Chapter 1 - Missing Suitcase

395 16 7
                                    

A/N: Dedicated to Ms. @irah_angelike my kind ate sa wattpad. Salamat sa support ate ko. :)

Read her stories, My Bitchy Twin Sister & Her Angelic Face. Ganda, promise. ;)

Ready, set, go!

I'm Samantha Louise Garcia and this is

What Happened Last Summer..

7:47 a.m. Nandito ako ngayon, nakaupo sa bench, nawawala yung isang sapatos, puno ng putik ang mukha, gasgas ang tuhod at nanakawan ng suitcase. Wanna know why? Rewind natin mga nangyari...

Summer vacation na sa school namin, and as usual, I hate it. Yhup you read that right, I hate summer. Ako lang ata ang student na ayaw mag-vacation, weird na kung weird. I have some kind of curse sa mga ganitong panahon. Ewan ko ba, may nabwisit ata akong mangkukulang at isinumpa na hindi na ako makakpag-enjoy sa summer vacations na yan. Wag nyo nang itanong kung bakit, mahabang istorya at baka masmahaba pa sa story na to. :D

This year, plano ko sanang magmukmok sa bahay para maiwasan yang letseng kamalasan na yan. Pero syempe may sumpa nga ako di ba, kaya yun, wasak ang plano ko. At kung mamalasin nga naman, pinipilit ako ni Daddy na sa hacienda mag-vacation, at kahit anong pilit at pagmamakaawa ang gawin ko, he won't budge.

So no choice na. 4 hours after I left my apartment, nandito na ko sa Bus Terminal ng Milagros. Si Tita Alice, caretaker ng hacienda and sister ni Daddy ang magbabatay sa akin ngayon. Si Tita ang COOOOOLEST Tita in the whole world!  Why? You'll find out later. ;-)

So eto na, baba na ng bus...

Halimuyak ng mga bulaklak, pagaspas ng mga dahon...

Seriously, yan ang unang pumasok sa isip ko. Pagbaba na pagbaba ko sa bus, sumalubong sakin ung malakas na hangin.

Hmm fresh and cool. XD

Ganda kaya ng hangin dito, anlakas maka feeling artista sa shampoo commercial. You know, yung parang Kim Chui sa Rejoice an Agelica Panaganiban sa Pantene. Yung may pa bounce-bounce lang yung hair at kung saan-saan lumilipad. Ganun! 

Haaaay, nakakamiss din to. Matagal na din kasi akong hindi nakakapunta dito. Maraming magagandang memorise ang pamilya namin dito.

Memories na gusto ko nang makalimutan...

"Hi miss, anong oras na?" sabi nung lalaking naka all black, with kindat pa ha. Sumipol siya ng malakas. "Sexy mo naman."

Ay! Pesteng kabayo. Kala mo naman gwapo.

"Oras na para bumili ka ng relo."

Pero syempre dahil mabait ako, kumuha ako ng bente sa bulsa ko at binigay sa kanya.

"Eto bente bili ka ng kausap mo, bili ka na rin ng relo mo." sabay kindat sa kanya.

Kala mo ikaw lang marunong? ;)

"Sungit mo naman miss, para magtatanong lang ng oras eh." sabay sindi ng sigarilyo.

Naku, balak pa atang magsunog ng baga sa harap ko.

Oh, gulat kayo noh? Sunigt ko di ba? haha! Ganyan talaga. Eh mukhang manyak na adik tong tao na to eh. Tsaka nakakainis lang, nag-eemote ako kanina tapos inistorbo nya? Tsk! Ka-bad trip.

"7:50 na po. Okay na?" naiirita kong sabi "Kapag balak mo magsunog ng baga please lang wag mo ako isama."

"Sige ba miss beautiful.Una na ko." kindat sabay alis.

What Happened Last SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon