列車の少女の幽霊

7.2K 139 129
                                    


Lunes...hindi lang naman siguro ako nag iisa na tinatamad talaga sa araw na 'to, pero ang araw na ito ay hindi basta isang normal na araw para sa mga studyanteng nag aaral katulad ko; ito ay dahil sa kadahilanang nakikita ko ang babaeng kumuha ng aking atensyon ng dahil sa kanyang mga galaw.

Enero de trese ng una ko siyang makita, pero hanngang ngayon ay di ko siya magawang makausap dahil sa aking pag oobserba ay siya ay tahimik na babae. Nakalugay ang kanyang buhon at naka uniporme, kaya naman napag tanto ko na siya ay papasok sa kanyang eskwelahan. Nais kong magpakilala sa kanya kaya naman ay nilakasan ko ang aking loob at tinabihan siya. 

"Hi; Ako nga pala si Andrei...Ikaw? Anong pangalan mo?" Pag dadalawang isip kong tanong sa kanya.

"Maria" Tipid niyang sagot, siya ba ay nahihiya? tanong ko sa aking sarili

"Base sa uniporme mo, sa Koleheyo ng Ignacio De Crux ka nag aaral diba? Ako naman sa Baltazar, sa kasunod na estasyon na" Hindi naman ako laging nagpapakilala sa kung sino sino man lang, siguro dahil ay may kakaiba sa kanya pero kung ano yoon ay hindi ko alam.

Na tyempohan na dumating na ang train sa aking bababaan. 
"Nagagalak akong makilala ka, sana makita kita ulit" Sabi ko habang palabas na ng train habang tinitignan ang blanko niyang mata.

"Hindi ka ba natatakot? Wala ka ba talagang naalala o sadyang ayaw mo lang maalala?" Bigkas niya saakin at nagsarado ang pintuan, nakatingin parin kami sa isa't isa habang dahan dahan na palayo ang tren.

Hindi ko alam kung bakit, pero sobrang bilis tumakbo ng oras, hindi ko namamalayan na Lunes na pala ulit. Nagkasabay na naman kami ni Maria, masaya ako pero mas nangingibabaw sa akin ang kaba at lito dahil sa mga sinabi niya noon huli naming pagkikita. 

"Hindi ako matatahimik;wala ka ba talagang maalala?" pabulong niyang sinabi sa akin.

"Ano ba ang nais mong ipahiwatig? nalilito na din ako sa mga sinasabi ko" mas lalo akong kinakabahan sa mga sinasabi niya, parang may mali. 

"Byernes, Enero de trese... Alas onse imedia. May Isang babae na sumakay dito sa train na 'to kung saan tayo ngayon, kakagaling niya lang sa bahay ng kanyang kaklase dahil gumawa sila ng thesis kaya naman ay nagmamadali siya. Nag paalam siya sa kanyang magulang na uuwi siya dahil hindi siya pinayagan na makitulog doon kaya ang nasakyan niyang trang ang huling babyahe noon at siya nalang din ang pasahero. Gusto niya na din umuwi sa bahay nila dahil pagod siya at gusto niya na din makapag pahinga ng biglang huminto ang train...nag hintay siya at baka aandar na ito ulitpero lakinggulat na lamang niya na may pumasok na lalake  at lumapit sa kinauupuan ng babae, alam niyang isa ito sa taohan ng train dahil naka suot ito ng uniporme kaya naman ay tatanungin niya sana ito kung ano ang nangyari nang mapansin niya na iba ang kanyang galaw at napag tanto niya na lasing ito, biglang hinawakan  ang dalawang kamay ng dalaga at itinulak ito sa may upuan at pinag hahalikhalikan ito sa leeg, pinilit niyang manlaban at sinipa ito sa pribadong parte ng lalake.

Tatakbo sana siya papalayo at hihingi ng tulong pero nakatayo agad ang lalake at nahawakan siya sa may braso at hinila ang buhok nito at iu-uumpog sana ang ulo nito sa may salamin, pero hindi alam ng lalake na  tumama ang ulo ng babae sa may bakal at hindi sa salamin kaya sobrang gulat niya ng maka kita siya ng dugo sa kanyang kamay ay dali-dali siyang humanap ng maipaglalagyan ng katawan nung babae, at sa hindi niya alam na dahilan ay nakahanap siya ng malaking sako at ipinasok nito ang babae sa loob, kinaladkad niya ang sako palabas ng train at ipinasok ito sa"

" kawawa naman pala yung babae ano " parang pamilayar yung kwento na yan saakin pero hindi ko malala kong sino ang nag kwento niyan o kung ano

" Alam mo ba kung saan nakatago ang bankay ng babae? " pag kasabi niya nun agad nanaman akong kinakabahn, umiiba nanaman kasi ang tono ng pananlita niya

" Hi-hindi bakit? "

" diyan sa inuupuan mo, silipin mo baka nandiyan pa yung katawan ng babae " natatakot na talaga ako sa pinag sasabi niya

" s-sige " agad ko namang sinilip ang ilalim ng inuupuan ko at nakita ko nga ang isang malaking trash nag , dahan dahan ko itong kinuha at naamoy ko na ang isang masangsang na baho ng patay. pero mas ikinagulat ko nang makita ko mukha ng bangkay

" Oh, Rob bakit gulat na gulat ka? ngayon ka lang ba nakakita ng bangkay? " nag iba bigla ang tono ng pananalita niya, Galit at pagkainis na pananalita

" ba-bakit ikaw ang nasa loob ng trash bag? "

" Wala ka pa rin bang maalala Rob? O sadyang ayaw mo lang maalala? "

" Anong pinag sasabi mo? "

" Alalahanin mo Rob! sa lakas ng sigaw niya ay naalala ko ang lahat

~FLASH BACK ~

Linggo ng gabi noon ng nakipag hiwalay sa akin ang Girlfriend kong si Kyrelle.

Nag lasing ako pagkatapos niyang makipag hiwalay sa akin, doon ko lang na alala na may pasok pa pala ako sa training namin ng pag dadrive ng train as a Senior student at graduating pa, ang mas malala pa dun ay kasama ko ang kaibigan ko dun na siyang umagaw sa babaeng mahal ko.

Isa nalang ang pasahero noon at doo n siya pumasok sa pinaka dulo ng train, nang nasa kalagitnaan na kami ng byahe ay agad kung sinikmuraan ang traydor kong kasama ini-umpo ang ulo niya sa salamin ng train at naka tulog siya, desperado na ako. agad akong pumunta sa pinaka dulo ng train at nakita ko yung babae, agad ko siyang pinuntahan nun at hinawakan ang dalawang kamay niya at pinag hahalikhalikan ito sa may leeg pero lumaban siya at sinipa ako kung saan pinakasakit na parte, tatakbo na sana siya nun pero nahawakan ko siya sa kamay at hinila ang buhok niya at iuumpog sana sa may salamin ng train, pero laking gulat ko na may lumabas na dugo sa ulo niya, nakapatay ba ako? dali dali akong kumuha ng trash bag na hindi ko alam kung saan galing at nilagay ko ang katawan niya dun at inilagay sa ilalim ng upuan

~ END OF FLASH BACK~

" S-sorry, patawad hindi ko si-sinasadya "

" Sorry? ahahahaha okay lang yun atleast pareho naman tayo diba? HAHAHAHAHA "

" anong ibig mong sabihin? "

" Hindi mo ba naaalala? namatay ka rin. at paano ka nakaka punta ng school? sa totoo hindi ka talaga nakaka punta nang school! kasi kapag lumabas ka ng train na to eh bibilis ang oras kaya sa huli babalik at babalik ka parin dito dahil nandito ang katawan mo "

" ANO!? "

" oo, nadulas ka sa dugo galing sa katawan ko, buhay pa ako noong ipinasok mo ang katawan ko sa trash bag, naka limutan mo man lang kung may pulsi pa ba ako o wala na, hindi ako makagalaw dahil natatakot ako sa pwede mong gawin pero namatay na lang ako sa sobrang dami ng dugo na nawala, hindi ka sana mamaty noon kung hindi pinaandar ng kasama mo yung train, kaya tumama ang ulo mo sa bakal. at sa huli ayakala nung kaibigan mo na siya ang nakapatay sayo kaya kumuha siya ng trash na inihanda niya naman talaga para sayo kasi may plano siyang patayin ka na talaga, kaya ayon ipinasok niya ang katawan mo sa trash bag at inilagay sa ilalim ng upuan kung saan ako nakaupo "

" Hindi yan totoo! nanaghinip lang ako! Hindi yan totoo "

Di ko alam kung totoo ang sinasabi niya, pero maniniwala ba ako? unti unti siyang ngumisi at tumawa ng mahina.

**

" HINDIIII " napa sigaw ako sabay bangun sa kama ko.

grabe ang sama ng panaghinip na iyon , parang totoong totoo, Mabilis akong bumangon at inihanda ang sarili ko para pumasok sa school.

Agad akung sumakay ng train at pumunta sa pinaka dulo kung saan ang paboritong pwesto ko.

" Hahaha " Ang tawa na yun, di ako nag kakamali sa tawang yun, ang nakaka kilabut na tawa! di ko na napigilan ang sarili ko at lumingun na ako kung saan nang galing ang tawa

" Nira "

The END

The 幽霊(ghost) Train Girl

Written by: RandomThinker_

Train GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon