B.I.L.Y - 5.

148 11 0
                                    

Dedicated to tengo_tenchi ...

( wahaha ate honey , wala lang , yung long distance relationship ate   . isusulat ko talaga yun . hahaha para sa ekonomiya !!!! )

ΠΠΠΠΠΠΠΠΠΠΠΠΠΠΠΠΠΠΠΠΠΠΠΠ

7pm na . Two hours din ako nandito sa kwarto ko , ayokong lumabas feeling ko kasi ma a-out of place ako sa sarili kong pamamahay .

Hindi nga nila ako napansin nung umuwi ako , hindi rin ako tinawagan nina mama at pala , pag ganito kasing oras na hindi pa nila ako nakikita sa bahay ay tatawagan nila ako . Pero ngayon , I think nga kumakain na sila ngayon .

Natigilan ako ng marinig kong may kumakatok . Nagtataka pa ako , bakit may kumakatok eh, wala namang nakapansin sa akin na umuwi. Binuksan ko pa rin yung pinto .

Nakita ko si Nanang Nora ang yaya ko simula pa bata palang ako ,may hawak siyang tray na may mga pag kain.

"Anak , hindi ka ba nagugutom ?? Dinalhan na kita ng pag kain , hindi ka kasi bumaba "- tanong sa akin ni Nanang.

Mabuti pa si Nanang nakapansin .

"Halika Nanang pasok ka "- hindi ko sinagot ang tanong niya .

Anong sasabihin ko ?? Na ayaw kong bumaba kasi nagtatampo ako ? ayaw kong bumaba kasi na fefeel ko ma a-out of place ako ?? ayokong bumaba kasi andiyan ang bruhang iyon ??

"Bakit late ka na palang umuwi ,anak?"-

Kasi nang galing po ako sa clinic Nanang , iniuntog ako nung girlfriend ni Cyrus. kaya late na akong umuwi , tapos madadatnan ko pang andito siya ?? .

Gusto kong sabihin kay Nanang lahat lahat , kaso hindi ko ugaling mag open sa kanila . Nagawa ko lang yun kay Lia , pero hindi sa parents ko.

"May ginawa lang ako Nanang , kaya natagalan ako sa pag uwi"- pagsisinungaling ko .

"Sige anak , kumain ka na . Tapos na silang kumain buti nga at nakita ka ng isang katulong na umakyat sa dito sa itaas . Hindi ka lang man nag pakita sa kanila na naka uwi ka na "- mahabang sabi ni Nanang

Pa'no nila ako mapapansin ehh busy silang lahat . Busy sila kasi may bisita sila .

"Ahh ok lang po Nanang di pa naman ako gutom , sige kakainin ko lang 'to mamaya kasi may gagawin pa ako"- sabi ko

Pinipigilan ko lang umiyak , ayaw ko kasing makita ako ni Nanang na umiyak , nakaramdam na naman ako ng sakit ng ulo kaya napahawak ako bigla .

"Okay ka lang ba anak ?? "- nag alalang tanong ni Nanang

Pinipilit kong ngumiti sa kanya at sinabing ok lang ako pero ang totoo hindi . sumasakit na naman kasi .
Ilang minuto pa ay lumabas na si Nanang , humiga naman ako sa kama at tahimik na umiyak kahit masakit pa ang ulo ko .

Hindi man nila ako tinawagan ?? gano'n na ba sila ka saya na kalimutan na ako ? kung naka uwi na ba ako o wala pa . Iniyak ko nalang ang nararamdaman ko hanggang nakatulogan kk nlang ang pag iyak .

Kinabukasan , nagising ako sa tunog ng alarm clock , I tried open my eyes , but I cant so kinapa ko nlang yung alarm clock ko na patuloy pa rin sa pag iingay ,nung nakapa ko na hinagis ko nlang at yun ,natigil din.

Babalik na sana ako sa pag tulog ng marinig ko ang isang pamilyar na boses.

"Akala ko wala ka ng balak gumising"-

Kahit hindi ko pa kaya ang magmulat , na mulat ko bigla ang aking mga mata . ouch ang sakit , teka anong ginagawa ni Cyrus dito sa kwarto ko ??

Napabalikwas naman ako agad pero bumalik din ako sa pagkahiga nung sumakit ang ulo ko sa biglaang pagbangon.
Ouch  ang sakit pa rin hanggang ngayon .

BESTFRIEND I LOVE YOU  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon