Nang marating ni Jane ang bahay, pagod at gutom mula sa trabaho't dagdag pa ang magulong isipan sa naging bangayan nila ng nobyo. Naiyak nalamang siyang sinasalaala bang mga pagkakataong naging masaya ang kanilang pagsasama.
Biglang pumasok ang ang kaibigan sa kwarto niya't sabay sabing "OH! anong bago?, wag mo nang sabihin friend. Magkakaayos din kayo ng HONEYBEBE moh". patawang sabi ni Andrea.
Simula pa pagkabata'y magkasama na sila lage. Sabay at parehong paaralan ang napili nila hangga't sa nagsitapos sila ng kolehiyo. Gaya ni Jane, apat na taon sa kursong Business Administation ang natapos ni Andrea. Kahit na sa tagal ng pagsasama nilang magkaibigan, ni minsan hindi naging kontrabida sa buhay pag-ibig ni Jane ito. Lage itong naka alalay, datapwat nakikitang nasasaktan ang kaibigan ni minsan hindi ito nagpayo na layuan si Greg.
"AY! Sus bastos naman talaga yang boyfriend mong yan. Ang tagal na naming sinasabi sa iyong layuan mo na yan, hiwalayan mo! Sa ganda at dami ng oppurtunidad sayo nagstick ka sa gong-gong nayan. Mag-isip isip ka, utak ang gamitin mo”. Wika ni Py.
Si Py ang kaibigang binabae ni Jane. Naging matalik silang magkaibigan dahil sa dance club nung nasa kolehiyo palang. Dagdag pa dito ang gabi- gabing insayo at sleep over nila. Malaki rin ang naitulong nito sa self-presentation ni Jane, tunay ngang maganda ngunit mas naging ka ayaya pa itong tingnan nung inayusan siya ng kaibigan.
“Ngayon pa ba kami magkakaganito? Sa dami ng sinakripisyo ko para sa kanya! Siya pa ang may lakas ng loob na kumalas.”
“Alam mo Jane, di naman na susukat sa dami ng pinagsamahan o sa kung gaano katagal naging kayo. Kahit Maglalaro kapa ng badminton singles, kelangan mo parin ng katapat. At sa tingin ko tama si Py pagkakataon mo na ngayon. Sarili at pamilya mo muna isipin mo. Pahinga na muna si heart.”
..SINGLE
ADD AS A FRIEND
LIKE
COMMENT
IN A RELATIONSHIP
KICK
BLOCKED
SINGLE ulit.
Parti na nang buhay nating mga kabataan ang FACEBOOK, at iba pang social network. Kadalasang mas nauuna pa itong ma update kaysa sa mga kaibigan. Hindi rin naging healthy sa dalawa ang naging relasyon. Tunay namang naging masarap ang samahan nila bilang mag-irog. Siguro sadyang napagod lang sila at kailangan munang hanapin nila ang sarili.
Makalipas ng dalawang linggong hindi pagpaparamdam ni Greg, nagdesisyon si Jane na magpakalayo-layo na muna, lumuwas ito ng siyudad at don naghanap ng trabaho. Hindi nahirapan ang dalaga sa paghahanap, nakapasok kaagad ito sa isang real estate na companya. Dahil sa agad-agad ang kanyang training, lumuwas ito ng Makati dalawang araw mula sa pagkakahire nito para dun pormal na magtrain.
Ngunit sa puso niya’y di niya nagustohan ang umalis. Hindi, dahil gusto muna niyang maasyos ang kung ano man ang hindi pagkakaunawaan nila ni Greg. Pero tulak nalang din ng kanyang pride
“Kung totong mahal niya ako, may babalikan ako. Hindi siya magmamahal ng ibang, gaya ng pangako niya”
Kinaumagahan mula sa nakakapagod na flight, bakbakan na. Ganadong matuto si Jane ngunit may kulang sa kanya. Wala ang palangiti at bibang aura niya. Tunay na bakas sa kanya ang pangungulila sa iniibig.
Gaya ng dalawang taong reklamo sa kanya, late siyang nakarating sa training room. Nakaupo na ang lahat at nagkukwentuhan. Binati siya ng mga kasamahang lalaki, ngunit di man lang ito kumibo. Di nagtagal pumasok din ang kanilang trainor.
