isa lang ang kompanyang aming pinagtatrabahuan
pero iba ang departamento namin...
nasa 14th floor sya habang nasa 22nd floor naman ako ng building. . . . .
pero kahit ganun,
hinahatid-sundo pa rin nya ako sa apartment na tinutuluyan ko ngayon.
hanggang sa pagkalipas ng higit sa anim na buwan,
biglang nag-iba ang lahat.....
palagi ng nagpapaalam si Rey Mark sa akin na hindi na muna raw nya ako maihahatid.
minsan, pinapahintay ako ng matagal at malalaman ko na lang na wala na pala sya dun.
tinatanong ko sya kung bakit nagagawa na nya sa akin yun at ang sagot naman nya sa akin lagi ay napakabusy na raw nila sa kanilang department ngayon kaya lagi syang hunihingi ng tawad sa akin. ako naman, iniintindi na lang din sya at tinitiis dahil ganun ko sya kamahal at malaki ang tiwala ko sa kanya.
4 years na kami at walang dahilan para pagdudahan ko sya...
tumagal ang ganung pangyayari ng walong buwan at pagkatapos nun ay bumalik na ulit ang lahat sa normal naming kagawiang magkasintahan...
pero ang normal na iyon,
ay hindi rin pala magtatagal. . . . .
pagkatapos ng isang buwan,
bigla na lamang hindi na nagpaparamdam sa akin si Rey Mark...
hindi na ako kinukontak...
tinetext ko sya,
pero walang reply...
tinatawagan ko sya,
pero di nya sinasagot...
hanggang sa hindi na nga makuntak ito. . . . .
hindi ko na rin sya nakakasama
at hindi na nya ako hinahatid-sundo...
wala na!
wala na lahat!
WALA NA TALAGA! :'(
sobrang nag-aalala na talaga ako sa kanya...
kung ano-ano na ang pumapasok sa aking isipan :'(
hindi ko na naiintindihan...
hindi ko na talaga alam kung bakit nangyayari ngayon ito lahat! (T_T)
BINABASA MO ANG
Till DEATH do us part (Short Story)
Short StoryStory talks about a TRUE , LOYALTY and OBSESSION of LOVE.. (+____-)