Chapter Foour.. :))

420 6 2
                                    

Yuri's POV

Dumating na sila Mama at Papa.

"YURI!!!" tawag sakin ni Mama.

Dali-dali akong bumaba.

"Bakit po Ma?" tanong ko.

"Ok na yung invitations mo anak."

"Ahhhh.. Ganun po ba."

Biglang lumabas si Kier sa kwarto ni Kuya tapos bumaba.

"Ahm, Tito, Tita bibili lang po ako sa SM ng pagkain." paalam ni Kier.

"Ah ganun ba hijo, Yuri sumabay ka na kay Kier."

"Bakit Ma?"

"Bumili ka na rin ng kakainin mo, At ng magkalaman ka naman."

"Hala! Ayaw mo ba nun Ma, Sexy ang anak ninyo."

"Sexy ba tawag mo jan? parang hipan ka lang ng hangin eh tatangayin ka na."

"Aray ha! Oo na sasama na ako."

At umalis na kaming dalawa ni Kier.

Hindi man lang ako pinapansin.

"Maglalakad lang ba tayo?" tanong ko.

Tinignan lang ako ay, Putcha! Nakakaloko tong lalaking to aa.

"Hoy! Maglalakad lang ba tayo?"

"Kung naiinitan ka, Magtaxi ka na lang."

"Di pwede, Sabi ni Mama sumama daw ako sa'yo."

"Tssss.."

"Kier bakit ang gwapo mo?" mahinang tanong ko.

"Ha?"

"Wala. May girlfriend ka ba?"

"Ahhh.. Madami eh, Kaya wag ka ng umasa."

"Kapal ng mukha eh, Pangit mo naman!"

"Kasasabi mo lang kanina na gwapo ako."

"Narinig mo?"

"Hindi."

Tapos nauna na siyang maglakad.

"Hoy! Teka, Sandali!!"

"Kung magiingay ka lang, Magtaxi ka na lang di ko kailangan ng Katulong."

"Hoy! Hindi ako katulong--" Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko kasi tinakpan na niya yung bibig ko. At lumapit dun sa tenga ko.

Naramdaman ko ang kanyang mainit na hininga. May binulong siya.

"One more word, Hahalikan na kita."

Natahimik na lang ako.

"Yan, Good girl! Marunong ka naman palang tumahimik Kailangan pa kitang takutin."

At nakarating na kami sa Mall, Pumunta na kami dun sa SuperMarket Syempre pagkain yung bibilhin namin eh.

"Kier."

"Hmm.."

"Pwedeng sa isang cart na tayong dalawa?"

"Ayoko."

"Sige na!"

"Ayoko."

"Sige na, Hindi naman nakakamatay kung sa isang basket tayong dalwa."

"Ayoko nga eh, Bakit ba ang kulit mo."

Hanggang sa nag-aaway na kami. Napatigil nalang kami nung biglang may tumawag sa pangalan ko.

Ang Bestfriend ni Kuya! <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon