Chapter 2

8 0 0
                                    

Gaile's POV

First day of school na namin and yes 4th year high school na kami. Marami na namang freshmen, transferees, and new classmates. Masayang masaya kami ni Jojo kasi classmate ulit kami. Habang tumitingin ako sa listahan, may nakita akong pangalang Henry Ezekiel Vasquiño, pangalan pa lang halatang mayabang na. Tss. Whatever lakompake sakanya.

"Bestie tara na sa room! Siya na ata yung teacher natin. Tara na!"

Nang nakapasok na kami sa room, agad naming binati ang adviser namin at pinaupo naman kami.

"Mukhang masungit tong teacher natin, bestie."

"Oo nga Jojo. Shh wag kang maingay baka mapagalitan tayo."

After niyang mag introduce sa kanyang sarili, sumunod naman kami.

"Good morning everyone. My name is Gaile Mishe-"

"Hi Ma'am sorry I'm late."

Hay ano ba yan kinakabahan na nga ako may umeepal pa. Pero in fairness, tong lalaking kararating lang ay gwapo, matangkad, mukhang mabango, mayaman siguro to kaya lang parang mayabang. Wala din.

"Ohhhhh Mr. Vasquiño, you're late. Please take your sit. Sorry Ms. Buenaventura for interrupting, you can now continue." Sabi ng teacher namin.

Wait, what? Di man lang niya pinapagalitan yung mayabang na yun kasi gwapo? Hay nako mga tao ngayon. Yung ibang kaklase nga namin na-na late, pinagalitan niya. Bakit yung lalaking yun, hindi? Duh. Life is so unfair. Tss.

And wait. Bat siya umupo dun sa tabi ko? Uy wag diyan usog ka usog ka pls ayoko sayo.
After naming mag introduce, lumabas kami sa room kasi break time na namin. Nakita ko na naman yung lalaking yun. Tuwing nakikita ko siya, naiirita ako hay ewan.

"Bestie, anyare? Bat ganyan mukha mo? Kumain ka na nga lang diyan." Sabi ni Jojo habang kumakain ng spaghetti sa canteen.

"Wala Jo, nakakainis kasi. Ewan ko ba nabibwisit lang ako sa lalaking yun tuwing nakikita ko siya. Hay." Sabi ko sabay turo dun sa lalaking mayabang na ang pangalan ay Hener? Henre? Ay basta yun na yun.

"Bakit bestie, may gusto ka dun no? Yieee."

"Yuck Joanne Mendez, mandiri ka nga. Of course not."

"Hoy Gaile Mishelle Buenaventura, tandaan mo to ah 'The more you hate, the more you love.' Ayiieeee"

"More you hate more you love ka diyan pektusan kita sa lungs mo dyan eh. Che! Walang forever Joanne manahimik ka nga." sagot ko.

Nag ring na ang bell at pumasok na kami sa mga classroom namin. Nag introduce na lahat ng teachers at ganun din kami. Nabibwisit parin ako sa katabi ko. Lord bat gan'to? Ano bang kasalanan ko?

"Okay class, get 1/2 sheet of paper." Sabi ng teacher namin sa Filipino. Jusko first day palang may pa ganyan na. Wala naman akong magawa kundi kinuha ko nalang ang paper ko sa bag.

"Uhm, Glaire? Pwede pahingi? Di pa kasi ako nakabili eh." Wait mukhang may nagsasalita. Teka sino ba kausap niya?

"Uhm, Glaire?"

"Who the hell is Glaire!!!? It's GAILE. NOT GLAIRE OKAY?" Puchek si Mr. Mayabang pala tss. Napasigaw tuloy ako ng wala sa oras. Buti nalang di narinig ng teacher namin hay!!!

"EDI WOW." he said. Nakakabwisit diba!!!!! Hay ang yabang talaga!!!! Buti nalang nag bell na at oras na para umuwi.

"Okay goodbye class."

"Goodbye and Thank You Mr. Tiazon."

Kinuha ko na yung bag ko sabay irap  kay Mr. Mayabang. Nakakainis kasi. Ngiting ngiti pa yung baliw na lalaking yun.

-

"Bestie, Starbucks tayo. My treat." Sabi ni Joanne habang palabas na kami ng school.

"Tara! Libre mo eh. Hi-hindi pa ba ako?"

"Tong baklang to talaga basta libre go agad."

"Naman! Osige kotse ko nalang gamitin natin." sabi ko

"O tara na di nalang muna ako magpapasundo."

Nang nakarating na kami sa mall agad kaming dumiretso sa Starbucks at nag order. Pag kaupo namin ni Jojo, biglang may nagbigay sakin ng isang frappe at may nakasulat na. "Sorry na Miss Masungit. Smile ka na dali! Bagay sayo. :)"

Wait, sino to? Is this Henry? Well imposible naman noh. Napalingon ako sa likod wala naman siya. Baka natitrip na naman tong mga taong to. Tss.

"Bestie sino yan aber? Bat may ganyan ganyan ka? Siya ba yung lalaking nasungitan mo kanina? Ay wait bestie, yung lalaking yun, si Henry Ezekiel Vasquiño is so gwapo and so sikat sa school!!!! Bagay kayo bestie! Mayaman pa pareho kayo! Omgggg I ship you and Henry. I ship GailRy. Ehhhh"

"Joanne jusko wag ka nga nakakadiri talaga please. Ay! Nagtext na si mommy pinapauwi na ako. Tara na nga!"

"Che change topic agad. O tara na nga. Ikaw talaga." Sabi niya sabay tayo naming dalawa. Nang nahatid na namin ni manong si Jojo, umuwi agad kami. Buti nalang at umuwi na sila mommy at daddy.
-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Shooting StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon