Chapter 3: Kevin Elijah Lee

27 1 0
                                    

_______________________________________________________________________

Mahimbing na mahimbing ang tulog ko nang maalimpungatan ako sa boses ni Yaya Melba na tumatawag sa akin.

"Senorita, Senorita. Gising na po" - Yaya

"Ya....." - ako

"Male-late na po kayo sa klase niyo. Mag-aalas otso na!" - Yaya

Pagkarinig ko sa sinabi ni Yaya, napabalikwas ako ng bangon. 8:00 am kasi pasok ko tuwing MWF. It's been 2 months na simula nung unang pasok ko sa university. Ang bilis nang panahon noh.

"Shoot! I'm gonna be late. Yaya, pakisabi kay Mang Pilo i-ready na yung sasakyan. I'll be down in 15 minutes." - ako

Jeez! Bakit ngayon ko pa napiling maging late sa klase. May quiz kami ngayon sa Foreign Language. GOD, patay na talaga ako nito.

Pagkatapos nang mabilis kong pagligo, uminom lang ako nang gatas at dumiretso sa garahe kung saan andun na si Mang Pilo naghihintay sa akin.

" Gora na po tayo Mang Pilo." -ako

"Ano po Senorita?" - Mang Pilo

Aii..yan tuloy sa sobrang pagmamadali ibang salita na tuloy ang nasasabi ko. Hindi na tuloy ako maintindihan ni Mang Pilo. Gay Lingo.

"Ahh..sabi ko po, tayo na ."-  ako

At yun nag-start nang mag-drive si Mang Pilo, mukhang randam din ni Mang Pilo na nagmamadali ako kaya binilisan niya ang pagda-drive sa kotse. Kaya nakarating ako sa school ng 8:00. Ok pa. Makakahabol pa ako.

I was running  so fast in the corridor when I didnt notice na may lalake palang nakatayo sa locker, kaya nabunggo ko siya . Causing all his stuffs and my hand-carried books na mahulog.

"Oh my God. Sorry. I'm really really sorry. I was in a hurry kasi eh. Sorry talaga" - natataranta kong sabi

"Sa susunod miss, tumingin ka kasi sa dinadaanan mo. Aish! Andami namang tanga dito sa school."- sabi nung lalaki

Parang nag-ring ang tenga ko nang marinig ko ang sinabi nung lalaki.

"Excuse me. Huwag ka din kasing sumusulpot nalang bigla sa daraanan ko.Look,  I know it's my fault, and I already said my sorry. Kung ayaw mong tanggapin yun, problema mo na yun." - ako

Nakakainis naman kasi tong buwisit na lalaking to eh. Pinalabas niya ang pagiging amazona ko.

Pagkatapos pulutin yung mga nahulog kong gamit. Tumakbo agad ako papuntang classroom namin.

(KEVIN's POV)

Hayyyy.. Finally, nakabalik na din ako dito sa Westridge after my 6 months of internship sa US. Sobrang nakakapagod dun. I've been working all day and night 24/7. Hindi na ako nakaka-relax. I dont even have the luxury of time for myself. Good thing, I'm back. Makaka-relax na ako dito.

The Sweetest Foolish Feeling Ever (ONGOING series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon