Chapert ONE: head start

40 1 0
                                    

"Ako si Jane Magdrigal, laking probinsya. Mahina ang loob pero palaban. Laging bitbit ang pangarap na balang araw yayaman ako, para sa pamilya ko."

Ambisyosa kung baga kaya seryoso sa buhay. Marunong naman magsaya, pa minsan minsan. Kaya lang laging hindi natutuloy ang pangarap, dahil sa LOVE LIFE. Madali siyang madiskarel kung pag-ibig lang pag-uusapan. Ang malaking pinagtataka ng barkada sa kanya eh madali namang makapagpalit ng boyfriend. Umiikot lang ata mundo niya sa relasyon. Yung tipong kating dapat laging may boyfriend.

Maganda, matalino, at talented..kaya face of the school. Kaya naman ng matapos niya ang kurso niya. Hindi siya nahirapang humanap ng trabaho. Pero gayun pa man walang nagbago sa isang makulit at bibang JANE.

Pero bago niya nakamit ang saya ng buhay tagumpay, pinahirapan muna siya ng tadhana. Umibig siya, pag-ibig na para sa kanya walang katulad.

"Alam mo Jane, pagod na ako sa mga rason mo. Pagod na ako sa mga kasinungalingan mo!" Galit na wari ni Greg, ang dalawang taong karelasyon ni Jane.

Galit din namang sinagot ni Jane ang nobyo "Bakit Greg Ambrosyo Hernandez III? ano na naman ang issue sa pagiging late ng limang minuto! Ano namang kasinugalingan bang nasabi ko sayo? Sige nga pag-usapan nga natin ng malinawan yang makitid mong utak!."

Araw-araw naging natural na sa kanilang dalawa ang magbangayan. Away bati na ang naging ehersisyo nila. Pero ni minsan hindi naman nauwi sa hiwalayan ang awayan o suntukan. Siguro masyado nilang mahal ang isa't-isa.

Pero kahit gaano pa ka wagas ay napapagod din ang puso, di ba? Minsan kailanan muna nitong magpahinga para makapagmahal uli ito ng buo.

"Sorry na Hon, patawarin mo na ako. May tinapos lang kasi ako sa opisina kaya matagal akong nakababa. Sana kasi pumanik kana."

Pero kahit tunay na pagmamahalan pa ang meron kayo kung sadyang may isang mahinang kayang isuko ang pag-ibig. Mawawalan ng katuturan ang tagal ng panahong pinagsamahan, mawawalan ng bisa ang tiwalang nasagad ng galit.

"Maghiwalay na tayo Jane. Dalawang taon ko ng pinagsisihan ang maniwala sa mga lame excuses mo! Pagod na akong intindihin na mas prioridad mong trabaho mo. Alam ko namang may nararamdaman kana djan sa kasama mong I.T kaya gustong gusto mong nakaluwa yang hinaharap mo habang sayang saya kayong mag over-time!!" pasigaw na sabi ng nobyo.

Ganon ba talaga ang magmahal? Sa totoo lang mas nakakasait pa ang salitang galing sa taong mahal mo kaysa sa sapak at pasang makukuha kung makikipagsuntukan ka sa tambay sa kanto. Ilang beses ba dapat masaktan ang pusong nagmamahal para mapatunayan na tunay ang intensyon nito? Mga tanong na alam naman natin ang sagot ngunit ni minsan di natin mawari kung bakit nangyayari sa'tin iyon. Kung bakit kailang paulit-ulit masaktan, nakasubscribe ata sa UNLIhurt4EVER.

"Go! ako pa talaga ang tinatakot mo? ikaw na inaasahan kung magtitiwala at maniniwala sa akin, sayo pa talaga nanggaling Greg! Bakit gano ba ka babaw ang tingin mo sakin. Na para sabihin mong kung sino sino nalang pinapatulan ko? Tandaan mong FIRST USER KA!! GAGO!" sabay talikod at alis sa galit din kausap.

Walang patumpik-tumpik si Greg at umalis ding hindi binati ang nobya. Kung tutuusin, hindi naman naiiba ang kuwento nila sa mga kabataan ngayon. Naging trend na ang "PMS", o yung pre-marital sex na naging sukatan na rin ng tunay na relasyon. Grade 3 nalang ata ang virgin sa henerasyon ngayon ehh'.

NGAYONG PAREHO NA SILANG MALAYA. NGAYONG MAY BAGONG SIMULA.

Kakayin kaya ang lungkot at pangungulila?

At kahit na NOT BRAND NEW mong nakilala hindi basta basta mo nalang babastusin ang kaparehas. Nan dun parin dapat ang respeto at paggalang sayang, sayang ang taong pinagsamahan dahil walang tiwalang na ipon sa lahat ng pagsubok na pinagdaanan.

THE DIARIES: OPEN REBUKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon