ang sandali nya dahil naalala kong na-late ako ng dating sa training. Na-pagalitan tuloy ako ni Coach Ramil. Medyo okay lang dahil masaya naman ang nangyari noon. Sa arcades yata kami natagalan, at kaya okay lang ay dahil ako ang nagyaya doon. Haha, na-miss ko kasing maglaro doon, buti at mahilig din pala sya.

COMPENDIUMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon