ii

86 6 1
                                    

Brent's POV








Galing kami sa probinsya ni Caleb, nabalitaan kasi namin na na-isugod daw sa ospital ang mama niya.










"Balik tayo sa probinsya minsan, sama natin si Dan at AC." Natatawang sabi ni Caleb, pauwi na kami ngayon sa Manila, nag-overnight lang din naman kaming dalawa ni Caleb sa bahay nila.









"'Di mabubuhay yung dalawang yun sa probinsya. Hindi nga mabuhay ng walang WiFi e." Tumawa naman kaming dalawa, pero nagulat kami nang may marinig kaming kalabog sa bubong ng kotse, nagkatinginan kami ni Caleb at sabay kaming napatingin sa de latang sardinas na gumulong pababa ng kotse.









"Ano yun?" Takhang tanong ni Caleb, "Bullshit, malamang yupi na bubong ng kotse ko." Napamura naman ako ulit sa utak ko.










"WHAT THE FUCK?!" Sabay naming sabi ni Caleb ng may dalawang babae na magkamukhang-magkamuha ang sumakay na lang bigla sa backseat. Yung isa brown ang buhok at yung isa naman ang blonde. Mukha naman silang desente pero, "KUYA SORRY SA ABALA PERO PWEDE BANG IPAANDAR MO NA YUNG KOTSE KUNG HINDI MAMAMATAY KAMI NG KAMBAL KO DITO!" beast mode na sabi nung babaeng Brown ang buhok habang nakatingin kay Caleb.












Napadako naman ang tingin ko sa babaeng blonde ang buhok, and fuck dumudugo ang braso niya! Nanlaki naman ang mata ko, like what the actual fuck anong gulo ang hatid ng kambal na toh?! "Hehe sorry nabato ko kotse mo" sabi ni Blondey at nagpeace sign pa siya, kita ko namang napangiwi siya sa sakit.











Nagkatinginan naman kaming apat ng may marinig kaming putok ng baril, magsasalita na sana ako pero biglang sumigaw si Blondey, "KUYA PAANDARIN MO NA BAGO KA PA MADAMAY DITO!" agad ko namang i-stinart ang kotse at pinaharurot.














"ANO BANG NANGYARI AT KAMI PA ANG DINAMAY NIYO SA GULO NIYO?!" Sigaw ni Caleb sa kanilang dalawa, "SAKA NA KAMI MAGPAPALIWANAG PAG DATING NG MAYNILA!" Sigaw pabalik nung babaeng Brown ang buhok.












"Caleb, kalma." Inis kong sabi, huminga naman siya ng malalim, "Do you expect me to calm down kung alam kong madadamay tayo sa sitwasyong ganito?! Kaya ko pang mainvolve sa paghahack pero sa ganito? No way, Brent! Paano kung sindikato pala tog dalawang toh?! Looks could be dece-"













"Kunin mo yung First aid kit sa likod ng kotse." Kalmado kong sabi, habang nakatingin sa daan, shit nakakatakot pa man din dahil pa-zigzag ang daan dito.












"Pero Brent-"











"No but's Caleb! Obey my order, kunin mo ang first aid kit sa likod." Matigas kong sabi, out of frustration napasabunot naman sa buhok niya si Caleb, pinilit niyang makadaan sa mga upuan para marating ang pinaka-likod ng kotse, "NOW WHAT?!"












"Gamutin mo yung sugat ni Blondey."












"BLONDEY?! BROWN KAYA BUHOK KO MGA BULAG NA YATA KAYO E! KOTA NA AKO SA BLONDE NA YAN!" Nairita naman ako sa sigaw ni babaeng Blondey, nilingon ko siya at sinamaan ng tingin, "'Wag ka ng maarte, ikaw na nga tinutulungan." I hissed, pagtingin ko ulit sa daan may truck sa harap namin at sobrang bilis ng takbo ng kotse, "SHIT!"










Napasub-sob naman kaming lahat ng bigla akong prumeno, iniangat ko ang tingin ko and I breath heavily, close enough fucking close enough, "DAHAN-DAHAN NAMAN KUYA! DITO PA YATA KAMI MAMAMATAY E!"











"GUSTO NIYO BANG IWAN KO KAYO DITO SA GITNA NG DAAN?!" Sigaw ko sa kanilang dalawa, "Oh Blondey and Browny, just a piece of advice 'wag niyong gagalitin si Brent, you might not want to see it." Caleb chuckled, nanahimik naman sila at nag-concentrate na ako sa daan, tsk di lang naman buhay nila ang nakataya pati buhay namin kaasar











Buti na lang at malapit na kami sa Manila, pagkarating namin ay dumiretso kami agad sa condo namin, "Wow! Ang gandang building!" Manghang sabi nung Blondey, "Baba." Utos ko sa kanila, bumaba naman si Caleb at inalalayan si Browny naiwan naman kami ni Blondey sa loob ng kotse, napabunong hininga ako at bumaba ng kotse, "Teka, teka Brent!" Hinarap ko naman siya.











"Paano buksan toh?" Sabay turo niya sa pinto, shit taga-probinsya nga talaga. Napahilot naman ako sa aking sentido, binuksan ko ang pinto, tatayo na sana siya pero bigla ko siyang binuhat na parang sako, "ARAY ANO BA!" Sigaw niya habang hinahampas ang likod ko, isinara ko naman ang pinto ng kotse at pumasok na ako sa loob ng condo.








Ibinaba ko naman siya sa loob ng elevator at halatang taong probinsya talaga siya , tsk "Huy, anong ginagawa natin dito? Baka mamaya pagsamantalahan mo ako ha!" Sinamaan ko naman siya ng tingin, yes may itsura siya at maganda rin ang katawan niya sa totoo lang mas nagagandahan ako sa kanya kesa sa kambal niya, her blonde hair suites her well, and what that fuck am I saying?












"Feeling mo naman, 'di kita type." Nakasimangot kong sagot, pinindot ko naman ang 51st floor at habang umaandar ang elevator nananahimik itong kasama ko, "Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya.










"Parang umaangat kaluluwa ko, nakakahilo." Sagot niya sa akin napakapit naman siya sa pader ng elevator, I rolled my eyes heavenwards at nanatiling nakatingin sa pinto ng elevator, "Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.








"Xanthe Buenavista." Maikli niyang sagot, "at yung kambal ko si Leanza." dugtong niya, "Anong nangyari kanina?" tanong ko na eksakto namang pagbukas ng elevator, "Woah! So may isa pa kayo chikababes na dala?!" Sigaw ni Dan, binatukan ko naman siya, "Maupo ka doon." Malamig kong sabi kay Xanthe, tumango naman siya at umupo sa sofa.










"Asan yung kambal niya?" Tanong ko kay Caleb, tinuro niya naman ang guest room ng condo ko, "Nahimatay kanina, over fatigue at may monthly period din pala 'di na kinaya ng katawan." Tumango naman ako tumabi ako kay Xanthe at tinanggal ko ang benda niya sa braso at tinignan, "Shit, may nakabaon na bala." Napahilamos naman ako sa mukha ko.










"Bakit Brent? Nasaan pala si Leanza?" Tanong niya, "Nasa guestroom nagpapahinga, Caleb tulungan mo kong alisin yung bala sa braso niya." Nagulat naman silang lahat sa sinabi ko.










"ANO?! SERYOSO BRENT?!" Sigaw nilang lahat, "Armand, ayusin mo yung med room ko at dalhin niyo si Xanthe doon. Caleb turukan mo siya ng anestisya at pampatulog, Dan bantayan mo si Leanza." Utos ko sa kanilang lahat, agad naman silang sumunod, pero dumaan muna si Dan sa akin and he placed his hand on my shoulder.









"Now we'll see how a future surgical doctor does." Napa-iling na lang ako tinulak siya palayo sa akin, oo med student ako. Si Caleb naman Medical Technology, si Dan Computer Engineering and si Armand naman ay Business Administration. Despite of being hackers we still live a normal life.












"'Wag kang kabahan Brent baka maka-ihi ka!" Sigaw ni Dan sa akin.











"Gago!"

-
Yey! Here's an update, votes and comments are highly appreciated

Hacking Science ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon