Mabilis lumipas ang araw ngunit bale wala lang sa akin ang lahat. Dumating ang graduation na para bang isang ordinaryong araw lang. Wala akong ginawa kundi magkulong sa kwarto, magDota at dumating pa sa puntong naglalasing na lang ako kasama ang barkada.
Isang araw, biglang pumasok sa kwarto si mama at kinausap ako, alam kong kahit hindi ako magsabi, alam niya ang pighati na aking dinadala. "Ano man ang nangyari, wag mong takasan...ayosin mo." Nong una akala ko wala lang pero biglang bumalik ang diwa ko sa kasunod na sinabi ni mama.. "mahal mo pa ba?" Sa mga oras na iyon hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.. may parte sa akin na nagsasabing.. "Mahal na mahal" pero pano? Eh pareho kameng lalake.. nanatili na lamang akong tahimik sa hindi sumagot... "Alam mo anak, kung ano man yang nangyari sa inyo, ayosin mo.. gaano mo man eto pilit takasan, darating ang araw na kailangan mo etong taposin..tuldokan o ipagpatuloy. Kung ang araw at buwan nga nagtatapo tuwing eclipse kahit gaano man sila magkalayo sa isa't isa.. ganon din kayo, magtatagpo din angmga landas niyo"
Hindi ko alam pero ang daming pumasok sa isip ko.. Mahal ko siya? Oo eh.. pero pano? Hindi pwede. Ewan ko, ang gulo ng sitwasyon. Sounds gay pero umiiyak ako pag nakikita ko ang phone ko, sobrang miss ko na text niya, lalo na ung mga oras na kausap ko siya hanggang madaling araw..pati ung time na kakantahan niya ako kasi bored na siyang kausap ako, ung time na para kameng timang na magduDuet kahit na ang panget kasi delayed sa kabilang line, hay! Namimiss ko ang lahat sa kanya.Linggo non, nagpunta ako ng simbahan para magsimba, habang communion damang dama ko ung kanta..taimtim akong nagdadasal kung ano ba dapat aking gagawin? Kausapin siya at patawarin at magpakalayo? Hindi ko namalayang tumulo na ang luha ko habang pikit matang nagdadasal, di ko nga alam kung tapos na ang communion dahil tila tapos na ang pagkanta ng choir.. pero tuloy pa rin ang piano.. Alam ko sa isip ko na mahal ko siya.. kahit alam kong lalake siya. Ganon ba talaga? Pag nagmahal ka, kahit ano pa yan matatanggap mo kasi mahal mo siya?
Patuloy ko lang kinakausap ang sarili at nakaluhod pa rin.. hanggang sa muling magumpisa ang isa na namang communion song, Solo ang kanta.. napamulat ako.. hindi alam kung sign na ba to? Dahil muli, narinig ko siyang kumanta. God! Namiss kp ng sobra ang boses na yon. From that moment alam ko na ang sagot sa mga tanong ko.
Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at umakyat sa itaas kung saan naruon ang choir. Sa mga oras na yon handa na ako kung ano ang kahihinatnan ng lahat. Handa na ako sa kung ano ang mga ibabato sa akin, sa amin. Isa lang ang alam ko... MAHAL KO SIYA.