Love & Crime 1

27 4 0
                                    

LAC 1:


 *bogsh*"mom! dad!" agad kong sigaw dahil kung anu-ano na ang naririnig kong kalabaog. 

Ang dilim, ang ingay ng mga kalabog at mga putok ng baril ang mismong umalingawngaw sa loob ng bahay. Nakakatakot! 

Mas lalo akong kinabahan at napapitlag dahil nakarinig ako ng kalabog sa pintuan ng pinagtataguan kong cabinet na sa tingin ko ay nahanap na ng mga mama'. 

Dito ako nagtago dahil dito ako pinatago ng mama at dada ko.Kinabahan ako lalo nang marinig ko ang sumunod na kalabog kasabay non ay ang mga busina ng police sa labas at ambulansya.Sa kaba na nadarama ko naramdaman ko nalang na sumakit yung ulo ko kasabay ang pagkahilo. 

"Ano ba! Gumising ka na! AIKA!" sigaw ng kalog kong kaibigan dahilan para mahulog ako sa hinihigaan ko. Kaibigan ko ba talaga to?! Ang brutal talaga ng babaeng to! Grabeh! 

"Ano ba! Ito na oh! Gising na gising na! Aish!" naiinis kong sambit habang kinakamot ang ulo ko. 

What the heck! Masakit kaya yun. 

"Alam ko! Kaya nga nagsasalita ka diba?" nakataas kilay nyang tugon. Ang taray talaga ng babaeng to! Tsk! 

"Aish! Oo na ehto na nga, tatayo na!" sambit ko at tumayo. 

"Tandaan mo, may pupuntahan tayong racket ngayon. Sabi ni boss may pai-imbistigahan sya." sabi nya na ikinalingon ko at nakita ko syang kumindat. 

"Baliw!" sigaw ko sabay takbo at bumaba na para maligo. 

You only have 20 minutes para maghanda! Iiwan kita pag lumampas ka sa oras na yun." sigaw nya pabalik. Baliw na talaga sya. 20 minutes?Mapagkakasya mo yan Aika. Go lang ng Go!!

Habang naliligo ako, magpapakilala muna ako.Ako si Aika Arias Leondale, 20 years old. Graduate bilang detective pero nasa polisya muna ako nagta-trabaho. Akala nyo naman madaling maging detective. Aba! Kagagraduate ko lang kaya wag kayo.

Yung kasama ko kanina ang pinsan kong baliw slash kaibigan at brutal na nagsisilbing magulang. 21 years old, mas matanda sakin at isang police, graduate ng Criminology. 

Kaming dalawa lang ang nasa bahay, binilhan kami ng dad nya which is my tito na second dad ko. Sya narin yung kumupkop sakin. Kaibigan sya ng dada ko noon, na ngayon ay wala na. Bussiness man naman si tito at may pagka seryoso pero minsan makulit din. 

"Ano na Ms. Leondale! Di ka ba lalabas dyan sa lungga mo?!!" sigaw ng magaling kong pinsan. Tss. 

"Malapit na po!" sigaw ko naman ulit pabalik. 

*kring!kring!*Agad kong narinig ang cellphone ko na nag ring pagkalabas na pagkalabas ko ng CR.Kinuha ko ito mula sa mesa ng salas namin tsaka tiningnan ang screen para alamin kung sino ang caller. 

"Hello Mr. Yamazaki?" tanong ko mula sa kabilang linya. 

"Pumunta agad kayo ni Ali sa departamento natin, may idi-discuss akong bagong balita sa inyo. Papaimbistigahan ko to sa inyo. You two were my best kids kaya good luck!" sabi ni Mr. Yamazaki mula rin sa kabilang linya. 

Napatango naman ako sabay "hm." means naiintindihan ko. Hayy. Ang busy talaga ng buhay oh. Bagong kaso na naman.

Sya si Mr. Charles Yamazaki, the head of our department and he also has a high position in our station, magaling at matalinong police, pinagkakatiwalaan at hindi palasalita. Minsan lang naman. 

"Oh, anong sabi ni boss? Nakakatampo, ikaw yungvtinawagan nya." sabi nya sabay pout dahilan para guluhin ko ang buhok nya. Oo na, pinsan ko na ang cute. 

"About lang dun sa bagong kaso. So.. Magbibihis na ako para makapunta na tayong station." sabi ko at kinindatan sya na irap ang nakuha kong tugon. 

"Go na!" sabi nya na para bang pinapaalis nya akong parang isang aso at may pa-"shoo! shoo!" pa syang nalalaman. Hayy. 

"Oo na po." sabi ko at tsaka tumakbo pataas ng hagdan.Agad kaming nakarating sa station gamit ang tig-iisa naming motor bike. 

Nang makababa na kamim, may nakasalubong kaming ka member namin sa station na bumati pero ngiti lang ang sinukli namin.

 At nang makapasok na kami ng tuluyan, mas marami na ang bumati this time. Yup, tama ang hinala nyo, maraming nakakakilala samin dito. Sikat eh, maganda pa. Joke. ^_^v hehe. 

"good morning Ali, good morning Aiks!" bati ng isang lalaking nag ngangalang Raidon Craine, one of the most trusted police man in the station, kaedad ni Ali. At Crush ni Ali na mutual namang nararamdaman ni Don. Gwapo naman sya, may maipagmamalaki. 

"Good morning Don!" bati ko pablik. "Sorry sa pinsan ko ah. Mukhang di yan nakainom ng gamot kaninang umaga kaya di nag--" di ko natuloy ang sasabihin ko ng sikuhin ako ng kaibigan kong baliw. Napa-"aray!" namn ako. 

"Good morning din sayo Don!" nakangiting bati ni Ali kay Don at nag cling sa braso nito. 

Ewan ko ba sa mga yan. Ang sabi nila di sila pero parang sila. MU lang DAW sila.Nagulat naman ako nang iwan nila akong dalawa. Ano ba ako dito? Hangin?Psh! Sanay na ako sa ganyan. 

"Good morning Baby Aiks!" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si Yoriko lang pala.Yoriko Takahashi, baguhan din sa trabaho, actually sabay kaming nag graduate kaso Criminology ang kinuha nya. Childhood friend ko sya at kilala sya bilang The Greatest Manliligaw KO! Na sinabayan ng pag sikat ng code name na GD which means 'Great Duo' na ipinangalan ni Mr. Yamazaki samin ni Ali. Partner in crime kasi kaming dalawa. Haha. Kakatawa diba? 

Masaya naman mag trabaho dito lalo na't mababait ang mga tao dito. May pagka eng-eng, pero may mga inggetera't inggetero parin. 

"Good morning din sayo Yori." bati ko tsaka nya ako inakbayan.Magiting ko yang manliligaw since the day na nag-confess sya saki one year ago. Mabait at maalaga. Hehe. Diko pa nga lang sinasagot, crush ko lang naman sya. At di pa ako handa. 

"So, kumusta naman?" pangungumusta nya sakin. 

"Ayos lang. Ikaw?" tanong ko pabalik habang nagsisimula na kaming maglakad. 

"Good morning lovers!" bati ng isang empleyado na nginitian lang namin ni Yori. 

Sanay na kasi kami tsaka alam naman naming alam nila na hindi talaga kami. Tinagurian lang kaming Lovers dito kasi ang sweet naming tingnan. Isa rin sa Lovers dito sa station sila Ali at Don. Ang cute nga nila pag sila ying magkasama eh. 

"Ayos lang naman ako. May bagong kaso na naman noh? Ang hirap ng buhay." komento nya at ginulo ang bubok ko. 

"ano ba!" sabi ko at inayos ang buhok ko. Ayoko namang magmukhang stress na akala mo galing lamay. Alam mo yun, palagi yata kaming naka-black, upper and lower pati narin minsanan naka black leather jacket pa. Malamig kasi dito pag gabi. At naaabutan kami ng gabi. 

"Aba! Mas maayos nga ngayon kesa nong intern pa lang tayo. Sanay tayo sa sitwasyon di yung para tayong tanga." sabi ko at tinaasan sya ng kilay.Nag-sgrug lang sya ng balikat nya tsaka ako tinanong.. "kumain ka na?" 

"oh! Shoot! I forgot! Mamaya nalang siguro baka kasi hinihintay na ako ng boss namin." sabi ko sabay salute sa kanya. Oo na ako na yung boyish. 

"Yan ka na naman sa sakit mong di kumakain ng breakfast! Kaya ka pumapayat eh!"sabi nya at iniharap ako sa kanya. Nakahawak ang mga kamay nya sa dalawa kong balikat at tinitigan ako intently. "Sa susunod na di ka ulit kumain. Ipapatanggal na talaga kita sa station." sabi nya. 

"Pinapabayaan mo na ang sarili mo!" sabi nya at niyakap ako sabay bulong ng- "ingat!" tsaka nya hinalikan ang noo ko.Bipolar talaga tong lalaking toh eh!


A/N: Silent readers sana mag comment naman kayo kung gusto nyo ba yung story at kung ano yung mga suggestions nyo. pati na rin opinions, i badly want to hear it. :-)

LOVE & CRIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon