NOTEBOOK ♥ (One-Shot)
-----------------------------------------------------------------------
PROLOGUE:
Aakalain mo ba na isang NOTEBOOK lang ang babago sa estado ng LOVELIFE mo?
Yung tipong nahulog mo lang pero LALABAS LAHAT NG KATOTOHANAN?
Isang pirasong pilas ng papel, malalaman ang lahat ng pagtingin.
Dahil sa isang NOTEBOOK, nabago ang BUHAY PAG-IBIG ni Karen at Aaron.
[A.N: 'Di talaga ako marunong gumawa ng prologue eh! Sorry:)]
-----------------------------------------------------------------------------------
Karen's POV
*KRRIIIIIIINNNNNNNGGGGGGG!
Yess! Bell na! Kaso, kami yung cleaners! 5 kaming mag-lilinis ng classroom. Pero, si Aaron at Cyron, may practice ng Basketball. Si Alyssa naman tsaka si Bridgette, may practice ng Taekwondo. Hayyyyyyyy! Buhay nga naman oh? So, kelangan AKO lang talaga ang mag-lilinis? Ganun? Ang galing ng timing nila ah?
"Okay! Class Dismissed!" sabi ni Ma'am Villagracia sa amin habang inililigpit yung mga gamit nya.
"Guys, GUYS!!! Sino cleaners natin ngayon? Group 3 na 'dba? Sige maglinis na kayo!" sigaw ng Class Peresident namin.
"Grabe! Kayo kaya paglinisin ko ng room mag-isa!" nasambit ko sa aking isip. Ang sakit kasi sa pakiramdam na IKAW LANG TALAGA MAGLILINIS NG BUO NIYONG CLASSROOM!? What a NICE DAY ! >,<
By The Way Guys~
I'm Karen Lee, 16 yrs. old studying at ********* Academy.
Panu ba mag-introduce? 'Di ko alam eh ?
Magkwento lang ako sa mga ka-CLEANERS ko ah?
Si Aaron, best friend ko since birth yan! Yung mama ko kasi tsaka mama nya, mag-bestfriends nung college kaya nung nakapagtapos sila parehas ni mama ay napagdesisyunan nila na magtrabaho hanggang sa nakilala nila mga daddy namin. Tapos napag desisyunan nila na magtayo ng bahay na magkatapat lang ang bahay nila kaya yun! Kung saan si Aaron nandun ako. Kung nasan naman ako, nandun din si Aaron. Pero simula pagkabata ko, may lihim na pagtingin na ako kay Aaron. Hanggang ngayon, nananatili pa rin itong LIHIM dahil baka ito pa ang maging dahilan para masira ang FRIENDSIP namin.
Si Cyron naman ang pinakamagaling sa amin pagdating sa Basketball. Mortal Enemy ko yan pagdating sa mga bagay-bagay. Pero pagdating kay Alyssa, Feeling BESTFRIEND turing skin nyan eh! Tulad din sa amin si Cyron. Bussiness Partners kasi ang daddy nya at ang daddy ko. Kaya kung nasan ang isa, nandun din ang lahat.
Si Alyssa. Yan! Sya ang TRUE BESTFRIEND ko! :))))
Nasa sinapupunan palang kami ng mga mama namin naguusap na kami nyan! Hahaha. Pero syempre, JOKE lang . Sya lang ang namumukod tangi na nakakaalam ng pagtingin ko kay Aaron. At! Ako lang din ang may alam tungkol sa CRUSH NYANG SI Cyron! Oh, 'dba?! Bagay slila! Samantalang AKO! Hanggang panaginip nalang atah?
Si Bridgette? Tsssss! Sya yung pinaka-Ayaw ko sa Classmates ko! Hindi sya arunong makipag-cooperate! Kaya nga kapag cleaners kami, kaming 4 lang naglilinis! Panu , nasanay ata sa bahay nila na palaging nakaupo lang. Tska sikat din sya sa buong school kasi sya ang pinaka kinatatakutan ng mga babae sa school pati na rin ang kanyang mga ALIPORES.
Nagsilabasan na ang aking mga classmates pati narin ang mga CO-CLEANERS ko.
Nagpatugtog muna ako sa cellphone ko bago ko sinumulan ko ng kunin ang walis at linisin ang dapat linisin.