My Prince is a Princess (On Hiatus)

549 10 2
                                    

Chapter 1 – First

              [A/N: Hi guys! Hindi ito ang unang beses ko na pagsulat ng kwento pero ito yung unang beses na sigurado akong mapapatapos ko. HAHA! Enjoy reading!]

                Hayy. Alam niyo kung gaano ka-sarap yung feeling na National entry ka sa isang competition? Ang saya! Nakakaproud din. At eto na nga. On the way na kami papuntang Tacloban City for the National Festival of Talents. Goal: To win.

                “Ate Lisa, malayo pa ba?” Tanong ko dun sa schoolmate ko.

                “Super Malapit na. Wee! Ayan na!” Pa-tili na sabi ni Ate Lisa.

                May isa pa akong goal dito sa Tacloban: maghanap ng pogi.

                “Andito na tayo!” sigaw ni Kuya Matthew, isa ko pang schoolmate. “Punta muna tayo dun sa registration area para may makuha pa tayong room. Tara na Kelsey!” pangyaya niya sa akin.

                Waa. Ang init naman! Buti may nakita akong fan malapit dun sa registration. Tambay nga muna ako dun. Pasensya lang ha, mainit lang talaga. HAHA! xD

                Sa kalagitnaan ng date namin ni Electric Fan, biglang umandar yung radar ko. Nasesense ko na may pogi around the corner, over there, near me, malapit sakin, diyan banda. ‘Yan ang superpower ng isang Kelsey Gil! Bumalik ako sa registration area sapagkat nafeel ko na andun talaga banda si Mr. Pogi. At tama nga ang hinala ko…

                3 meters away from me, (yan ang distansya na kelangan mo pag ayaw mo mahawa sa isang taong may chicken pox! TING!) ay isang lalakeng matangkad, gwapo, may highlights, at parang pinalamon ng glutathione sa sobrang puti.

                Naramdaman kong may kumalabit sa akin.

                “Oh, ate Lisa. Ano yun?”

                “Ampogi nung lalake no?” bulong ni Ate Lisa, sabay turo dun kay pogi.

                “Sus! Wag kayo!” pang-istorbo ni Kuya Matthew. “Tingnan niyo maigi. Mukhang taken na oh. Bye bye na kayo! HAHA!” Pang-asar niya.

                Tumango na lang kami ni Ate Lisa. May nilalambing kasi na girl. Ang sakit. Huhu.

                Dumiertcho na kami dun sa quarters namin, sa Room 21 dun sa San Fernando Elementary School. Nagpahinga kami sandal dahil na siguro sa sobrang pagod. Haha. Pagkatapos nun, nagbihis na kami ng uniform ng region namin for the parade.

                [A/N: Hi guys. If ever you’re from NCR or Region 12, you might have seen me na palaboy laboy sa pathways ng San Fernando Elem. Haha. Or maybe if you competed for Jingle Writing and Singing, Poster Making or Essay Writing, baka nakita niyo ako. Yung naka-ponytail nan aka-polo ng orange.]

                Paglabas ng quarters, it turns out na kapit-quartes (what?) lang pala namin si Pogi. Hay. Kelan ko kaya malalaman pangalan niya? Wait… Ka-region ko pala siya! Pareha kami ng polo na suot eh. Ang saya! Meant to beeee! <3

                Agad agad akong lumapit sa kanya…

                “He…” Ay naputol yung hello ko. Umalis siya agad eh. Di man lang ako napansin. Aray. Sakit. Ouch. Waa. :(

                Tumungo na kami sa kung saan man yun at pumila na for the Parade. Try ko kaya tumabi kay pogi.

                “Ay miss! Teka! Diba sa PopQuiz ka? Sumakay ka na dun sa float! Dun kayo assigned eh. Wag ka pumila diyan, para lang yan sa ibang events. Bilis!” Sabay tulak sa akin. Aray. Sakit naman nung tulak at ang sakit din nung feeling na hanggang tingin ka nalang kay pogi.

                Habang nagpaparade, pinapanuod ko na lang yung nag cocontemporary street dance sa likuran namin. Apat kami dito sa float pero feeling ko ako lang mag-isa. Ang tahimik nilang tatlo. *kroo kroo*

                “Psst. Sinong tinititigan mo?”  tanong nung muse ng region namin. Di ko napansin na kay Mr. Pogi / Highlights / Gluta na ako nakatitig.

                “Ah wala! Dyan oh. Dyan sa dancers ako nakatingin. Galing no!? HEHE!” Pasimple kong sagot. Sus. Kahiya. Tsk.

                “Sus, nakita ko dun ka nakatingin eh!” Sabay turo kay Mr. Highlights.

                “Deh, nasulyapan ko lang. Pangalan mo pala?” Kunwariii. Paki-divert ang storya!

                “Gwapo diba? Tin nga pala.” Tanong niya habang nagtatawa.

                “Eh. Oo.” Yun na lang nasagot ko. Natameme ako bigla.

                “Ang gwapo sobra. Haha. Pero pasensya na, gwapo rin hanap niyan.” Sabay ganito yung mukha. (^__^)

                Bigla akong nabingi at yung mundo ko parang biglang gumuho. Eh, wait. Ang OA naman nun. Dumilat lang yung maliliit kong mga mata tapos muntik na ako malaglag sa float.

                “Ba..Bakla?” Nauutal kong tanong.

                “OO! BAKLA! Hulaan mo nga event niya! Clue, mukha ko.”

                Tinitigan ko siya ng maayos. Di ko gets. “PASS!”

                “Hair and make-up teh.” At tumawa ng malakas. Kala mo hindi muse ng region eh.

                Huhu. Akla ko pa naman magiging si Prince Charming ko na siya! Yun pala… MY PRINCE IS A PRINCESS! :(

-          End of Chapter 1 - 

My Prince is a PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon