CHAPTER ONE: Meet Our New Professor.

17.9K 99 0
                                    

6:00 o’clock yan ang oras para i-alarm ko ang orasan ko sa umaga, pero lagi akong humihirit ng 5 minutes bago bumangon. Hirap bumangon ng ganoong oras pero kailangan

 

eh.

           

Niligpit ko muna ang hinigaan ko bago tumungo sa banyo para maligo.

Palagi akong hinahandaan ng mama ko ng breakfast bago pumasok sa school. Ansarap ng ganoon di ba?

“Ma, ano ulam?” ang lagi kong unang tanong paglabas ko ng kwarto. Ayos di ba? 

“Nagluto ako ng itlog at tocino jan. Kumain ka na.” Sagot ng mama ko.

Oo nga pala, ako nga pala si Joanna de los Santos. 18 years old, nag-iisang anak, taking Hotel and Restaurant Management Course, at may boyfriend ako na si Aaron na Criminology naman ang kurso . Gwapo, matangkad, maputi at hinahangaan ng mga kababaihan sa university namin, swerte ko at ako ang minahal niya. 

Legal kami, at gustong gusto siya ng parents ko para sa akin dahil may kaya din ito sa buhay dahil sa ang magulang niya ay parehong nasa ibang bansa.

-------------------------------------------------

Sa school...

“Bebe!” yan nga pala ang tawag niya sa akin. So sweet noh?

“Oh Bhe. (with smile siyempre) kanina ka pa dito?”

Sabay kami pumasok sa school, tuwing umaga hinihintay niya ako sa harap ng school. Ganyan niya ko kamahal. :) “Hindi naman, kararating ko lang din. Tara na ihahatid na kita sa room mo.” Sabi niya.

“Sige.. hmmm! Bakit kasi hindi ka na lang ng HRM din para magclassmate tayo. Para sa buong maghapon, nakikita at nakakasama kita.” Oww, sweet ng line ko na yun. Haha. Ang sagot niya naman... “oh? Ayoko nga noh, baka magsawa ka sakin agad.” Saka ngumisi.

“GANON? Hmp! Ba’t naman ako magsasawa sa’yo? Saka gano’n ba ‘yon?” iniripan ko siya, ewan ko ba bakit hindi ko nagustuhan ang sinagot niya sa biro ko. At inunahan ko siya sa paglalakad.. “Mauna na ko, wag mo na ko ihatid sa room. Bye!”

At nakangisi pa rin siya ewan ko ba kung bakit. At humirit pa siya... “BHE! I LOVE YOU.” At nakangiti siyang sinabi ‘yun, sobra akong kinilig. Grabeeeeeeh! :D At siyempre paeffect ako na kunwari hindi ko narinig. Pero sumagad hanggang tenga ang ngiti ko. O di ba??? So sweet talaga ng boyfriend ko. Hihi.

Habang naglalakad ako papuntang classroom... may nakasalubong akong parang bagong mukha dito sa university namin, UGH! What a Face??? Ang gwapo, titingnan mo siyang parang nasa edad na 28 pero andun pa rin ‘yung lakas ng sex appeal niya. Haisst! Sino kaya ‘tong lalaki na to?

Habang naglalakad siya, bitbit ang dalawang libro at may kausap sa celphone niyang sa tingin ko ay Samsung Galaxy SIII ‘yun, haha. Oh eto na... dahil nga na-starstruck ako sa kanya hindi ko alam na nasa harap ko na pala ‘tong lalaki na ‘to.

“Excuse me..” sabi niya..

“Yes?” ang nasagot ko lang. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit..

One Night Stand With My Professor...(Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon