Brent's POV"Ano ba naman yan AC! Ilang taon na tayong magkakasama dito sa condo ni Brent di ka pa rin marunong magluto ng matino!"
"Puta, ano yan?! Sinunog na itlog? Makakain pa ba yan?"
"Tanga ka ba Caleb? Malamang hindi na! Try mong tikman para matauhan ka."
"Pwede ba ang iingay niyo! Umagang-umaga talak kayo ng talak! Para kayong mga babae, bwisit." Sigaw ko sa tatlong ungas na ito, nagsikuhan naman silang tatlo at isa-isang tumabi, napahawak naman ako sa aking sentido nang makita ko ang binaboy na pagkain namin.
"Ako na lang ba talaga ang marunong magluto ng maayos dito?" Nakapanlumbaba kong tanong sa kanila, tumingin naman sila sa akin. Seryoso, sa loob ng 10 taon na pagkakaibigan namin para akong may tatlong anak na mas masahol pa sa totoong bata, mga hayop ata toh e.
"E kasi si AC, Brent! Dapat nga ako magluluto e, hindi ikaw! Porket ikaw naka-toka na maglinis ng banyo tsk pasa-pasa ka ng trabaho!" Sumbong ni Dan sa akin, binatukan naman ni Caleb si Dan at sinamaan naman siya ng tingin ni AC.
Napa-iling na lang ako nang magsimula na silang mag-wrestling na tatlo, napabuntong hininga na lang ako lumapit sa ref para maghanap ng pwedeng lutuin.
I found myself holding three packs of pancit canton. Gusto ko sana ng gulay kaso ang tatlong ungas ay ayaw sa gulay, mga masyadong mahihilig sa karne kaya ang tae nila laging tubol, badtrip.
Lumapit naman si Caleb sa akin habang hinahanda ko ang kakainin namin, "May nahanap ka ng ipapasok sa Seton?" Napatigil naman ako sa pag-hahalo ng noodles at umiling.
"Iniisip ko lang Brent, bakit ba natin toh ginagawa?" Takhang tanong ni Caleb sa akin, tinitigan ko naman siya, "Ang alin?"
"Hacking schools?" Sarcastic niyang tanong, sinamaan ko naman siya ng tingin at ang bakla nag-peace sign, "To show them the impossible." Simple kong sagot, mukhang nakuha niya naman ang point ko kaya ngumisi na lang siya.
"Still, hindi ko pa rin nahahanap ang tamang tao na ipapasok natin sa Seton." Pareho naman kaming napahinga ng malalim ni Caleb, lumapit naman si AC at Dan sa amin, "Is this about Seton?" Tumango naman kaming dalawa ni Caleb.
"Nakita ko yung system nila, medyo mahirap pasukin ng codes. Mahigpit security nila and nabasa ko rin sa background ng school na may experience na sila na one time ay na-hack ang system ng school nila kaya nakapapasok ng mga outsiders na student na nag start ng gulo inside their campus." Dan said habang hawak ang IPhone niya. Meet Dan Caruso, expert in the field of searching for resources.
In order to hack, one must search different things.
"And since I experienced studying to that school, nakita ko kung gaano kahigpit ang security nila. They say na Seton ang pinaka-complicated na school para i-hack dahil sa dami ng codes at passwords na dadaanan mo, three trials brothers kaya nila tayong i-trace." Sabat naman ni AC. Meet Armand 'AC' Cortez, he is our spy in the inside world of the school we target.
In order to hack, one must experience anything.
"I've prepared everything para sa gagawin natin, lahat ng security system nila ay nagawan ko na ng paraan para mapasok natin, only one thing is left," Caleb looked at me at ganun din ang ginawa ni Dan at AC, but first meet Caleb Iganicio, my best bud among the three of them.
In order to hack, one must prepare something.
"the right person to enter Seton" Meet myself, Brent Villafuentes.
In order to hack, one must plan everything.
-
Don't forget to vote and comment!
BINABASA MO ANG
Hacking Science Class
RandomMeet Brent, Caleb, Dan and Armand, 4 hackers, 3 words, 2 victims, 1 school. Will they be able to do the impossible? Or mess up the possible?