Prologue

13 1 0
                                    

Sabi nila, ang pagkakaroon daw ng opposite sex bestfriend ay masaya.

Iba daw kase yung feeling pag halimbawa, malungkot ka, sya yung magpapasaya sayo.

Iba daw yung dating ng isang advice kapag galing sa opposite sex mo. Mahirap iexplain pero masasabi kong lahat ng yun totoo.

Totoo dahil lahat ng yun naranasan ko.

Naranasan ko nang magkaroon ng bestfriend na laging nangungulit, nang-aasar, nambabadtrip, at laging nagpapatawa sakin.

Bestfriend na kahit maraming kaoffend-offend na ugali ay di ko parin kayang talikuran.

Bestfriend na pinoproblema din lahat ng problema ko.

Kaso ang mahirap lang, pag nagkaroon ka ng bestfriend na opposite ang gender sayo, imposibleng di ka ma-fall.

Lalo na pag babae ka. Yung tipo ng babaeng madaling ma-fall. Lalo na pag itong si lalaki rin ay isa sa mga pa-fall.

Resulta? Ayun. Aasa ka. Aakalain mo na baka mutual ang feelings nyo.

Yung kapag lagi ka nyang kinukulit, sa sulok ng kokote mo, may bumubulong na kaya siguro ganun sya ay dahil gusto ka rin nya.

Na kapag lagi ka nyang inaasar, pinagtitripan at binibwiset, magtatampo ka kunyare at eto naman sya, susuyuin ka kuno.

Kaso kapag ganun yung nangyayari, biglang sasagi sa isipan mo na baka siguro kaya sya ganun dahil nga magbestfriends kayo.

Yun yung mahirap sa babae e, kung ano anong naiisip. Simpleng bagay lang, bibigyan na nya ng kung ano anong meaning.

Pero pano pala kung yung meaning na iniisp mo ay totoo ?

Would you take the risk na aminin sa kanya yung nararamdaman mo hoping na he feels the same way for you?

Pano rin kung hindi? Na hanggang bestfriend lang talaga yung tingin nya sayo?

BEST FRIENDS.

Nakikita mo ba yung space sa pagitan ng BEST at FRIENDS?

That's what you called BESTFRIENDS ZONE.

BESTFRIENDS ZONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon