following day...
Eliza's POV
hawak hawak ko yung love letter na ibibigay ko kay claude
"huy scarlet.... magtatapat na ako kay Claude ano masasabi mo?" nung sinabi ko sa kanya yun napatigil siya sa pagttxt sa kanyang boyfriend
"pfffttt ahahahahhahah wag ka ngang ganyan ikaw talaga wooh" sabi ni scarlet
"what the hell! ano bang klaseng sagot yan seryoso ako nanlalamig na nga pawis ko sa sobrang kaba ... seryoso ako" sabi ko
"laslas na friend" sabi ni scarlet na may panghihinayang sa mukha
"what!!" napasigaw tuloy ako hayy
"ano ka na lagi mo siyang pinapagalitan... ala ka pa ngang ganda points sa kanya eh alam mo friend 1% lang ang chance mo... at dapat ang lalaki ang unang lumalapit" sabi ni scarlet pero may point sya dun
pero kung hindi pa ngayon.. kailan pa?
"hayyyy LADIES FIRST... di ba!" sigaw ko kay scarlet
"luka! ano ba nagpa ambon ka pa ng laway" sabi ni scarlet
"hay yan ang problema ng kabataan ngayon... kakahintay sa lalaki... ayun naunahan na.. pwede ba suportahan mo na lang ako hmpf... eto na ang love letter wiiee gudluck sa akin" pinakita ko kay scarlet na sobrang saya ko... pero deep inisde... tangina gusto ko na umatras
"ok goodluck... andito lang ako.. kung gusto mo dun ka muna sa bahay namin.. i-comfort kita" sabi ni scarlet nagpout naman ang labi ko at lumapit sa kanya
"excuse me celebration po ang mangyayari mamaya" sabay belat
-------------------------------------
Claude's POV
ngayong araw 5 love letters ang natanggap ko
tulad nga ng sinabi ko... itsura lang ang habol nila
pero may isang babae na nagugustuhan ko...
si hana
nabully na siya dati lagi niya kinukwento ang past nya...
sa totoo lang gusto ko sya dahil lumalapit siya sa akin dahil sa problema niya at hindi dahil sa itsura ko
pero sabi ni Niel magingat daw ako sa kanya.... ewan ko ba dun
tinawag ako ni hana...
"hello po claude :) " sabi niya
"yan ka na naman wag ka na mag po" sabi ko sa kanya
"claude may nagugustuhan ka bang babae ngayon?"
natauhan ako sa sinabi niya... di kaya magcoconfess siya.. hay
"ahhmm b-bakit naman?" nauutal kong sabi
"dahil sa kabaitan mo nahulog na ang loob ko sa iyo eh gusto ko sana makipagdate sayo... kung pwede lang naman"
"ahmm gusto mo date tayo? ahmm s-s-sige ba" ala namang masama dun.. date lang naman pero first time ko pumayag makipagdate
------------------
Eliza's POV
papunta na ako sa cr para magayos ng mukha.. syempre magcoconfess kailangan angat ang beauty ko gosh nanlalamig talaga ako di ako nakatulog kagabi kakapraktis ng sasabihin ko kay claude.... ng biglang nakita ko si claude may kausap na babae
nagulat ako dahil iba ang mukha ni claude parang.... parang... arrrghhh curious ako eh kaya lumapit ako
narinig ko yung girl
"dahil sa kabaitan mo nahulog na ang loob ko sa iyo eh gusto ko sana makipagdate sayo... kung pwede lang naman" sabi nung girl
nung tiningnan ko yung girl... siya yung laging nakabuntot kay Claude hanep ah... kakasunod ko kay claude nadinig ko na kapatid lang ang turing niya kay girl... narinig ko yun habang naguusap sila ni Niel
sa isip isip ko... hayy sorry ka girl dahil hindi ka sisiputin ni Clau--- naputol ang iniisip ko ng sabihin ni Claude na
"ahmm gusto mo date tayo? ahmm s-s-sige ba"
TANGINA AWTS
nahulog na lang kaagad yung love letter... kasabay ng luha ko
![](https://img.wattpad.com/cover/5339079-288-k848953.jpg)
BINABASA MO ANG
I LOVE U, but you don't love me
RomancePinagsisisihan ko ang mapamahal sayo. BAKIT IKAW PA na may mahal ng iba.. Kay sakit mang isipin pero mahal talaga kita Hindi ko namalayang nagbubulagbulagan na Pala ako IKAW kasi ang nagustuhan ng puso Kong tanga