3rd bird

134 2 1
                                    

Pabalik na kami sa aming mga sections. Hay, ano ba naman kasi ang ginawa ko? Nakakahiya talaga iyong ginawa ko. Ano ba naman kasi yan! Nakakainis na talaga. Naiinis ako sa sarili ko. Sana hindi ako nakilala ni Azzi. Sana hindi niya nahalata ang pagmumukha ko sa standing ovation ng klase.

Ugh… sinigaw nga pala nila ang pangalan ko!

Ay susme.

Ano na? hindi naman ako sanay na Reese ang tawag sakin. Hay! Pano na? wala na akong ibang pangalang pang-alibi…

*sampal sa forehead… *mukmok sa upuan.

*riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing

okay… it’s recess…

Kasama ko sina James, at si Riz at ang kanyang barkada.

Si Riz at iyong iba lang ang nagiimikan. Ayun si James. Dala-dala padin ang kanyang baon. Ngayon naman ay pinalamnang tinapay. Hindi ko na tinanong kung ano ang palaman. Pero, sa tingin ko ay peanut butter. Hmmm… ayaw ko ng peanut butter. Wala lang. Hindi ko trip ang lasa eh. Kayo ba?

(as if malalaman ko sagot niyo nuh?)

“James. Baon? Really?” tanong nung isa naming kasama.

“Oo! Hindi naman masama diba? Atsaka nagtitipid na din ako. Masyado kasing mahal ang mga bilihin dito kaya nagbabaon na lang ako.”

Hmm… parang napapatawa pa tong mga to… hindi naman masamang magbaon ng pagkain ah! nasa tao na iyan kung gusto nilang magbaon or not! Walang basagan ng trip! Oh diba! Tagapagtanggol ng naaapi… (in my mind only)

*grumble  *grumble *roar *roar

ayan na nga ba! Gutom na ako!

Hmm… titiisin ko na lang… sayang ang pera ko eh. Masyadong mahal kasi ang mga pagkain dito eh.

“Zen? Gusto mo ba?”

inaalok ako ni Riz ng kanyang French Fries.

Mind reader kaya to?

“ah sige! Thank you!”

kumuha ako ng ilang pirasong pempai

(ayan tawag ko sa fries… “pempai”! sige! Weird na kung weird!)

iniisip ko, bigay mo na din sakin ang iced tea mo. Ibigay mo na!!!

*intay

*intay

*intay

hmm… wala… hindi to mind reader. :|

At nagsalita naman ako. Tinanong ko ang aking favorite question.

“Riz, matagal ka na ba dito? Or transferee ka din?”

“matagal na ako dito. Since grade 1 pa ata ako sa school na ito.”

“ahh. Wow! Loyalty awardee!”

napangiti naman siya at ang iba ko pang kasama.

Grabe. Ang boring kong tao. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Lagi na lang akong speechless.

“psst! Crush mo ba un?”

biglaan naman ‘tong si James…

“sino? Asan?”

pero hanap naman ako eh. *sulyap sa kanan, kaliwa, likod, una. Assuming…

“Joke lang! HAHAHAHA! Tingin ka naman eh! Hahahaha!”

pagtripan ba naman ako. Nananahimik na nga ako kasi wala akong masabi eh. Pandale pa siya ng loko.

Napahiya naman ako sa iba. Pinagtawanan na din ako.

Gaya gaya puto maya paglaki buwaya!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon