Chapter 2

2 0 0
                                    

Gumising ako ng umaga para makita siya kaso holiday pala.Sayang effort.

Parang gusto ko may pasok na lang para makita ko siya.Pero minsan kailangan ko rin naman magpahinga kaya okay na tong may holiday.

Nandito lang ako sa bahay.Walang ginagawa.Nanood ng tv,naglalaro ng computer,nakikipag-text,at iniisip siya.

Ano kaya ginagawa niya ngayon.Baka nag rereview yun para sa prelims namin.Mamaya na ako magbabasa.Masyado pa kasing maaga.

Minsan napapaisip ako kung anong mga traits ng lalaki ang gusto niya.Baka mahirap standards niya kasi nga matalino siya at masipag.Pag-aaral ang priority niya at dean naman yung nanay niya.Basta malalaman ko rin yan sa tamang panahon.

As time goes by,feeling ko siya na lang lagi nasa isip ko.Alam ko dalawang araw pa lang kaming magkaibigan pero parang na fall na ako sa kanya.Alam ko more than friends ang gusto ko kaya ako na fall,pero bukod dun baka may iba pa.Baka gusto ko siyang kasama lagi.Haysss

Maaga naman akong nagising kaya naisip ko na matulog ulit.

After 5 hours nagising ako.Mga 1 na ng hapon ng nagising ako.Nung tatayo na ako biglang tumunog yung phone ko.Nakita ko nag text yung kaibigan ko na si John.Nakasaad na gumala daw kami sa morato ngayon tutal holiday naman daw.Feeling ko nga pwede akong gumala kasi wala si mama at yung kapatid ko.Nasa mga lola't lolo ko.Pumayag na ako.Susunduin daw nila akong mamayang 5:45.Kaya ayun maghihintay nanaman ako.

So after 4 hours na nakatunganga at walang ginagawa,naka dating na yung mga kaibigan kong naka van pa.Buti na lang may sapat na pera ako para gumala at nakabihis na.So ayun tinext ko na lang si mama na aalis na ako.Pumayag naman siya.

Sumakay nako dun sa van ng mga kaibigan ko.

"Charles,kamusta?"
Tanong nila sa akin.

"Okay naman.Kayo ba ?"

"Okay naman din.Pre may tatanong kami sayo."

"Sige ano yun ?"

"Kayo na ba ni Monique?"

"Yung magandang matalino?Uy hindi magkaibigan lang kami."

"Baka more like magka-ibigan.Hahahaha"

Nakitawa na lang ako sa kanila.Nahihiya kasi ako sa kanilang sabihin na gumagawa ng ako ng hakbang para ligawan si Monique.Baka sabihin nila na iiwanan ko na sila,baka sabihin nila magbababago ako.Kaya ako nahihiyang sabihin sa kanila.

After ng 1 hour na biyahe,nakarating na kami sa morato.Mga 6:50 nung nakarating kami.Kaya ayun yung ibang gimikan dun maingay na at malalakas ang tugtugan.Pumunta na kami dun sa paborito naming puntahan.Pumarad kami sa harap nito.Feeling ko gusto ko maghanap ng iba kasi sawa na ako.Paulit-ulit na lang.Kaya ayun naglakad-lakad ako para maghanap ng iba.

After one hour ng paglalakad wala akong na gustohan na ibang gimikan.Feeling ko kahit mahanap ko yung hinahanap ko di ako masaya kasi baka hindi yun para sa akin.So ayun tumigil muna ako sa paglalakad.Nagpahinga muna ako.Pagkatapos ko magpahinga bumalik na ako kung nasaan yung mga kaibigan ko.Pumasok nako dun sa gimikan.As usual,may malakas na tugtog,may nag iinuman,mayroon ding naglalandian.

Mga tatlong oras kami tumambay dun sa gimikan na yun.Lumabas ako at naglakad ulit para maghanap ng iba.Baka kasi kanina yung iba di pa nakabukas kaya feeling ko hindi ko sila nahanap.

Mayroon na akong nakita
, pangalan nitong gimikan na ito ay valkyrie.Tumambay muna ako dun for two hours.Walang kausap,walang ka-inuman.Just me ang my soul.

Habang naka-upo ako may lumapit na babae.Umorder siya ng isang vodka at umupo sa tabi ko.

"Bakit ka nandito?"
Tanong niya sa akin.

"Wala lang.Gusto ko lang maging masaya."

"Ako kasi gusto ko na makalimot."

Nagulat ako sa sinabi niya.Akala ko kasi lahat ng pumupunta dito gusto lang maging masaya.Yun pala yung iba gusto makalimot.

Humarap siya sa akin.

"Charles?"

"Monique?"

Siguro dinala kami dito ng tadhana.Siguro may purpose kung bakit kami nagkita.

"Gumagala ka pala?
Sabi ko sa kanya.

" Oo naman.Shempre kailanga ko rin naman ng time para sa sarili ko."

"Ah.Hahahaha.Alam ba to ng nanay mo?"

"Ayaw niyang gumagala ako eh.For short di niya alam.Sabi dun ako matutulog sa dorm ko at di ako uuwi."

"Ah.Sino pala yung gusto mo kalimutan?"

"Ayoko siyang pag-usapan."

"Okay okay."

Seryoso niyang sinabi na ayaw niyang pag-usapan yung taong gusto niya kalimutan.So wala akong magagwa kung hindi damayan siya.Baka kailangan niya ng kaibigan ngayon.Kahit tinetext nako nung mga kaibigan ko di pa rin ako aalis sa tabi niya.

Ang tagal naming nag-usap at nag inuman.Feeling ko nalalasing na rin siya.Ako hindi masyado nalalasing kasi pashot-shot lang muna ginagawa ko ngayon.

11 na ng gabi.Inaya niya akong lumabas para maglakad.Kahit lasing na siya di ko sinasabi.Kung ano lang yung gusto niyang gawin,go with the flow lang ako.

Habang naglalakad kami,bigla siyang naiyak kasi naalala niya yung taong nanakit sa kanya.Habang umiiyak siya niyakap ko siya bilang comfort na rin.

Hinawakan ko yung kamay niya,at sinabi ko:

"Kapag may problema ka nandito lang ako,di kita iiwan."

Habang sinasabi ko sa kanya ang mga katagang yun,naka-ngiti ako sa kanya.Tinignan niya ako at nginitian.Niyakap niya rin ako at nagpasalamat.

Mga 1 na,gusto na niya umuwi.So pumara ako ng taxi para sakyan namin.

Habang pauwi na kami at hindi pa masyado nakakalayo nakatulog siya.Nakapatong yung ulo niya sa balikat ko.Habang ako nakatingin sa malayo iniisip na ganito pala kapag naging kami.Sobrang saya ng holiday na to.Feeling ko turingan namin ay mag boyfriend at girlfriend.

After ng 30 minutes na biyahe dahil gabi na at walang traffic nakarating na kami sa may bahay namin.Bumaba na rin siya kasi malapit lang yung bahay nila sa amin dun.

So hinatid ko siya,habang naglalakad kami hinawakan ko yung kamay niya.

Nakarating na kami sa may harap ng dorm niya.Hinalikan niya ako sa cheeks at nag thank you sa pag comfort sa kanya kanina.

So eto ako parang sasabog na sa sobrang saya.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

relationshitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon