POSER

28 0 0
                                    

It all started during my junior year, january na nga actually eh so patapos na ung school year, by that time (2011) nauuso pa lang ang Facebook at biglang first timer sa pag gamit nito madalas random add, click dito, share doon.

One night, there is this girl from Baguio who caught my attention, she's cute on her DP so i viewed her profile and click add, right after she accepted my FR then there I excitedly chat her. Plain and random stuffs lang ang takbo ng conversation namin like "Hi and Hello", "Kumusta?".

From that moment, lagi na akong nag-o-Online para abangan siya, naging madalas na nga eh until we exchange our numbers. Mas dumalas ang text kesa chat. There's part of me na gusto ko na siyang tawagan para marinig lo ang boses niya. I dialled her number then sumagot siya.. I don't know why pero para siya takot, kinakabahan or ewan halata kasi sa boses niya eh and ohh by the way cute ang boses niya.


Naging madalas ang paguusap namin, dumating pa sa puntong aabotin kame ng madaling araw na naguusap kahit wala namang matinong topic, or minsan pag wala na talaga kameng magawa, nagkakantahan na lang kame, well I'm not good in singing, but she is! akala ko nacuCute-an lang ako sa speaking voice niya but when she started to sing... HOLY! ang ganda ng boses niya! Angelic voice actually. Don bumilis ang tibok ng puso ko, maybe don nagumpisa ung pag kaCrush ko sa kanya.

Tapos na ang graduation, kaya lalong tumatagal ang tawagan namin, until one day I started courting her..siguro buong summer non then sinagot niya ako pasokan na. Senior year was awesome! I have a cute girlfriend, all of my friends are my classmates too, doing well sa varsity.. ano pa ba ang hihilingin ko? Maybe pumasa sa Trigo? Hahaha

Lalo akong naiinlove sakanya, at tumitibay ang relationship namin, Hindi sa nagyayabang pero I'm doing well sa lahat ng bagay, inspired magaral, maglaro sa varsity, even sa bahay pansin din ni mama yan, kinukulit nga akong ipakilala ko ang girlfriend ko sa kanya kasi napaka good influence daw niya sakin. Nagbago ako dahil sa kanya, dati napakaBad boy ko, mayabang sa school, Yes! Aminado ako don, eh sa sikat ako eh plus gwapo pa. Hahaha naging palasimba na nga din ako eh kasi gusto niya. Basta binago niya ang lahat sa pagkatao ko.


Sabado non, my practice kame sa varsity. Around 2pm na nong natapos, pauwi na sana ako pero naisipan kong dumaan ng church. Sarado actually kasi nga sabado so pumunta ako sa likod and nakita kong bukas kaya pumasok na ako.. Nagdadasal ako non na sana graduation na para makapunta na ako ng baguio para don magaral at makasama ko na siya. Habang nagdadasal my mga kumakanta, malamang choir tapos my tawanan, basta maingay.. nagStay pa ako don dahil na rin pagod ako sa practice.. biglang nagpalit ang tutgtog sa piano, naging malumanay.. maya't maya pa, my boses na kumanta..solo niya actually. Kinilabotan ako, hindi ko alam kung bakit... Hanggang sa narealize ko boses niya un.. ng girlfriend ko. Tahimik lang ako non, nagiisip at nagtatanong sa sarili..hindi ko makita kung siya ba talaga un, pero alam ko sa sarili ko boses niya un. Asa wing part kasi ako ng church kaya di nila ako makikita, nagpasya akong tumayo at sumilip sa taas.

Mula sa kinatatayoan ko, nanigas ang buo kong katawan. Nakita ko kung kaninong boses ang naririnig ko, patuloy lang siya sa pagkanta, hindi niya ako makita dahil nakatuon ang pansin niya sa song book na hawak niya.. di ko alam kung bakit ako naluha habang pinakikinggan ko siyang kumakanta. Hanggang sa di ko namalayang my kalabog.. tunog paibaba ng hagdan. Bigla akong tumakbo palabas at agad na sumakay ng tricycle. Nakita ko siyang umiiyak habang tinitignan akong lumayo mula sa kanya.

Don natapos ang lahat. Nong nakita ko siya, dati dahil ahead siya ng isang taon sakin. Masakit ang lahat lalo nong nakita ko siya... na kapwa ko lalake.

"POSER"


PoserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon