Gaile's POV
Nagising ako dahil naalimpungatan ako sa cellphone kong ring ng ring. Nakakainis. Di naman ata ako nag pa alarm bat ring ng ring to? Tss. So wala na akong nagawa kundi sinagot ko na.
"Hello? Sino to? Bat ka tumawag? Natutulog pa ko eh!" I said.
"Uy Gaile! Si Joanne to bestfriend mo. Grabe ka naman kinakalimutan mo na ba talaga ako?" Sabi ng bestfriend kong si Joanne.
Hay nako nagdadrama na naman ang bestfriend ko, tapos hug lang katapat niyan okay na hahaha ang weird diba.
"Ay sorry Jo, nagising kasi ako sa tawag mo kaya di ko na nakita kung sino tong tumawag. Btw, bat ka nga pala napatawag? May problema ba?"
"Wala naman, namiss ko lang kasi yang kagagahan mo. At tsaka first day of school na bukas! Excited ka na ba?" Sagot niya.
"Omg Jojo oo nga!!!! I'm so excited! Pero sana classmate parin tayo noh. Hay miss na din kita. Yay see you tom!!!"
"Sige see you tom bestie! I miss you mwa!"
"I miss you too! Sige jojo bye na 10 am na pala may lalakarin pa'ko. Bye jo!"
"Sige bestie ingat ka!"
Pagkatapos naming mag usap sa phone, dumiretso agad ako sa cr para maligo. May lalakarin pa nga pala ako mamayang 11 am para bumili ng mga school supplies. Si mommy kasi nasa work si daddy naman nasa farm namin nag aasikaso sa mga workers namin dun kaya walang sumama sakin.
Ay wait. Let me introduce myself first. My name is Gaile Mishelle Buenaventura. 16. August 18 birthday ko at only child lang ako. Color brown ang mata ko, matangos daw ilong ko at minana ko daw to kay mommy. Yung lips at kilay ko naman daw ay minana ko kay daddy haha. Sakto lang din naman ang buhok ko at hindi pantay. Gusto ko kasi yung style na ganun, yung bagay sa mukha ko at yung komportable ako. 5'1 height ko and weight? Wag na basta maganda ako choz. 40 timbang ko pero wag kayong maingay ah nakakahiya kasi lol. By the way, may baby brother ako kaso namatay nung nasa tiyan pa siya ni mommy kaya ayun. Si Joanne Mendez, bestfriend ko pero kung baliw ako, mas baliw siya bwahaha. Iloveu jo hahahaha. Jojo tawag ko sakanya at bestie naman tawag niya sakin ang weird talaga haha. Kapatid na nga ang turing ko sakanya. Madalas pumupunta siya dito sa bahay lalo na nung maliit pa lang kami. We're bestfriends since birth wow since birth talaga hahaha. Mag bestfriend din kasi mommy ko at mommy niya, si Tita Wyvonne. Si Tito Joseph naman na Daddy niya at ang daddy ko ay magkakaibigan nung highschool palang sila kaya pati kami ni Jojo naging mag bestfriend narin. What a small world.
Well, dun sa mga nagtatanong nga pala kung may boyfriend na ba ako, lol wala pa ho. At wala ho akong balak magkaroon. Aksaya lang yan ng panahon ko. Wala namang forever. Chos haha.
Palabas na'ko ng bahay and I locked the door sabay punta sa kotse ko. Day off din kasi ni manong kaya ako muna magdadrive tutal alam ko naman na. Nang nakarating na 'ko sa mall, Dumiretso agad ako sa National Bookstore to buy some school supplies. After ko dun, kumain agad ako kasi gutom na gutom na'ko. Marami akong nakikitang magjowa na naghoholding hands. Lol walang forever mga teh haha ang bitter ko chos. After kong kumain, naglibot muna ako sa mall. Namiss ko to. Ilang araw din kasi akong hindi nakapunta dito nang mag-isa. Minsan ang sarap sa feeling kasi parang free kang gumala mag-isa, minsan naman nakakahiya kasi baka sabihan ka nilang forever alone, mahirap na. After kong maglibot, umuwi agad ako and I prepared my stuffs for tomorrow's first day of school.
-