A/n: Dedicated to @Mr_LhazhieKnight_04. Thank po sa mga comment :)
Read his book "Secret Behind Those Mysteries: Death Observer". mystery siya :D
What Happened Last Summer..
Okay.. Anyare?
Nakahiga ako ngayon, ewan ko kung saan. Yung glass na my nakadrawing na puno yung una kong nakita. Pero, wait...
Bat gumagalaw yung puno?!
Enebeyen Sam! Use your head namam. Malamang, nasa kotse ka!
Teka... Bat ako nasa kotse?!
Sinubukan kong umupo pero nakakahilo yung galaw ng sasakyan. Tska may parang karpinterong pumupukpok sa ulo ko. Feeling ko migraine to.
Bat ako nagka-migraine?!
Pilit kong inalala kung ano nagyari sakin, simula kay Boy Adik, sa suitcase ko, yung mud facial, at syempre si Boy Honest at yung UFO. Pero yung mga nagyari after nun, wala na kong matandaan.
Bat wala akong maalala?! Nagka-amnesia ba ako?!
Oh no!! Baka kinidnap ako ni Boy Honest! Sabi ko na nga ba, may pagnanasa sakin yung lalaking yun eh. Pasimple pang hindi daw ako type. Pwe!
BAT BA ANDAMI MONG TANONG SAM! Kung humanap ka na lang ng paraan para makalabas dito kaysa puro ka dakdak dyan. Panic ka ng panic.
Oo nga naman. -_-
Pero, NAKIDNAP AKO!! Natural nasa panic mode!
Tinignan ko yung loob nung kotse. Nasa tabi ko yung backpack ko, buti hindi nawala :D May ref sa tabi ko at may nakapatong na champange glass. Hindi lang pala ako nasa kotse, nasa limousine ako. Wait... parang pamilyar tong limo na 'to.
Lumapit ako dun sa window na nagseseparate sa driver at sa likod ng limo. Binuksan naman nung driver yung bintana. Humarap siya sakin at ngumiti.
o_O "Manong Andoy??? Ikaw ba yan?" shocked ako! Si Mang Andoy yung dating family driver namin pero nung medyo nagkaedad na siya, nagretire na. Mula noon, dito na sila ng pamilya nya tumira sa probinsiya. Paminsan minsan, nagda-drive parin siya para sa family namin. Utang na loob daw niya sa family ko.
So, does this mean hindi ako nakidnap ni Boy Honest?
Sayang :(
Ay este, YEHEY!!
"Oo hija, salamat sa Diyos nahanap kita." sabi ni Mang Andoy na nakangiti.
Kwinento lahat ni Mang Andoy yung nangyari sakin. Nung pumunta daw siya sa Bus Terminal para sunduin ako, hindi niya ko nahanap. Nagtanong tanong daw siya sa mga tao doon at may nakapagsabi daw na nakita akong nagsisisigaw na parang baliw na nanakaw yung suitcase ko. May nakakita din daw saki na nahulog sa kanal. Nung papunta daw siya sa prisinto para ireport yung nanakaw na suitcase ko, nakita daw niya akong buhat-buhat ng lalaki (si Boy Honest) kaya dinala ako sa clinic.
Yung UFO na nakita ko, sapatos ko pala. At hindi din daw migraine yung sa ulo ko, medyo nabagok lang daw ng konti. Mamaya mawawala din daw sabi nung nurse. 2 hours daw akong tulog kaya pinabuhat na lang daw ako dun kay Boy Adik para ilagay dito sa sasakyan.
"Mang Andoy naman! Pinareport mo din sana yung lalaki! Malay mo masamang tao yun. Kasalanan niya din kung bakit ako nabagok noh." Pano kung may balak gagawing masama yun sakin nung nakita siya ni Mang Andoy? Pero infairness hindi naman mukhang rapist. Mukha siyang mayaman.
Tumawa lang si Mang Andoy at tuloy sa pagdrive.
▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ஜ۩۞۩ஜ▬▬▬▬▬▬▬▬▬
Nandito na kami ngayon sa harap ng villa namin. Wala paring nagbago mula nung last visit ko dito. Yung pool sa harap ng villa, parang nag-aakit. Everything looks perfect. Just like a fairytale...
We used to spend our vacation dito. Ako, si mommy at daddy. Everything was perfect. Pero everything has its ending. My perfect vacation ended 4 years ago but the memories are still with me.
"SAAAAMMMM!" tumakbo si Tita Alice papunta sakin at niyakap ako. Naputikan tuloy yung damit nya, mwuahahah! "Anong nagyari sayo? Bat amoy patay na daga ka."
Naalala ko tuloy si Boy Honest.
Si Tita Allison, Alice for short, younger sister ni papa ko. She's just few years older than me kaya magkavibes kami. Ever since naggraduate siya sa college at nagstart ng kanyang business, siya na ang tumira dito sa villa ng family namin. She's like my second mother.
"Hindi mo ba alam Tita, yan ang usong pabango ngayon." tumawa naman si Tita Alice.
"So uso din ang damit na puno ng putik?" sabay tingin sa damit ko.
"Well, pinapauso ko pa lang po."
"Wait, hulaan ko. Minalas ka nanaman noh?" tumango lang ako. "Hahaha. Naku Sam, dati hindi ako naniniwala sayo pero siguro may sumpa ka nga. So layas na. Ayoko ng taong grasa dito sa mansion ko!"
Alam kong niloloko lang ako ni Tita, ganyan lang kasi relatonship namin eh. Laging asaran XD Sa kanya daw ako nagmana ng kabaliwan ko.
"Well excuse me Tita, mansion ko din to. At walang taong grasang ganito kaganda." sabay :P
Tumawa nanaman si Tita. Kanina pa to tawa ng tawa mukhang my topak na ata. "You know I'm just joking. Come on Sam, nagpa-Fiesta pa ako para sayo. ;)" beso-beso " Welcome back my niece."
▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ஜ۩۞۩ஜ▬▬▬▬▬▬▬▬▬
After kong maligo (at todo scrub para matangal ang mga putik sa mukha ko), diretso na sa kainan. At infairness, totoong nagpafiesta si Tita. Complete with lechon and everything :D Syempre dahil kanina pa ko gutom at hindi ako nakabili ng siomai dahil sa Boy Adik na yun, kumain ako ng para bang wala ng bukas. Nagpakabusog ako ng bonggang-bongga!
After nun, kwinento ko lahat ng nangyari kay tita. Well, ALMOST lahat. Hindi ko sinabi yung tungkol kay Boy Honset at na nahimatay ako. Ayoko na siyang mag-alala pa.
Speaking of Boy Honest, ewan ko lang kung imagination ko to, pero nakita ko siya kanina nung kumakain kami. Pero imposible, bat siya nandito?
Well, baka imagination ko lang nga.
Bat mo ba iniisip yung mukhang daga na yun Sam? Pagod lang yan, tulog ka na.
Okay Boss..
▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ஜ۩۞۩ஜ▬▬▬▬▬▬▬▬▬
Vote, Comment, Follow, anything! :)
Salamat po sa mga nagbasa nito. Sana isupport nyo tong story ko.
Di ko na proofread 'tong chapter na to. Please point out yung mga mali. Salamat :D
Photo sa right ---> The Villa
---Jasmine <3
♕♔ ҡεεƿ Ƈaℓɱ aɳɖ Read ♔♕
ℱℴℓℓℴω @RaspberryChronicles