Part 3

89 8 0
                                    

pagkapasok ko ng classroom, naramdaman kong iba ang atmosphere nito.

feeling ko, parang nasa akin lahat ang mga mata nila...

pagkaupo ko, bigla akong kinakabahan. . .

"ahhh...Ashley??"

lumapit sa akin ang isa sa mga babaeng kaklase ko...

"bakit?"

"ok ka lang ba?"

"ha? bat mo naman yan natanong?"

"ok lang ba kayo?"

"ka-kami?? sino???"

"kayong dalawa ni Rey?"

nung sinabi nya yun sa akin, mas lalo akong kinakabahan. ('~')

kagabi kasi, nagtext sya sa akin na kung pwede, makipagkita ako sa kanya, importante. pero, nagreply ako ng sorry, hindi pwede dahil gabi na at baka mapagalitan ako ng mama't papa ko. pagkatapos nun, hindi na sya nagreply sa akin. tinatawagan ko sya pero, di nya sinasagot. hindi naman sya ganun kaya naisip kong, nagtatampo sya sa akin o baka naman ay talagang nagagalit sya dahil tinanggihan ko sya :'(

"ahmmm...hindi ko alam....." :'(

pagkasabi ko nun, naging malungkot ang mukha ko...

"may problema nga kayo"

hindi na ako sumagot at medyo naiiyak na ako...

"heto. sabi nya sa ibigay ko raw ito sa iyo. sige, balik na ako sa upuan ko"

may iniabot syang sulat sa akin.

sulat galing kay Rey. . . . .

To my Besty AJ

sorry kung hindi na ako nagreply sayo kagabi. sorry kung hindi ko sinasagot ang tawag mo. pero kasi, sa totoo lang, talagang nagtatampo ako at nasaktan dahil masyadong importante talaga ang kailangan ko sayo kagabi.

P.S.

hindi na muna ako papasaok ngayon. tambay muna ako dito sa field. half-day na muna ako.

sorry.....

From your Besty RM

pagkatapos kong basahin ang sulat nya, tumakbo na agad ako papuntang field.

sobrang nagi-guilty talaga ako sa kanya sa pagtanggi ko sa kanya kagabi :'(

nag-aalala talaga ako ngayon sa kanya (T^T)

Till DEATH do us part (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon