Chapter 5

62 3 1
                                    

Chapter 5 – Drama On!

[A/N: Sorry guys if it took so long. :) I hope I still have readers. I love you guys.

Paki-check na lamang ang aking soundcloud na nasa external link. Yan boses ko pag nagtutula. Joke. Pag kumakanta. HAHA!]

                …nagvibrate na nga ang cellphone ko.

                Iba na ang nafefeel ko ngayon. Hindi na yung usual na kilig, happiness o kung ano pang ka-ekekan. Yung positive moods napalitan ng kaba. Ano kaya ang laman niyong message na ‘to? Kinclick ko na ‘yung open. Pinikit ko muna yung mga mata ko, preparing for the best and for the worst.

                “Uhm. Hindi ko ‘to sinasadya Kels. Pero wala talaga akong naramdaman para sayo. Ginamit lang kita. Iba mahal ko.”  - Ito ang bumungad sakin. My senses were right, it’s something negative.

                Biglang natahimik ang world. Tumigil ang oras para sa akin. Niloko daw ako ng taong minahal ko ng sobra. May iba daw siyang mahal. Sakit. Ang sakit sakit. Ang sakit sakit sakit (repeat until fade.)

                “Kels!” Tawag sakin ni ate Lisa. “Nakita mo ba yung…” at napatigil bigla si ate Lisa. Nilapitan niya ako at agad inangat yung ulo ko. “Kels?! Anyare?! Watsap?!” Pagtataka ni ate.

                Natahimik lang ako. Hindi ko alam kung pano ko isasagot ang tanong ni Ate. Pag sinabi kong niloko ako, tatawagin niya lang akong tanga. Madadagdagan lang yung sakit. Leche.

                Napansin niya na umiilaw pa rin yung cellphone ko. Agad niya itong hinablot mula sa mga kamay kong nanghihina at tiningnan kung ano yung nasa screen.

                “Aba! Paking tape pala itong si Calvin ah! Leche to! Ba’t ka niloko? Upakan ko yan pagbalik natin sa probinsya, gusto mo? Sana matapunan siya ng asido!” Sigaw ni ate Lisa. At least di ako tinawag na tanga.

                Kinuha ko yung cellphone kay ate at dinilete lahat ng text, mga litrato, pati na rin ang number niya. Pero useless, kabisado ko naman. Hmp. Habang isa-isa kong dinidelete yung mga picture (aba siyempre para mala-teleserye with mild na pag-iyak) napaisip ako na thoughtful rin naman pala si Calvin. Pinili niyang di sabihin sakin agad para di maabala sa contest ko. Pero kahit na! Masakit! Hindi ko inexpect na ganun pala. So… Joke lang pala lahat ng mga sinabi niya?

Biglang may voice over. (Tapos biglang magiging strong yung pag-iyak with matching hagulgol)

                ‘I love you Kelsey…’

                ‘Mag-ingat ka lagi. I care for you.’

                ‘Papakasalan pa kita!’

                ‘Hindi ako maghahanap ng iba.’

                ‘Ikaw lang, sapat na!’

                ‘Forever na ‘to ha?’

                ‘I can’t live without you.’

                Ansabe ng you can’t live without me ni Calvin. :( Eh ba’t di ka pa PO namamatay koya?! *insert Pusong Bato. Original Version*

                Di na ako nagreply pa. Idadaan ko na lang to sa tulog.

-          -      -

My Prince is a PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon