Another day nanaman.Excited na ako pumasok kasi makikita ko na ulit si Monique.Siguro maganda rin siyang maging kaibigan.Sana talaga maging bestfriends kami.Umaasa ako na magiging matalik kaming magkaibigan.
As usual naglalakad na ulit ako papuntang sakayan ng recto.Habang naglalakad ako nakita ko siya naglalakad din papuntang sakayan.
Tinawag ko siya.
"Monique!"
Lumingon siya at nakita ako.Lumapit ako sa kanya para sabay kami maglakad.
"Dito ka rin pala dumadaan?"
Sabi niya.
"Oo naman.Halos araw araw dito ako dumadaan."
Nginitian niya ako.Ganda ng umaga ko hahaha.Ang ganda niya lalo na kapag ngumingiti hayss.
Sabay kami sumakay ng jeep.At magkatabi kami ng upuan.
"Ate,Kuya mag girlfriend boyfriend po ba kayo?"
Tanong nung batang nasa harapan namin."Nako hindi ah!Magkaibigan lang kami!"
Deny niya dun sa sinabi nung bata.
"Sorry po ate.Akala ko kasi couple kayo eh."
After 10 minutes bumababa na kami sa may harap ng FEU.Tumawid na kami para makapasok dun sa gate.Pagpasok namin nakatingin yung mga tao sa amin na parang mag couple.
Naglalakad kami papasok ng parang wala lang.Siguro napapansin niya rin pero wala lang sa kanya.
Maaga pa nun kaya nagpaalam siyang pupunta siya sa library.Gusto ko siya samahan kaso lang kapag nakakakita ako ng maraming libro minsan nahihilo ako.Kaya hinayaan ko na lang siya.
Naglalakad na ako para pumunta sa clase ko kahit maaga pa.Alam ko wala pa dun yung prof namin.
As I was walking nakita ako nung dean namin.Alam ko na nanay ni Monique yung dean namin.
Nagkasalubong kami ng dean at bigla niya akong tinanong.
"Nililigawan mo ba yung anak ko?"
Nagulat ako sa tinanong ng dean.Parang alam niyang more than friends ang gusto ko.
"Ay hindi po!Kaibigan lang tingin ko sa kanya!"
Bigla na siyang naglakad palayo.
Nakarating na ako dun sa may class ko.Naglabas ako ng libro at nagbasa.Habang nagbabasa ako iniimagine ko kung ano itsura namin kapag naging kami.
Sweet.
Masaya.
Nagkakaintindihan.
Hayy tama na nga pag-aasume.Baka mamaya umasa lang ako na mangyayari na lahat tapos masasaktan lang ako kasi hindi tumugma sa inexpect ko yung nangyari.
After 20 minutes of reading dumating na yung prof ko at siya.Tumabi siya sa akin.
Pabulong niya akong tinawag.
"Charles!"
"Oh?"
"Nakapag review ka?"
"Oo naman."
"Yuun!Partner tayo sa group recitation ah.Alam ko "group" pero sana tayong dalawa na lang.Alam ko dalwahan lang eh."
"Sige game ako!"
Nginitian niya ako.Siguro ito yung "sign" na sinasabi nila.May unknown feeling na bumabalot sa katawan ko.Sa dami ng pwede niyang maka-group ako talaga napili niya.May isang sign na ako.Pero hindi pa rin ako nakakampante kasi nga baka mag expexct ako tapos hindi pala yun kakalabasan.
Natapos yung class namin at yung pinakamasayang groupings namin.
Sabay kaming lumabas.Magakasama na naman kaming naglakad.As usual nakatingin yung mga tao sa amin pero this time parang may proudness na sa akin.Di ko alam pero parang OA.Pero ganun talaga yung nararamdaman ko ngayon.
Inaya ko siya lumabas at kumain.
"Uy pwede ka ba?"
Tanong ko sa kanya."Saan?"
"Diyan lang sa McDo."
Matagal siyang hindi nakasagot.Parang nag-aalangan kung sasama sa akin or mag rereview siya.
Pero umaasa pa rin akong papayag siya.
"Sige ba.Kanina pa kasi ako nagrereview.Siguro pwede naman akong kumain sandali."
Nginitian ko siya.Feeling ko ang saya saya ko dahil sumama siya sa akin.Feeling ko greatest achievement ko rin to sa buong buhay ko.
Habang naglalakad kami parang gusto ko siyang akbayan na parang girlfriend ko na.Pero baka kasi maweirdohan siya sa akin.Pero sa ngayon ganito muna,may limitation dahil friends pa lang kami.
As we were walking,natalisod siya.Buti na lang nahila ko siya at nasalo siya.Pero kakaibang salo ang nagawa ko.Yung salong pang prinsesa.Di ko alam kung bakit pero ganun nga yung pose namin.
"Thank you Charles ah!"
"Wala yun hahaha."
"Buti na lang sinalo mo ko nung na fall ako.Yung fall na ano na ah.Baka kung ano iniisip mo eh hahahaha."
Ngitian niya ako.Siguro nga mahilig siya ngumiti na nakakaganda naman sa kanya.Naka braces din siya kaya lalo siya gumaganda.Hayyy.
Naglakad na kami papuntang McDo.Naglakad na kami ng magkasama na may kasamang ngiti sa mga mukha namin.