Chapter Seventeen. ♡

57 2 1
                                    

KIER's POV

Nakauwi na ako dala-dala yung mga pinabili ni Yuri.

Parang wala naman si Ram, ahh.. Oo nga pala may date sila ni Jela. Sila Tito at Tita naman bumalik na sa ibang bansa para sa Grandparents ni Yuri.

Pumunta na ako sa kwarto ni Yuri.

Kumatok ako.

Pero hindi niya binuksan.

Katok ulit.

Wala pa rin.

So binuksan ko na.

Nakatulog pala si Yuri. Tsk! Di na nakakain. Pero itatabi ko yung mga binili ko para kainin niya mamaya kung sakaling magigising siya.

Biglang may tumunog. Yung cellphone ni Yuri.

Calling UNKNOWN NUMBER.

"Hello?"

"Hello, Yuri?" Boses ng lalaki.

"Ahh.. Tulog si Yuri, Sino to?"

"Kuya Ram, ako to si Butchok."

Sino yun? Ang akala pa niya ako si Ram.

"Ohhh.. Ikaw pala yan, Butchok? Kumusta ka na?" Pagkukunwari kong ako si Ram.

"Ayos naman kuya. Si Eyang po kumusta na?"

"Maayos naman siya. Kaso tulog siya kaya ako na yung sumagot."

"Mabuti naman kung ganon kuya. Pakisabi po kay Yuri dadalawin ko siya dyan minsan."

"Makakarating."

"Kuya, pakisabi na rin kay Yuri. Miss ko na siya."

"Ok."

"Sige kuya. Babye po."

Walangya! Sino yung gagong yun.
Malaman ko lang na dinidiskartehan niya tong si Yuri, papatayin ko siya. Makalipas ang ilang segundo hawak ko parin ang cell phone ni Yuri ng biglang..

"Anong ginagawa mo dito Sebastian? Kapal ng mukha mong pumasok sa kwarto ko!"

"Ikaw na nga binilhan ng pagkain ikaw pa may ganang magalit."

"E bakit kasi kailangan mong pumasok ng kwarto ko?"

"Kinatok kita ng ilang beses. Di mo ko pinagbukasan."

"Alangan! Eh tulog nga e. Kailan pa nagbukas ng pinto ang tulog. Tss."

"May tumawag nga pala sayo kanina."

"Sinagot mo?!"

"Oo."

Pinaghahampas niya ako! "Bakit mo sinagot? Privacy ko yun. Kainis to."

"Bahala ka sa buhay mo."

"Talaga."

Papalabas na ako ng pinto.

"Teka, sino nga yung tumawag?"

Hindi lang ako sumagot at pumunta ako sa kotse ko at pinaharurot yun.

YURI's POV

Dali-dali rin naman akong sumakay sa kotse ko at sinundan siya.

At ayun, sabi na nga tama ang hinala ko e. Sa isang bar to pupunta. Tss.

Ano bang problema niya? Sino ba yung tumawag? Leche.

Mga lalaki talaga ang hirap espilengin. Pumasok siya sa bar, Naghintay ako ng ilang minuto at pagkaraan nito ay tsaka ako pumasok. Kaya ayoko sa bar e, mabaho, amoy sigarilyo, Ang daming lasing at ang daming malalanding babae. Hinahanap ko si Kier at natagpuan ko na siya. Ngunit Nagulat na lamang ako ng nakita ko si Kier na may kahalikang isang babae.

Ang Bestfriend ni Kuya! <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon