Kung Maibabalik Ko Lang.

3 0 0
                                    


Sabi nila ang pag-ibig daw ay bulag. Wala daw itong nakikitang edad, itsura, tangkad o kahit na bigat pa, basta't kapag ang puso na raw ang tumibok, gaya nga ng sabi ng isang kanta, ay wala ka ng magagawa kundi sundin ito. Kaya nga heto ako ngayon eh. Heto ako't basang basa sa ulan. Nakatulala sa kawalan, tila ba isang tuod na di makagalaw.


Kung tutuusin hindi naman dapat aabot sa ganito eh.

Kung naging matapang lang sana ako.

Kung sana hindi na lang ako nagpadala sa takot ko noon.

Edi sana wala akong problema ngayon.

Edi sana wala akong dapat bawiin.

Edi sana masaya ako ngayon.


Hay! Tadhana nga naman, napakamapaglaro.

Ito kasing si kupido eh. Mamamana na nga lang hindi pa pares.

Yung isa mahal ka, ikaw naman may mahal na iba at yung mahal mo, ayun kasabay mong umaasa na mahalin rin sya ng mahal niya.


Oh! Pag-ibig ikaw ay sadyang napakagulo.

Palagi na lamang mahal ko o mahal ako ang "peg" mo sa buhay ko.

Kailan kaya darating yung araw na magiging "ikaw at ako"?



_______________


"Emman! Psst! Hoy! Emman!" sigaw ng kung sino man sa may likuran ko.

"Oh! Mika, ikaw pala! Bakit? May kailangan ka ba?" nakangiti kong tanong sa kanya ng tuluyan kong makita kung sino sya.

"haha! Eto naman! So kapag pala tinatawag kita kailangan may pabor agad na hihingin? Hindi ba pwedeng na-miss lang kita at mangangamusta lang ako kaya ganoon? Anong tingin mo sa akin, si Jan Michael? Andyan lang pag may kailangan?" pabiro nyang sagot sa akin.

"a-ah! Haha! Oh! Easyhan mo lang! Magtatampo pa eh? Oh sya wala ka naman sigurong klase ngayon ano?" tanong ko pabalik sa kanya.

"ahmmm. Wala naman! Bakit? Ililibre mo ko?" panunudyo nya sa akin.

"haha! Oo na! oo na! Alam ko naming nagwawala na naman yang mga bulate mo sa tiyan! Haha! Joke lang!" mapang-asar kong balik sa kanya.

"HOOYYY! IKAW!? Pasalamat ka ililibre mo ako ngayon pero kung hindi! Nako! Miss mo lang ako eh." asar nyang sabi sa akin habang nakalabi.

"Oh wag ka ng pabebe! Tara! SHAKEYS'?" nakangiti kong tanong sa kanya.

"SHAKEY'S?" tila nagningning naman ang kanyang mga mata sukat na marinig nyang sabihin ko ang paborito nyang kainan.

"Oo! Libre ko! Tara!"

At tuluyan na nga kaming umalis noon.

MIKA! MIKA! MIKA! Miss na kita! Balik ka na please!


______________



"Psst! Panget! Yuhooo! Kutchi! Kutchi! Waki! Waki! Haha!" pang-aasar ko sa kanya habang taimtim niyang pinagninilayan ang kanyang proyekto sa ekonomiks.

"aah! Emman naman eh! Pinapunta kita rito kasi akala ko tutulungan mo ako sa project ko. Eh puro pang-aasar lng naman ginagawa mo eh. Akala ko ba tutulungan mo ko!?" bulyaw nya sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KWENTONGBarbero101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon