Chapter 4

83 4 0
                                    

Chapter 4 – Wanted: Inspiration

                [A/N: Bibitinin ko kayo ulit guys. Haha. XD Tsaka sorry sa typographical errors, sa mga grammatical errors and sa pagka mahangin ko. HAHA! Thank you for reading at kung loyal reader man kita, I LOVE YOU. <3]

                Tugtug… Tugtug… Tugtug… Kinakabahan ako. Day of the competition na. Breathe in, breathe out. Nag-aral naman ako ah. Ba’t agnito? Tss. Keribels. Kaya mo yan Kelsey!

                “Tara na Kels, dapat maaga pa tayo dun. May orientation pa raw kasi. Magsuklay ka ng maayos ha. Dapat maganda ka at comfortable habang nagsusulat, okay?” Eto ang gusto ko kay ate Lisa. Maalaga kahit nakakairita rin minsan. Hehe.

                Paglabas ko ng quarters, akala ko makikita ko si Highlights...

                Yung “kapwa” niya lang yung nasalubong ko. Hay. Naghahanap pa naman sana ako ng inspirasyon. Tsk.

                “Good luck ha!”sabi ng mag taong nadadaanan namin dito sa San Fernando. Ang bait din ng mga tao sa World no? Haha.

                “Salamat!” nangangalay na yung panga ko :))

                “Tara, sakay na tayo fun sa ‘I Love Tacloban’ na sasakayan. Ihahatid na tayo dun ni Kuya Popoy.” Sabi nung coach namin.

                Si Kuya Popoy young driver nung sasakyan eklabu na yon. Hindi naman kalayuan yung Convention Center. Pagdating namin dun, hindi pa pala nag-uumpisa kaya naupo muna kasi sa amphitheater. At dun nakahanap kami ng new friend, si Kuya Deo.

                [A/N: Hi Kuya Deo! :) Kunwari reader ko. HAHA!]

                “Uy, mga kuya at ate, pasok na daw tayo.” Pag-inform ko sa kanila, agad naman sila sumunod sa akin.

                Habang palapit at palapit kami sa Convention Center, mas bumibilis at lumalakas yung tibok ng puso ko dahil kay Highlights. Ay, este dahil sa contest. Nako naman. Di ako na-iinspire magsulat. Naalala ko tuloy nung regional level…

                ~Flashback~

                Regional Level – dun sa school namin ginanap. Lahat ng Higher Sections pinabalik para maging audience ng competition. Oo. Higherr section si Calvin kaya bumalik siya. 2 years ahead nga pala siya sakin.

                “Kelsey, iha. Punta ka na dun sa room na iyon. Dun kayo magsusulat. Wag kang kabahan ha?” – Coach

                “Opo.” Tanging nasagot ko dahil sa sobrang kaba.

                Pumasok na ako sa room na ‘yon. Pinili ko yung nasa pinaka-huling upuan, dahil dun ako comfortable. Nattawa ako nun kasi puro kami babae tapos lahat G-Tech yung gamit. Sabay-sabay talaga namin nilabas mga G-Tech namin. Kala mo ni-rehearse eh! XD

                “Your 1 Hour starts right now…” sabi nung proctor pagkatapos niyang inannounce yung guidelines. Agad-agad akong nagsulat ng mga ideya ko para sa Essay Writing.

                Lumipas ang ilang minute, naramdaman kong may tumititig sa akin galing dun sa pinto. Dahan-dahan kong inangat yung ulo ko… At ayun… nagtagpo ang mga mata namin ni Calvin. Ningitian namin yung isa’t-isa at nagpatloy ako sa pagsusulat. Naramdaman ko biglang uminit yung mukha ko kahit na nakatapat sa akin yung electric fan. Oo na. Ako na nagbablush!

My Prince is a PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon