CHAPTER TWO

5 1 0
                                    

I had a beautiful dream last night. Gising na yung diwa ko but then inaantok pa ako and it felt so heavy. May mainit na hiningang dumadapo sa batok ko that sent sweet shivers. A hand was on my breast! Muntik na akong mapasigaw but I remember everything right before I put myself in shame. Oh My... what's next after this? I asked myself as I turn around to see the face of a man hugging me... France. Sana mapatawad mo pa ako after this, I said silently then let out a sigh. I looked at him memorizing every detail of his face. His face is like a hero in the romance novels. He had the dominant chin with the famous cleft, the thick eyebrows, an aristocratic nose and those sensual lips that complete the look. Others may disagree with me because it was cliché or whatsoever...but if you happened to find that one guy who will your turn world upside down, everyone will pale in comparison and that's the case for me.

In a brief moment, nagflash back lahat ng mga nangyari sa isip ko when I met him during my high school days and that was almost 6 years ago. Imbes kasi mainis ako nung araw na yun naging memorable dahil sa kanya. I never imagine that it will change my whole life that night.

Gabi noon ng promenade namin at nasa junior year kami. Nakapag – ayos na ako,yung pinakasimple lang sa lahat. Pagdaing namin ni Alice marami ng mga tao. Nagkumpol – kumpol kaming magkakaklase sa isang side. Hindi naman ako masyadong nakikihalubilo. Picture lang ako ng picture gamit yung digital camera ni Alice habang busy siya kakamodel dun sa harapan kasama nung mga bakla naming kaibigan. Tawa nga lang ako ng tawa eh.

"Ano bang ginagawa ng mga baklang yan? Nagpapansin lang sila sa mga lalaki samantalang lalaki din sila!" wika ng isang lalaki.

"Kapag lower section ganyan kababaw. Hindi mo na dapat sila binibigyang pansin. Ang mga babae puro lang boobs wala namang brain at walang ginawa kundi ihain ang katawan nila sa mga lalaki," anang ng isang baritonong tinig.

Nagpanting ang tainga ko sa narinig. Ang grupo kasi nila Alice ang sinasabi ng lalaki. Tumayo ako at hinarap sila. "Excuse me lang ho, malinaw kong narinig ang sinabi nyo at para sa kaalaman ninyo hindi ho sila galing ng lower section. Third year ho kami at section Rizal kung alam nyo ho sa numeral ranking ang equivalent nun." Mukha namang natakot ko yung isa pero hindi ang lalaking may hawak ng magazine na bahay ang cover photo.

"Alam ko --- " ani ng lalaking may baritonong tinig.

"At kahit ho lower section pa kami, hindi sana ganyan ang pananalita nyo. Hindi naman sila masamang tao at higit sa lahat kasiyahan ang okasyong ito kaya may karapatan silang magwala kung gusto nila," putol ko sa sasabihin pa niya. Nanggigigil ako sa taong 'to kung makapagsalita akala mo naman tama lahat ng ginagawa. Hindi na nagsalita pa yung isang kasama niya. Siya lang yung tumingin sakin ng diretso sa mata.

"Ipagpalagay na natin, Miss na mali nga kami ng mga sinabi pero tingnan mo nga sila kung umaakto ba silang nasa Rizal? Kayo ang sumunod na batch namin at mamaya lamang ay gagawin na ang ceremony, hindi ba at nakakahiyang ganyan "kayo" kumilos?"

Napipi lang ako sa sinabi niya pero bago pa ako mkahirit uli ng sasabihin ay tinawag na siya. Ang antipatikong yun! May araw din siya sakin!

"France tara na! Pinatatawag na daw ang mga seniors," sabi ng kasama niya. Tiningnan niya muna ako bago siya umalis at nakaplaster ang ngiting demonyo sa mukha niya. My goodness! Buti na lang walang masyadong nakarinig ng argumento namin dahil halos lahat nasa gitna ng dance floor. Naiwan ako dung nakatayo.i made a mental note na alamin kung sino ang mayabang na iyon.

From that day onwards, inalam ko lahat ng tungkol sa kanya. Much to my dismay, may ipagmamayabang nga talaga siya. Medyo nalula din ako sa achievements niya, upcoming valedictorian siya ng section Diamond that year at president ng supreme student government o SSG. Wala kasi akong pakialam sa paligid ko kaya hindi ko siya kilala. Yung mga classmates ko lang kasi kilala ko maliban kay Alice na nasa section Bonifacio. May mga iilang events din siyang sinalihan na hindi ko naman din binigyang pansin. Sa ilang araw kong pagkalap ng impormasyon, hindi ko siya nakitang ngumiti kahit minsan. Masyado kasing seryoso yung mukha niya at siya lagi yung naguutos, yung tipong napapagalaw niya yung isang tao dahil may tiwala sila sa kanya.

DREAM CATCHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon